Kausap ko pa si Calix nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi man lang kumatok si Papa—dumiretso lang siya sa loob.
“Gia!” sigaw niya. Galit ang boses, matalim ang tingin. “Who are you talking to?”
Nanlamig ako. Pero di ko na na-disconnect si Calix. Naririnig niya lahat.
“Si Calix po…” mahina kong sabi.
Hindi na siya nagsalita. Lumapit siya, kinuha ang phone ko mula sa kamay ko. “Wala ka nang telepono. Hindi mo na siya kakausapin.”
“Papa, please—” Nagtangka akong bumawi pero hindi niya ako pinansin.
“Yaya Bel!” tawag niya habang palabas ng kwarto. Ilang segundo lang, andun na si Yaya.
“Pakisamahan si Gia dito sa loob. Make sure she stays inside. Huwag mo siyang paalisin.”
“Papa, hindi ‘to tama!” Umiiyak na ako. “Hindi mo pwedeng gawin ‘to!”
Pero nagsara na siya ng pinto. Wala akong nagawa kundi maiyak. Umupo ako sa gilid ng kama ko, napahawak sa kumot habang nanginginig ang dibdib ko sa sakit.
Yaya Bel sat beside me, tahimik lang. Hawak niya ang braso ko, pilit akong inaalo.
“Yaya... gusto ko lang siyang makausap. Gusto ko lang malaman na okay siya...”
“Shhh, anak... tahimik ka lang muna. Hayaan mong lumamig muna ang ulo ng Papa mo.”
Pero paano? Paano kung hindi na ito basta init ng ulo lang?
Paano kung tuluyan na kaming paghiwalayin?
Nakatulala na lang ako sa pinto. Ilang minuto na ang lumipas pero parang wala pa rin akong maramdaman sa buong katawan. Para akong na-paralyze.
Kinuha ni Papa ang phone ko habang kausap ko si Calix. Narinig niya kami. Narinig niya ang boses ni Calix. And just like that... kinuha niya ang tanging connection ko sa taong mahal ko.
“Yaya…” bulong ko habang hawak-hawak pa rin ni Yaya Bel ang braso ko. “Please, pakiusap, ibalik niya phone ko… kahit sandali lang.”
“Anak, hindi puwede. Gusto lang ni Sir na magpahinga ka muna.”
Napayuko ako, napahawak sa mukha ko. Humagulhol ako. Sobrang sakit. Parang binunot lahat ng emosyon sa puso ko, tapos iniwan akong blangko.
“Puwede mo ba akong iwan sandali, Yaya?” pakiusap ko.
Tiningnan niya ako, may lungkot sa mga mata niya. “Sige, anak. Pero isususi ko ang pinto. Yun ang bilin.”
Tumango ako kahit ang sakit pakinggan. Lock. Talagang ikukulong ako sa sarili kong kwarto.
Pagkalabas ni Yaya, narinig ko ang mahinang click ng kandado. Napapikit ako.
Dahan-dahan akong nahiga sa kama ko. Niyakap ko ang unan, at doon ako muling napaiyak.
Isang linggo na akong nakakulong sa kwarto. Parang wala nang kulay ang paligid ko. Wala akong cellphone. Wala akong kausap. Wala akong balita kay Calix.
Araw-araw akong umiiyak. Hanggang sa wala nang luhang lumalabas. Tahimik lang. Blangko. Tapos iiyak ulit. Paulit-ulit.
Si Yaya Bel lang ang pumapasok. Dinadalhan ako ng pagkain, pero madalas hindi ko naman ginagalaw. Minsan niyayakap niya ako bago lumabas ng kwarto, pero kahit siya—wala rin namang magawa.
Hindi ko na alam ang araw. Hindi ko na alam ang oras.
Tapos isang umaga, bumukas ang pinto.
Si Papa.
Matigas pa rin ang mukha niya, pero may kakaibang lungkot sa mata.
"Gia," malamig niyang tawag sa akin.
Hindi ako sumagot. Hindi ko rin siya tiningnan.
Lumapit siya ng konti. "Nakaready na ang lahat ng kailangan mo."
Napakunot ang noo ko. "Anong—"
"Sa US ka na mag-aaral simula ngayong semester," putol niya. "Naka-enroll ka na. Naayos na ang dorm mo. Naka-book na ang flight mo. Bukas na ang alis mo."
Parang biglang tumigil ang t***k ng puso ko.
"Bukas?" bulong ko. "Papa... ano 'to?"
"Decision ko 'to. Para sa future mo. Mas makakabuti na malayo ka sa... gulo."
Napanganga ako. Nanginginig ang labi ko.
"Pinagdesisyunan mo?" mahinang ulit ko. "Hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ko?"
Tumahimik siya. Hindi umiwas ng tingin.
"Papa, i love Calix? Iba po siya, nagmamahalan kami!"
"That's the point, Gia. Hindi mo na siya kailangan balikan." Matigas ang boses niya. “Mas mabuting putulin na yan habang maaga.”
Napapikit ako. Napaluhod sa sahig.
Hindi ako makasigaw. Hindi ako makaiyak. Hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang lakas.
“Ginagawa ko lang ‘to para sa’yo,” dagdag ni Papa, pero para sa akin, parang parusa ang lahat.
Pinatay niya ang tanging taong nagparamdam sa akin kung anong ibig sabihin ng pagmamahal—at ngayon, gusto niya akong itapon palayo.
Tahimik lang akong nakaupo sa leather seat ng private jet namin habang nakatingin sa labas ng bintana. Ilang oras na lang, nasa Amerika na ako. Malayo sa lahat. Malayo kay Calix.
Katabi ko si Papa, pero wala kaming imikan. Pareho kaming tahimik buong biyahe—pero magkaibang klaseng katahimikan. Siya, tahimik dahil desidido. Ako, tahimik dahil basag.
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang pinipigil umiyak pero paulit-ulit na lang. Sumasakit na ang dibdib ko sa bigat. Hindi ko man lang siya nayakap bago ako umalis. Hindi ko man lang nasabing goodbye.
Naalala ko pa ang boses ni Calix nung huli kaming magkausap.
"Makikipaglaban ako, Gia. Hindi kita bibitawan. Maghintay ka lang."
Pero paano? Paano kung hindi niya ako mahanap? Paano kung ito na 'yon?
Nilingon ko si Papa. Calm. Stoic. Walang kahit anong emosyon sa mukha niya habang nagbabasa ng isang business report. Parang walang nangyaring kahit ano. Para bang hindi lang niya kinuha ang kalayaan ko, kundi pati puso ko.
Napapikit ako. Sa loob-loob ko, paulit-ulit kong sinasabi: Calix, sunduin mo ako. Kahit saan. Kahit kailan. Please... sunduin mo ako.
"Papa…" mahina kong tawag. "Bakit mo ba ‘to ginagawa sa’kin?"
Dahan-dahan siyang tumingin sa’kin. Hindi galit. Hindi rin malambot. Kalmado lang. Pero ramdam ko agad—bawat salita niya, may dalang sakit.
"Sinira ng pamilyang ‘yon ang kinabukasan ng kapatid ko, Gia. Ang tita mo, si Amara."
Napatigil ako. Parang sinapak ang puso ko.
"Minahal niya nang totoo ang lalaking ‘yon. Yung ama ni Calix. Akala namin siya na. Akala namin magiging masaya siya. Pero iniwan siya… pinili ang iba. At ang pinakamasakit, nabuntis pa ang babaeng ‘yon habang magka-relasyon pa sila ng tita mo."
Kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin.
"Nasira siya, Gia. Nalugmok. Bumagsak. At nung hindi na niya kinaya, kinuha niya ang sariling buhay niya. Sa harap ko. Sa bahay natin."
Doon na tuluyang nanginig ang labi ko. Napaluha ako.
"Kaya sana maintindihan mo, bilang ama mo… hindi ko kayang makita ang anak ko na makatuluyan ang kahit sino mula sa pamilyang ‘yon. Kahit gaano pa siya kabait. Kahit gaano pa siya kamahal ng anak ko."
Hindi ko na napigilang mapahikbi.
Paglapag namin sa US, halos wala akong naramdaman.
Tahimik lang ako buong biyahe sa private jet, habang si Papa abala sa mga tawag niya. I didn’t even bother looking out the window—kahit pa snow-covered ang paligid, parang wala akong gana sa kahit anong makita.
Pagbaba namin, sinalubong kami ng isang limo na may nakahandang staff mula sa hotel chain ng Sarmiento Holdings USA. Ramdam kong planado na lahat—mula sa driver na nagbukas ng pinto hanggang sa assistant ni Papa na nagsalita ng fluent English habang inaasikaso ang mga bagahe namin.
“Welcome to Chicago, Ms. Sarmiento,” bati ng babae. “Your unit is ready. We’ve prepared everything as instructed.”
I just nodded. Hindi ko nga siya halos tiningnan.
Wala akong pakialam kung gaano kaganda ang bagong condo unit na inassign para sa akin. Modern, sleek, with a view of the skyline—but all I wanted was to be somewhere else.
With him. With Calix.
Dumiretso ako sa kwarto. Humiga sa kama. Gusto kong umiyak pero parang wala na ring mailuha.
No phone.
No freedom.
No Calix.
Parang sunod-sunod na lang ang nangyari. Hindi pa rin nagsi-sink in. One week ago, kasama ko pa siya, hinahalikan niya ako sa loob ng kotse, sa condo... then biglang—wala. Tulad ng pagkamatay ng tita Amara ko, parang may part ng sarili kong namatay rin.
That night, sa sobrang lungkot ko, binalot ko ang sarili ko sa kumot. Dama ko pa rin ang necklace na iniwan ni Calix sa akin—yun lang ang hindi naitapon o nakuha ni Papa.
Hinawakan ko yun habang pumikit.
"Calix..." mahina kong bulong.
I don’t know how long I can survive this.
Dalawang linggo na kaming nasa US. Maganda ang lugar, malamig ang hangin, kumpleto ako sa gamit—pero wala akong maramdaman na kahit anong saya.
Sa loob ng dalawang linggo, halos hindi rin ako kinausap ni Papa maliban sa ilang reminders tungkol sa school at ilang scheduled meetings. Busy siya palagi. Pero ngayong gabi, kakaiba.
Habang kumakain kami sa eleganteng dining area ng condo unit na ibinigay ni papa sa akin, tahimik lang siya. Hanggang sa bigla siyang nagsalita.
“Gia,” mahina pero matatag ang tono niya. “Bukas, babalik na ako ng Pilipinas. Ikaw, dito ka na.”
Tumigil ako sa pagnguya. Tumingin ako sa kanya, pero wala akong nasabi.
“Inayos ko na lahat para sa school mo. May private tutor ka sa mga unang linggo habang inaayos ang full enrollment mo. May staff na mag-aasikaso sa’yo dito, at may assigned na security. I made sure you're safe and comfortable.”
Tahimik lang ako. Nakatitig sa plato ko, pero hindi ko na matandaan ang lasa ng kinakain ko.
Tumayo si Papa at naglakad palapit sa kinauupuan ko. Pinatong niya ang mga palad niya sa mesa, sa harapan ko.
“Gia, I know you’re still angry. But one day, maiintindihan mo rin ako.”
Hindi ako umimik.
“Pero bago ako umalis bukas, may gusto akong sabihin.”
“As long as you cooperate with me… hahayaan ko si Calix.”
Nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ako. “Ano pong ibig niyong sabihin?”
“In time, kung gagawin mo ang lahat ng ipapagawa ko—kung mananatili kang tahimik, mag-aaral ka ng maayos, at hindi mo lalabanan ang mga plano ko—hindi ko gagalawin si Calix,” deretsong sabi niya.
“Papa…” mahina kong tugon.
Tumayo siya. Lumapit sa tabi ko at itinukod ang mga palad sa mesa, halos nakasubsob ang mukha sa akin.
“Pero Gia, tandaan mo ’to. Kung magmamatigas ka... kung susubukan mong makipag-ugnayan pa sa kanya, may mangyayaring hindi maganda. At hindi ikaw ang tatamaan. Siya.”
Napatulo ang luha ko. “Bakit niyo ginagawa ’to?”
“Huwag mo akong pilitin, Gia. Pinoprotektahan lang kita. At ang pangalan natin.”
Umalis siya kaagad pagkatapos sabihin ’yon, parang wala lang. Pero ako?
Parang binuhusan ng yelo ang buong katawan ko.
Paano kung totoo ang banta niya? Paano kung kaya niyang saktan si Calix… o ang pamilya nito?
Tinakpan ko ang bibig ko habang humihikbi ng mahina. Wala akong phone. Wala akong kakampi.
Pero sa puso ko, alam kong hindi pa ito ang katapusan.
Hindi ko siya bibitawan. Hindi si Calix.
Kinabukasan bago umalis si Papa, tahimik lang akong nasa kwarto. Ayoko na sanang bumaba, pero pinatawag niya ako sa sala. Pagbaba ko, may hawak siyang isang box. Inabot niya iyon sa akin.
"Bagong cellphone. Para magamit mo na dito sa U.S.," casual niyang sabi, parang wala lang.
Kinuha ko 'yon, medyo nagulat. iPhone. Bago. Maliit na parte ng puso ko, natuwa.
“Thank you po,” mahina kong sabi habang tinititigan ang bagong device. Pero hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na binibigyan niya ako ng regalo. Lalo na ngayon, after everything.
Tumayo siya, lumapit sa akin at inilagay ang kamay sa balikat ko. “Gia... as long as makikipag-cooperate ka sa akin, I’ll try to be more lenient. Ayoko lang masaktan ka. Ayoko lang mapunta ka sa kaparehong bangungot na sinapit ng Tita Amara mo.”
Tumango ako. Walang boses na lumabas sa bibig ko.
“Magpakabait ka, anak. At iwasan mo na si Calix.”
Napakagat ako ng labi. Hindi ako sumagot.
Pag-akyat ko sa kwarto, agad kong sinubukang i-setup ang bagong phone. Pero habang ginagamit ko, may napapansin akong kakaiba.
Wala akong access sa App Store. Hindi ko ma-delete ang ibang apps. At sa Settings, may isang profile na hindi ko maalis—“Sarmiento Device Management”.
Kinabahan ako.
Tinext ko si Zoe. Wala siyang natanggap.
Tumawag ako kay Calix gamit ang bagong number… walang ring. Hindi rin lumalabas sa recent calls.
Biglang may pumasok na notification:
“This number is not approved for outgoing calls.”
Doon ko na-confirm. Minamanmanan ako.
Napaupo ako sa kama. Hawak-hawak ko ang phone, pero pakiramdam ko, hawak-hawak pa rin ako ni Papa.
Mahal ako ni Papa. Alam ko ‘yon. Pero may sariling version siya ng pagmamahal—yung may kasamang takot, kontrol, at mga decision na ako dapat ang gumagawa para sa sarili kong buhay.
Napatulo ang luha ko.
Mahal kita, Pa… pero hindi ako laruan.