Nandito ako sa computer laboratory naiinis ako. Someone hacked my social media account hindi ko alam kung paano niya yun nakuha. "Anything for my master.."nakangiting sambit ni Aelon. Siya kasi ang hiningian ko ng tulong. Diba he's a computer genius. Ang bilis ng ginawa niya. Ni hindi ko na nakita kung ano yung pinagtatype niya. Basta niya nalang nabuksan ulit yung account ko. Tapos nalaman din namin kung sino ang nanghack. He even corrupted all social media account nung lumapastangan sa account ko. Damn he's so cool. Paulit ulit akong nagthank you sa kanya. Then di muna ako umalis doon. Pinanood ko siyang maglaro ng ROS(Rules of Survival). Isa talaga siyang gamer, hindi kaya nakalunok to ng computer? Ang gwapo magseryoso. Jusko. Parang siya yung computer eh hindi yung kalaban.

