Nakahiga ako sa kama pero parang may bagyong umuugong sa loob ng dibdib ko. Paulit-ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Calix — "We're still married, Gia." Parang bangungot na paulit-ulit bumabalik. Hindi ako makatulog. Ano ba ‘yung pinakita sa akin ni Papa noon? ‘Yung dokumento na may pirma niya. Notaryo. May seal pa nga yata. Totoo ba lahat ‘yon? O isang malaking palabas lang? Huminga ako nang malalim habang kinukuha ang phone ko. Isa lang ang alam kong taong maaaring makatulong sa akin ngayon — si Lance. Si Lance, na pinsan ni Calix. Si Lance, na mas maraming alam kaysa sa inaamin niya. Alam kong nagbibiruan siya kanina, pero ramdam ko — may alam siya. At this point, wala na akong pakialam kung kanino ako magmumukhang desperada. Kailangan kong malaman ang totoo. Ring... ring... “Gia?

