After five years, naging matagumpay ang operasyon ng Liora Hotels & Resorts dito sa Switzerland.
Mula sa unang branch na pinamahalaan ko sa Zurich, lumawak ito at ngayon, kilala na bilang isa sa mga pinakamalalaking luxury hotel chains sa bansa. Isa-isa naming nakuha ang tiwala ng mga kliyenteng European — business tycoons, celebrities, diplomats — lahat sila, tumatambay na ngayon sa lounge namin na may panoramic view ng Lake Geneva.
At habang tinitingala ng iba ang brand na itinayo ni Papa, alam kong ako ang naging mukha ng expansion namin dito. Ako ang humarap sa investors, ako ang nagbukas ng mga pinto. Ako ang nagtaguyod sa Liora Switzerland — habang unti-unting nililimot ang sarili kong mga sugat.
Ngayon, nasa top 10 luxury hotel destinations na kami sa buong Switzerland. Sa bawat article na lumalabas, laging nandoon ang pangalan ko. "Gia Ysabelle Sarmiento — the young Filipina heiress who redefined Southeast Asian hospitality in Europe."
Sa ngayon, sa edad kong 25, masasabi kong nagtagumpay ako. Masaya ako para sa sarili ko at alam kong proud na proud din si papa sa akin.
Isang araw, nagulat ako nong bigla na lang sumulpot si Andrei sa office, sinusundo ako. May pupuntahan daw kami at exited sya.
Sumama naman ako at dinala sya ako sa Zermatt. Tinitigan ko sya pagbaba namin sa Zermatt. Apat na taon na din pala mula nang magsimulang manligaw si Andrei sa akin.
Tahimik. Palaging andiyan. Kahit kailan, hindi niya ako pinilit. Hindi niya ako ginipit. Hindi niya ako ginulo sa mga panahong wasak pa ako. Ni minsan, hindi niya ginamit ang kahinaan ko para makalusot sa puso ko.
Nakita ko ‘yon. Ramdam ko ‘yon.
Pero sa kabila ng lahat ng effort niya, nanatili pa rin akong totoo. Hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.
Tahimik kaming nakaupo sa may gilid ng slope. Sa harap namin, ang snow-covered peaks ng Matterhorn — parang perpektong painting.
"Ang ganda, ‘no?" mahina niyang sabi.
Tumango ako. "Oo... pero mas maganda ‘yung totoo."
Huminga ako nang malalim. "Andrei..." Tumingin siya sa akin, may kaunting takot sa mga mata. "Gusto kong maging tapat sa'yo."
Natigilan siya.
"Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ialok sa ngayon," mahina kong sabi, nakayuko. "Pero... tinatanggap ko na ang panliligaw mo. Dahil gusto kong buksan muli ang puso ko. At pasasaan ba... baka matutunan din kitang mahalin."
Saglit siyang natahimik. Akala ko masasaktan siya, na lalayo siya, pero hindi.
Sa halip, bigla siyang yumakap sa akin — mahigpit, parang ayaw na niya akong pakawalan. Tapos isinubsob niya ang mukha sa dibdib ko.
Umiiyak siya.
“Salamat,” bulong niya sa pagitan ng hikbi. “Salamat... Gia.”
At sa unang pagkakataon, naramdaman kong baka puwedeng maging ligtas ulit magmahal.
That night, dinala ako ni Andrei sa isang cozy alpine restaurant sa may village center ng Zermatt. Rustic ang ambience, may warm lights, wooden interiors, at malaking fireplace sa gitna. Para kaming nasa loob ng fairy tale.
“Gusto ko simple lang,” sabi ko sa kanya habang naka-coat pa kami. “Ayokong parang... celebration.”
“Hindi ito celebration,” nakangiti siyang sagot. “Ito ay pasasalamat. Kasi binigyan mo ako ng pagkakataon.”
Hindi ko mapigilang ngumiti.
Pinaghandaan niya lahat. May private table kami sa gilid ng glass window, tanaw ang night view ng snow-covered mountains. May candle sa gitna, red wine, at mga pagkaing Swiss na paborito ko—rosti, raclette, at fondue.
Inalalayan niya ako sa upuan, pinunasan pa niya ang utensils ko. Tinitimplahan niya ang tea ko nang sakto sa gusto ko—hindi masyadong matapang, may konting honey. Nilalagyan niya ako ng food sa plato. Pinapauna ako palagi sa lahat.
“Hindi mo kailangang gawin lahat ng ‘to,” sabi ko habang pinagmamasdan siya.
“Gusto ko eh,” sagot niya. “Basta ikaw. Hindi ko ‘to ginagawa para suyuin ka. Ginagawa ko ‘to kasi mahal kita. At kahit hanggang dito lang ang kaya mong ibigay... masaya na ako.”
Tahimik akong napatingin sa kanya. Tapos dahan-dahan siyang tumayo, lumapit sa likod ko, at inilagay ang coat ko sa balikat ko.
“Baka ginawin ka,” bulong niya, malapit sa tenga ko.
Kinabahan ako. Hindi dahil sa kilig lang. Kundi dahil ang sarap pala sa pakiramdam na minamahal ka... ng hindi ka sinasaktan.
Bumalik siya sa upuan niya, at ngumiti ulit. "Walang pressure, Gia. Gusto ko lang maging safe ka sa piling ko."
At sa gabing ‘yon, kahit wala pa akong sinasabi, parang sinagot ko na siya muli—sa pamamagitan ng pagtanggap sa init ng pagmamahal na inaalok niya.
Araw-araw, kahit abala sa ospital si Andrei, siya pa rin ang naghahatid sa akin sa hotel office. Naka-coffee na siya kadalasan pagdating sa bahay—bitbit ang isa pang cup para sa akin, tamang blend, tamang sweetness.
“Magsisimula na ang rounds mo,” sabi ko minsan habang binubuksan niya ang car door para sa akin.
“May 30 minutes pa ako. Gusto ko lang masigurong safe kang makarating.”
Tahimik lang ako habang tinititigan ko siya. Kahit antok pa, kahit puyat, hindi niya pinapalampas ang kahit isang araw na hindi ako makita sa umaga.
“Salamat, Andrei.”
He smiled, soft and tired. “Anytime, Gia. Everyday, kung pwede lang, all the time.”
---
Pagsundo kahit may rounds pa
Isang gabi, bigla akong tinawagan ng secretary ko. “Ma’am, nasa lobby daw po si Dr. Del Mundo. Naghihintay.”
Nagulat ako. Hindi kami nagkita buong araw dahil may 3 surgeries siyang sabay-sabay. Akala ko dire-diretso na siya sa tulog after ng rounds.
Pagbaba ko, nakita ko siyang nakaupo, may bitbit na takeout bag.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko, lumapit agad.
“Gutom ka na siguro. Dumaan ako sa favorite mong Thai place. Tapos... na-miss kita.”
“Hindi ka ba pagod?” mahina kong tanong habang kinuha ko ang food.
Pagod ang mata niya, pero ngumiti pa rin siya. “Sobra. Pero mas mabigat yata yung idea na uuwi kang mag-isa.”
Napakagat ako sa labi. Gusto ko siyang yakapin. Pero sa halip, tumango lang ako at mahigpit na hinawakan ang braso niya.
---
Mga dinner date nila
Hindi palaging extravagant ang mga date namin—minsan picnic lang sa Lake Geneva, minsan ramen sa labas ng ospital kung saan kami parehong naka-scrubs (ako galing meeting, siya galing ER).
Pero bawat gabi, pinipilit ni Andrei na bigyan ako ng pahinga. May isang beses, dinala niya ako sa rooftop ng isang boutique hotel partner ng Liora, pinailawan ng fairy lights at candles, habang tinutugtog sa background ang acoustic playlist ko sa Spotify.
“Bakit mo ginagawa lahat ‘to?” tanong ko habang nagsasalo kami ng steak at red wine.
“Para hindi mo makalimutang mahalaga ka,” sagot niya, titig na titig sa’kin.
Doon ko narealize... hindi pala ako kay Calix lang minahal nang ganito.
Kay Andrei—minahal akong buo, kahit hindi pa ako buo para sa kanya.
Unti-unti na akong nasasanay sa presence ni Andrei.
Sanay na ako na may bitbit siyang kape tuwing umaga, na laging may text bago ako matulog, at kahit gaano ka-stressful ang araw ko sa trabaho, palagi siyang naroon para kumustahin ako. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang t***k ng puso ko, pero unti-unti, tila nagkakaroon na ulit ako ng lakas ng loob… magmahal.
Dumating ang birthday niya.
Nagulat ako nang malamang hindi niya pinlano ang sarili niyang celebration. Instead, nagpa-cater siya para sa buong ospital — staff, doctors, nurses, pati lahat ng pasyente. May lechon, pasta trays, cake, at mga gift bag para sa mga bata sa pediatric ward.
"He really has a big heart," sabi ng isa sa mga nurse sa tabi ko habang naglalagay ng spaghetti sa paper plate. "Kahit birthday niya, inuuna pa rin niya ang ibang tao."
Ngumiti ako. Gusto kong sorpresahin siya. Hindi ako nagsabi na pupunta ako. Tahimik lang akong dumating sa ospital, may bitbit na maliit na cake na ako mismo ang nagdesign — minimalist lang, chocolate, may nakasulat: "Happy Birthday, Doc A."
Pagkapasok ko sa lounge, nakita ko siyang nakaupo, tawa nang tawa habang kinukuwentuhan ng mga intern.
Pagkakita niya sa akin—
Natigilan siya.
Parang tumigil ang mundo sa paligid niya.
“Gia...?” bulong niya, parang hindi siya makapaniwala.
Ngumiti ako at tinaas ang cake. “Surprise.”
Bigla niya akong niyakap, mahigpit, parang ayaw na niya akong pakawalan. Ramdam ko ang pagbuntong-hininga niya, parang may bigat na nabunot mula sa dibdib niya.
“H-hindi ko in-expect na pupunta ka,” mahina niyang sabi sa tapat ng tainga ko.
“Gusto ko lang makita yung ngiti mo ngayong birthday mo,” sagot ko, tahimik.
Hinila niya ako papunta sa private office niya.
“I told them huwag muna akong gambalain,” bulong niya habang binubuksan ang pinto. Pagkapasok namin, laking gulat ko—may nakahanda nang lamesa para sa dalawa. May fresh flowers sa gitna, at pagkain na paborito ko.
“Teka, paano mo—?”
“Nagbabakasakali ako na darating ka,” sabi niya, nakangiti.
Tumitig ako sa kanya. Parang may parte ng puso kong unti-unting gumigising. At habang pinagsaluhan namin ang simpleng hapunan na ‘yon, hindi ko na kayang itago sa sarili ko.
Masaya ako.
Pagkatapos naming kumain, tumahimik kami sandali. Tahimik lang siyang nagligpit ng pinagkainan habang ako naman ay nakaupo pa rin, hawak-hawak ang baso ng tubig.
Tinitigan ko lang siya habang abala sa paghuhugas sa mini sink sa office niya. Ang bait talaga ng taong ‘to. Hindi ko maintindihan kung anong nagawa kong mabuti para bigyan ako ng ganito ka-pasensyosong tao.
“Thank you…” mahina kong sabi.
Lumingon siya. “For what?”
“Sa lahat. Sa pag-aalaga. Sa hindi pagsuko.”
Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit nangingilid na naman ang luha ko.
“Gia…” Lumapit siya at umupo sa tapat ko. “I told you, hindi kita pinipilit. Gusto lang kitang samahan. Kahit saan ka makarating, kahit anong desisyon mo.”
Napapikit ako, at saka ko lang binigkas ang tanong na matagal nang kinukulong sa dibdib ko.
“Andrei… bakit hindi ka na lang sumuko sa akin?”
Tahimik.
Naramdaman ko ang marahan niyang paghawak sa kamay ko. Hindi siya sumagot agad. Pero naramdaman ko ang init ng palad niya, at ‘yung panginginig ng hinlalaki niyang marahang hinihimas ang likod ng kamay ko.
“Because you deserve someone who stays,” mahina niyang sabi. “Alam kong sobra kang nasaktan. Kaya nga mas pinili kong maging totoo sa ‘yo. Hindi kita minadali. Hindi kita pinilit. Kasi gusto kong pag pinili mo ako… buo ka na ulit.”
Napasinghap ako. At doon, tuluyang bumagsak ang luha ko. Tahimik lang, walang hikbi. Pero ramdam ko ang bigat ng puso kong unti-unting gumagaan.
“I’m scared,” bulong ko.
“Okay lang,” sabi niya. “Nandito lang ako.”
Tumitig ako sa mga mata niya. Seryoso. Tapat. Walang halong laro.
“Andrei…”
“Hmm?”
“Pwede ba kitang yakapin?”
Ngumiti siya, at marahan akong nilapitan. Ako na mismo ang yumakap sa kanya, mahigpit. Sobrang higpit, parang gusto kong pakawalan lahat ng sakit na pilit kong tinatago sa likod ng ngiti ko.
Hindi siya gumalaw agad. Niyakap lang niya ako pabalik. Walang salita. Pero ramdam ko ‘yung t***k ng puso niya sa dibdib ko. Pareho kaming tahimik, pero parang nagsisigawan ang damdamin naming dalawa.
Unti-unti kong iniangat ang mukha ko para tumingin sa kanya.
He was already staring at me.
Marahan siyang yumuko, dahan-dahan… hinahanap ang pahintulot sa mata ko.
At hindi ko umiwas.
Paglapit ng labi niya, kusa akong pumikit. Hinayaan ko lang.
Malambot ang halik niya. Maingat. Walang pag-angkin. Wala ring pwersa. Isa lang itong banayad na pagdampi ng damdaming matagal niyang tinatago, at ngayon lang niya nagawang ipakita.
Hinalikan niya ako na parang natatakot siyang mawala ako, pero handang tanggapin kahit ano’ng sagot ko.
At ako?
Wala akong naramdaman na kakaiba. Wala ‘yung kilig na parang kidlat. Wala ‘yung init na minsang bumalot sa’kin sa piling ni Calix.
Pero hindi ko na rin iyon hinanap.
Hindi lahat ng halik kailangang may apoy. Minsan, sapat na ‘yung may dahan-dahan. ‘Yung may respeto. ‘Yung may tiwala.
At sa gabing ito, tinanggap ko iyon.
Hindi ko pa siya mahal. Hindi pa rin buo ang puso ko. Pero natuto na akong huwag matakot magmahal muli.
Pasasaan ba—baka balang araw, matutunan ko rin siyang mahalin.