CHAPTER 15

2136 Words
Mabilis ang takbo ng araw sa university. Parang kailan lang, bagong lipat lang ako sa Amerika, clueless, homesick, at basag na basag ang puso. Pero ngayon… bumabalik na ulit ang kulay ng mundo ko. Siguro kasi kahit pagod ako sa klase, sa projects, sa thesis—pag-uwi ko, may naghihintay sa’kin. Si Calix. Ang asawa ko. "Mrs. Rivas," bulong niya minsan habang nilalagay niya sa mug ang paborito kong hazelnut latte, freshly brewed sa mini kitchen ng condo niya. Wala siyang suot kundi gray joggers at ang apron na may nakaburdang Chef Calix — regalo ko noong first week niya dito. "Stop calling me that, baka marinig ako ng mga kasama ko sa Zoom," bulong ko, sabay kurot sa tagiliran niya. Pero ngumisi lang siya. "You love it." At oo, mahal na mahal ko. Pero sa labas ng pader ng condo namin, hindi ko siya puwedeng yakapin. Hindi ko siya puwedeng sabihan ng "I love you" sa hallway, o i-post ang favorite couple photo namin. Lahat ng meron kami, dapat itago. Pag umaga, bumabalik ako sa pagiging Gia Sarmiento — estudyanteng focused, reserved, bihira ngumiti. Pero pag gabi? Sa likod ng secret door papunta sa unit ni Calix... nagiging buong-buo ako. Araw-araw, gising ako ng 6:30 AM. Laging may naka-prepare na breakfast sa lamesa. Minsan omelette, minsan toast and scrambled eggs. Minsan waffles na siya pa mismo ang gumawa gamit ang bagong biling waffle maker na “pang bonding daw namin.” Hindi siya palaging nandito pag gising ko. Kadalasan, maaga siyang umaalis para mag-remote meetings kasama ang Rivaxon team sa Pilipinas. CEO duties never stop, kahit ilang timezones ang pagitan. Pero may mga post-it siya sa ref: “Good luck sa quiz mo, Mrs. Rivas 💙” “Hindi kita makakasabay sa lunch today, pero mamayang gabi… sa’kin ka lang 😉” Sa gabi, pag tapos ko na ang klase at pagod na pagod ako sa thesis revisions, dumadalaw siya. Minsan tulog na ako. Pero gigising ako sa init ng yakap niya mula sa likod. Titig lang siya sa akin, halos parang ‘di makapaniwala na magkatabi kami. "Pagod ka na ba sa’kin?" tanong niya minsan. “Hindi ko nga alam paano ko nagawang mabuhay ng wala ka dati,” sagot ko, sabay balik ng yakap. Sa side naman ni Calix… Nakikita ko kung gaano siya nagsusumikap. Bawat araw, may mga confidential calls, business updates, meetings with Rivaxon Manila at Davao. Halos parang may dalawang buhay din siya—isang CEO at isang secret husband. Isang beses, naglalaba siya ng mga damit namin sa laundry area habang may ka-call na investor. "Wala pa pong final press release," sabi niya, suot ang hoodie at hawak ang AirPods, habang inaayos ang fabric softener. "But I’ll keep you posted. Thank you, Leo." Pagkatapos ng tawag, lumapit siya sa akin. "CEO sa umaga, laundry boy sa gabi. Para sa’yo." Iyak-tawa na lang ako. Pero kahit ilang beses ko siyang makita sa gano’ng simpleng mga kilos… hindi nawawala ang takot sa dibdib ko. Lalo na kapag tumatawag si Papa. "Gia, nag-send na ako ng money. I-check mo ‘yung bank account mo. Baka magamit mo rin if you want to go to LA next month with your classmates. May isa akong kaibigan na pwedeng mong i-meet doon." "Thanks, Pa…" Sa totoo lang, hindi ko alam paano ako magpapaliwanag kung isang araw, may makaalam sa sikreto naming kasal ni Calix. Masisira lahat. Lalo na ang tiwala ni Papa. At alam naming pareho ‘yon. Pero tuwing gabi, habang nakahiga ako sa dibdib ng asawa ko, habang tahimik naming pinapanood ang mga city lights sa labas ng bintana, iniisip ko lang… Kung ito lang ang paraan para kami’y magkasama, pipiliin ko ito paulit-ulit. One night, habang nag-aaral ako para sa finals, lumapit si Calix sa likod ko. "Pagkatapos ng exams mo," sabi niya, "gusto kong mag-honeymoon ulit tayo. Kahit short lang. Somewhere tahimik. Just us." "Promise mo?" tanong ko. "Promise, asawa ko." At doon ko naramdaman ang pinakamasarap na pakiramdam sa mundo—ang maging pagod pero masaya. Lihim, pero buo. Hindi kami perpekto. Pero bawat araw na pinipili namin ang isa’t isa sa kabila ng lahat ng panganib, lalong tumitibay ang relasyon namin. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang tago-tago naming ito. O kung hanggang kailan kami makakaiwas. Pero isa lang ang alam ko… Mas gugustuhin kong itago ang pagmamahalan naming totoo, kaysa ipagsigawan ang isang kasinungalingan. Hindi namin namalayan ang mga araw. Hindi namin namalayan ang buwan. Sa dami ng sikreto naming tinatawid, sa bawat gabing magkasama kami sa maliit na mundong kami lang ang may alam, nalimutan na naming bilangin ang oras. Laging may tawanan tuwing gabi. Laging may halikan bago matulog. Laging may yakap sa gitna ng pagod. Hanggang sa isang araw, habang nag-aayos ako ng final requirements, napahinto ako. Isang buwan na lang pala… Graduation ko na. Mula kaninang umaga, parang may kakaiba na talaga sa katawan ko. Madaling mapagod, mabilis mahilo, at kung ilang araw na rin akong nasusuka. Akala ko stress lang sa finals at puyat sa thesis. Pero ngayong gabi, habang nakaupo ako sa gilid ng kama at hawak ang hawak kong maliit na pregnancy test kit… parang huminto ang mundo ko. Dalawang guhit. Positive. Napasinghap ako, napakapit sa comforter habang nanginginig ang mga kamay ko. “Hindi… possible ba ‘to?” bulong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa pinto ng secret door papunta sa condo ni Calix. Gusto ko siyang tawagin. Gusto kong makita agad ang mga mata niyang laging nagbibigay ng tapang. Pero nangingibabaw ang kaba. Anong sasabihin niya? Paano kung hindi pa siya handa? Paano kung… magalit si Papa kung malaman niya? Napapikit ako, pero hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi dahil sa takot lang. Kundi dahil sa kakaibang ligaya sa dibdib ko. May buhay sa loob ko. Anak namin ni Calix. Biglang bumukas ang secret door. Napatayo ako sa gulat, agad pinunasan ang luha ko. “Baby?” tawag ni Calix, may dalang takeout food. “Hindi ka pa kumakain—” Natigilan siya nang makita ang pregnancy test sa kamay ko. Tumigil ang oras. “Gia…” bulong niya, dahan-dahang lumapit. “Is that…?” Tahimik akong tumango. “Positive,” mahinang sagot ko, halos hindi marinig. Hindi ko in-expect ang sumunod. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Mas mahigpit kaysa dati. Parang ayaw na niya akong bitawan. “Oh my God,” aniya sa pagitan ng tawa at luha. “We’re having a baby…” Napangiti ako sa gitna ng pag-iyak. “Masaya ka?” tanong ko, mahina. “Masaya?” Inilayo niya ako para tumingin sa mga mata ko. “Gia… you just gave me the greatest news of my life.” At doon ko lang talaga binitawan ang lahat ng kaba. Hindi man alam ng mundo ang tungkol sa amin… pero itong sandaling ‘to— Kami lang. At ang bagong simula sa loob ko. Nasa kama kami ngayon, nakahiga, pero gising pa rin ang diwa ko. Yakap-yakap ako ni Calix mula sa likod, habang ang kamay niya ay nakapatong sa tiyan ko… sa maliit na parte ng katawan kong ngayon pa lang unti-unting nagbabago. “Parang panaginip ‘to, baby,” bulong niya habang hinahalikan ang batok ko. “Ang asawa ko… magiging mommy na.” Napangiti ako. “Ang secret wife mo, you mean,” sagot ko habang nilalaro ang daliri niya. Tumawa siya, pero ramdam ko ang lalim ng buntong-hininga niya pagkatapos. “I know,” aniya. “We still have a lot to think about.” Tahimik ako. Kasi totoo ‘yon. Hindi lang basta masaya kami. Hindi lang kami mag-asawa. Magiging magulang na kami. And for someone like me na hindi pa graduate, na may ama na kayang pagbagsakin ang kahit sino… mahirap hindi matakot. “Calix…” Mahina kong tawag. “Paano kung malaman ni Papa?” Hinaplos niya ang pisngi ko at pinaharap ako sa kanya. Nasa mga mata niya ang tapang na sa kanya ko lang nakikita. “Then we fight. Together.” “Hindi siya basta-basta. You know that,” anas ko. “Kaya nga tinago natin ‘to. Paano kung malaman niyang may anak na tayo?” “I’ll protect you,” sagot niya, diretso, walang alinlangan. “I’m already doing everything para hindi niya malaman na nandito ako sa New York. Yung condo natin, secured. Yung hospital contacts, private. And once you graduate… we can be more open.” Napahawak ako sa dibdib niya. “So until then, lihim pa rin tayo?” “For now. Pero hindi habambuhay. Kasi once makuha mo ang diploma mo, Gia…” Hinalikan niya ako sa noo. “We start living out loud.” Napaluha ako sa sobrang damdamin. “Calix… hindi ako perfect. I don’t know if I’ll be a good mom.” Tumawa siya, mahina, habang pinupunasan ang luha ko. “You’ll be amazing. Alam mo kung bakit?” “Bakit?” “Kasi you already love our baby—kahit pa natatakot ka.” Tahimik kaming yumakap ulit. Ramdam ko ang t***k ng puso niya sa likod ko, parang sinasabi ng bawat pintig: ‘di ka nag-iisa. At sa loob ng tahimik na kuwartong ito, habang binabalot kami ng gabi, isang pangako ang binuo namin—na kahit gaano kahirap itago ang lahat… Ipaglalaban pa rin namin ang pamilya naming nabubuo. Nasa dibdib ni Calix ang ulo ko, habang pareho kaming nakabalot sa kumot. Tahimik ang gabi—walang ibang tunog kundi ang mahinang paghinga naming dalawa. Tapos biglang— Rrrngg... Rrrnggg... Napalingon ako sa side table. Cellphone ko. Nakapatong, nanginginig, may ilaw. Tumigil ang puso ko sandali nang makita ang pangalan sa screen. “Papa” Napaupo ako agad. Kinabahan. Tinignan ko si Calix—bigla rin siyang bumangon, alerto, pero hinawakan ang kamay ko para kalmahin ako. “Answer it,” mahinang sabi niya. “Calm ka lang.” Huminga ako nang malalim at sinagot ang tawag. “Hello, Pa?” “Anak,” malalim ang boses niya. Palaging diretso. “Kamusta ka na?” “Okay naman po. Kakauwi lang galing library. Finals week na rin kasi,” mabilis kong sagot, pilit pinapantay ang tono ng boses ko. Narinig ko siyang huminga. “That’s good. I just wanted to check on you. Alam mo namang malapit na ang graduation mo.” Napalunok ako. “Yes, Pa. One month na lang.” Biglang tahimik sa kabilang linya. “Gia... I’m flying to New York a week before your graduation.” Nanlaki ang mata ko. “T-Talaga po?” “Yes. I already spoke with your dean. I want to be there. And we need to talk. In person.” Halos mabitawan ko ang cellphone. Parang may malamig na tubig na bumuhos sa batok ko. Kasabay nun, naramdaman ko ang kamay ni Calix na humawak sa likod ko. Pinipisil niya ang balikat ko para ipaalalang andito siya. “Of course, Pa. I... I’ll wait for you.” “Good. I’m proud of you, Gia. Just… keep doing what I say. Okay?” “Yes, Pa.” Pagkababa ng tawag, ilang segundo akong tahimik lang. Nakatulala. Then I looked at Calix. “Pa’no ‘yan?” mahina kong tanong, halos pabulong. “Paparating na siya.” “Then we stay calm,” aniya, buong tapang. “We planned for this. Let’s not panic.” “Calix... what if he finds out? About us? About—” Napahawak ako sa tiyan ko. “…the baby?” Hinila niya ako pabalik sa yakap niya. Mas mahigpit, mas mapanatag. “Then we face him together. Gia… hindi mo na kailangang harapin lahat ng ‘to mag-isa.” Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Ramdam ko rin ang kabog ng puso niya. “Hey,” marahan niyang sabi. “Come here.” Hindi na ako nag-atubiling sumiksik sa mga bisig niya. Niyakap niya ako nang mahigpit, parang gustong buuin ‘yung mga piraso ng puso kong muling nadurog sa takot. Ilang minuto kaming walang imik—yakap lang. “Babe,” bulong niya sa tenga ko. “Kahit anong mangyari, I got you. Okay? Hindi kita iiwan. Hindi na.” Napapikit ako. Nakapatong ang pisngi ko sa dibdib niya, dinig ko ang t***k ng puso niyang para lang sa’kin. At bago pa ako tuluyang matunaw sa mga yakap niya, dumampi ang mga labi niya sa noo ko… pababa sa pisngi… hanggang sa labi. Isang halik na puno ng pangako. Hindi madali. Hindi perpekto. Pero sa halik na ‘yon, ramdam ko ang buong puso niyang sinasabi—na kahit buong mundo pa ang kaharap namin, kakampi ko siya. Laging siya. Dumulas ang mga daliri ko sa batok niya, hinapit ko siya palapit habang lalong lumalalim ang halik namin. Mabagal. Matagal. Malalim. Hanggang sa wala na kaming ibang maramdaman kundi ‘yung t***k ng puso ng isa’t isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD