Isang gabi tinawagan ni Inspector Ishikawa sila Aikee at ang ibang Section B. Sinama din nila ako. Para mag imbestiga sa bahay ng mga Midori. Ayon kay Inspector namatay ang magulang at kapatid ni Hikari Midori dahil sa nilusob ng yakuza ang bahay nila. Dumating kami doon ng sira sira ang mga kagamitan at kalat ang mga basag na vase at mamahaling salamin. Pero naghinala si Inspector dahil parang di masyadong apektado si Miss Hikari sa nangyari. Kaya pina-double check niya kina Aikee ang crime scene. "This is a murder case, Inspector."turan ni Aikee sa seryosong tono na sinang ayunan din nila Aelon. Dahil may nakuha siyang ballpen na recorder pala. Nakarecord ang pagtatalo ni Hikari maging ng mga magulang at kapatid niya. "Hikari! Sumosobra kana! Tama na yan! Nasasaktan na si Megan!"

