Van
IT'S BEEN FIVE DAYS since I chose solitude in my new room. Thinking about every wrong things that I have done while regrets consumed my mind. Sana nga dumating na ang araw na mamatay na ako para pagbayaran ko na ang mga kasalanan ko. Ilang araw na lang ba? Siguro malapit na.
Napatawad nga ako ni Paula pero hindi ko mapatawad ang sarili ko. Mas lalo pang lumala ang nararamdaman ko nang malaman ko ang resulta ng imbestigasyon. Pinatay niya si Marsha dahil sa akin at pinatay niya rin ang sarili niya nang dahil rin sa akin. Honestly, halos gusto ko ng magpakamatay pero sa tuwing nakikita ko si Saydie naiisip ko na maghintay na lamang sa tamang oras. Hindi ko alam kung ano ba para sa kanya na maihatid ako sa kabilang buhay, pero base sa sakripisyo niya at pagiging pursigido niya, mukhang sobrang importante nito para sa kanya. At least sa huling babaeng kasama ko ngayon, magawa kong gumawa ng mabuti.
Saydie has been enjoying herself. Everytime na pumupunta ako ng sala at kusina para kumuha ng kaonting pagkain, naroon lang siya. Kung hindi kumakain, nanonood ng TV. Parang hindi niya na nga ako napapansin dahil abala siya sa panonood. Minsan naririnig ko siyang tumatawa, minsan naman nagagalit siya, at minsan sinasabihan niya rin 'yong bida sa palabas na umilag or what. May isang beses rin na nakita kong parang nagpupunas siya ng luha nang may nakita siyang aso na namatay sa movie. Mukhang dalang-dala siya ng mga pelikulang pinapanood niya.
Ako? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong gana at gusto ko lang talaga na dumating na ang araw na sinasabi ni Saydie na ihahatid niya na ako sa kabilang buhay.
I've been trying to contact all of my ex-girlfriend in social media. Karamihan sa kanila naka-block na ako. Pero ang iba na hindi, pinadalhan ko ng mensahe at nag sorry ako sa kanila. May mga seen lang pero meron namang mga nag reply at tinanggap ang sorry ko. Si Clarice naman takot na takot sa akin nang makausap ko at nakiusap siya na lumayo ako sa kanya at huwag ko na siyang kausapin.
Ngayon si Bea naman. Hindi niya alam ang nangyari noong sinaniban sila ni Kobe pero mas maganda na tawagan ko siya. Sana lang ay sagutin niya.
Ilang segundo kong narinig ang ring back tone ni Bea pero sinagot niya rin ito.
"Hello? Van?"
"H-Hi Bea. Sorry, naistorbo ba kita?" sagot ko sa phone habang nakaupo sa gilid ng kama.
"Um... I was doing my art work, pero ayos lang. What is it?" Normal lang ang tono niya, hindi galit at hindi rin masaya. She's still the Bea I used to know.
"I uh... Tumawag ako para mag sorry sa 'yo," sambit ko at bumuntong hininga ako.
"Are you okay, Van? You sound not," sagot niya sa kabilang linya ng phone.
"I'm okay, Bea. May mga nangyari lang sa buhay ko at minulat nu'n ang mga mata ko. Naging selfish ako and through my acts isa ka sa mga nasaktan ko. Kaya... sorry...Sorry for everything."
Hindi siya sumagot ng ilang segundo at naisip ko na baka pinatay niya na ang tawag. Pero bigla ko siyang narinig na bumuntong hininga.
"Oo... nasaktan mo nga ako noon. Pero wala na 'yon. Gano'n talaga ang buhay may mga mali tayong decisions pero nasa sa atin na kung paano natin itatama 'yon pagkatapos. Pero masaya ako na naunawaan mo na ang mga mali mo. Kung hindi sana ako devoted na kay Lord baka nakipag-balikan ako sa 'yo. Ang lakas maka-lalaking lalaki 'yang ginagawa mo na pag hingi ng sorry at pag amin sa mga mali, e. But whatever happened to us... it's a thing of the past now, Van. Let's live a happy life. I can be a friend if you want? Tawag ka lang," sagot ni Bea.
"Salamat, Bea. Maraming salamat." I had to end the call right away dahil hindi ko napigilan ang pag-iyak. After all I've done to her, she was still kind and understanding. I really don't deserve her and them. Nakakakonsensya.
Dahil sa bigat ng pakiramdam ko na parang may nakapatong sa akin, hindi ko napigilang humagulgol sa pag-iyak. Sinapo ko ang aking mukha habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Mabilis na nabasa ng luha ang aking palad. Ang higpit ng pakiramdam ko sa dibdib at ang aking labi ay tila nanginginig.
Pero bigla akong natigilan nang may naramdaman akong dumikit sa aking likod at may pumatong sa balikat ko. Pag-alis ko ng mga palad ko sa aking mukha at paglingon ko, nakita ko si Saydie na nakayakap sa akin.
"S-Saydie?" Gulat na gulat ako. Nagtayuan pa ang balahibo ko at tila bumilis ang kabog ng dibdib ko.
Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakayakap. Anong ginagawa niya? Siya ba talaga 'to?
"S-Saydie... B-Bakit mo ko niyayakap?"
"I saw you crying. Nakita ko sa mga movies na mabisa raw ito para hindi na umiyak ang isang tao. Okay ka na ba?"
Nagpunas ako ng luha at tumango. Bumitaw ang yakap niya at humarap ako sa kanya.
"Kung hindi ka pa okay, may isa pa akong paraan na alam na napanood ko rin. Kung saan pinapalo ng nakakatanda ang batang iyak ng iyak para tumigil. Gusto mo bang paluin din kita?"
Napatayo ako agad at napaatras sa kanya.
"No please," umiling-iling kong sagot.
Tapos ay tumawa siya.
"You look like the guy in that hilarious movie."
Napakunot noo ako. "What movie?"
"The grudge."
"What?!" I exclaimed. "That wasn't a hilarious movie. That's a scary movie!"
"Talaga? Nakakatawa, e," sagot niya at mukhang siryoso siyang natawa nga siya.
Kamot ulo na lang ako. "Jeez. You're so weird." Pero tila nawala ang bigat ng pakiramdam ko.
"Anyway, I am here to check if you are still alive. Don't ever kill yourself, Van. Understood?"
Tumango ako at tumalikod siya papunta sa pinto ng kwarto ko. Pero bigla kong naisip na siya'y pigilan.
"Saydie wait!"
Huminto naman siya at lumingon.
"What?"
"I just want to ask kung anong makukuha mo kapag nadala mo ang kaluluwa ko sa kabilang buhay? Bakit parang napaka-importante sa 'yo nu'n?"
Hindi siya agad sumagot at nakatingin lang siya sa akin. Tila ba nag-iisip siya ng kanyang sasabihin. Hanggang sa...
"I'm a Grim Reaper, Van. And it's the only thing we know and we do. But it would really help me kung hindi ka magpapasaway."
Yumuko ako at muling nakaramdam ng bigat sa pakiramdam. "Don't worry. My days of being a bad guy is behind me now."
"Oh really? E, bakit nagkukulong ka dito at hindi gumagawa ng mga mabubuting bagay hangga't may oras ka pa?"
What she said hit me right away. Hindi ako nakasabat dahil tila ba bigla kong na-realize na tama siya. Masyadong pranka talaga itong si Saydie pero kung iisipin ko… madalas... tama siya.
"Siya nga pala. Bored na ako. Sawa na ako sa movies at kumain ng kung ano-ano. Can we go out? Gusto kong maranasan ang pagiging tao nang mas maigi."
Tumingin ako sa kanya. Hindi na siya nakakatakot na tulad ng dati dahil wala na ang make-up niya. Natural na natural ang ganda niya. At napag isip-isip ko na mas maganda kung sa kanya ko simulan na gumawa ng mabuti gamit ang natitira kong oras.
"Okay sige. Magpapalit lang ako ng damit at iisipin ko kung saan kita dadalhin."
Nginitian niya naman ako. "Sige. Hihintayin kita sa labas."
Lumabas na siya ng kwarto ko at pumunta naman ako sa harap ng cabinet ko para mag bihis. Hindi ko alam kung bakit pero parang tumatak bigla sa isip ko 'yong ngiti niya kaya't napangiti rin ako.
Abala ako sa pagkuha ng damit nang biglang mag ring ang phone ko. Pinulot ko ito sa kama at sinagot.
"Hello?"
"Van! My man!" Si Kobe pala. Masigla siya at tila wala ring kaalam-alam sa nangyari five days ago.
"Hey, Kobe. What's up?"
"Long time no talk men, a. Kamusta? Mukhang busy ka yata sa bago mong girlfriend. Kayo pa ba?" tanong niya mula sa kabilang linya. Tila wala nga siyang alam noong sinaniban siya at oo nga pala, akala niya girlfriend ko si Saydie.
"Ah oo. Busy ako sa kanya. Ikaw, bro, kamusta?"
"Wow! Bago 'yan, a. Kinamusta mo ko," sagot niya at narinig ko siyang humalakhak. "May bagyo yata? Anyway, Nagkasakit ako, Chua-boy. Hindi ko nga alam kung bakit pero ang sakit ng panga ko ng ilang araw. Tsaka ng katawan ko. Parang nalaglag ako na ewan."
Bigla kong naalala ang nangyaring pagliligtas sa akin ni Saydie. Naalala kong nabigyan pala si Kobe ng isang uppercut mula kay Saydie noon. Tapos bumagsak pa siya sa sahig.
Tumawa na lang ako nang pakunwari. "Baka nalalag ka sa kama nang hindi mo alam. By the way, bakit ka napatawag? Aalis kasi kami ni Saydie kaya nagmamadali na akong mag bihis."
Inipit ko sa pagitan ng balikat ko at tainga ko ang phone, saka muling kumuha ng kasuotan sa cabinet. Nauna kong nakuha ang denim pants ko kaya't iyon ang una kong isinuot.
"Wow may date. May costume ka na ba para sa Halloween party ni Roanne bukas?"
Napakunot noo lang ako. "Party?"
Narinig ko siyang tumawa nang marahan. "Sabi ko na, e. Don't tell me nakalimutan mo? O 'di ka pupunta?" tanong ni Kobe sa kabilang linya.
Oo nga pala. Naalala ko na. Last month nag invite si Roanne na kababata namin ni Kobe na siya ang mag ho-host ng Halloween party this year. Bukas na pala 'yon. So ibig sabihin konti na lang talaga ang natitirang oras ko sa mundo. But I think Saydie would like to go to that party. Para maranasan niya rin.
"Ah oo. Hindi ko nakalimutan. Kaya nga lalabas kami ni Saydie para maghanap ng costume," palusot ko at tuluyan ko nang naisuot ang pantalon ko kaya't muli kong hinawakan ang phone ko
"Ooh I see... so wala ka pa palang costume. Tingin mo, bro. Bagay kaya sa akin 'yong Vampire o kaya ay Devil Santa?"
"Mag Shrek ka na lang. Mas bagay sa 'yo 'yon," biro ko at natawa ako.
Narinig ko rin siyang tumawa. "Gago! Pero... I think... bagay nga 'yon sa akin."
Jeez! Don't tell me sisiryosohin niya ang biro ko? "Seryoso ka?"
"Oo! Nadale mo, my man! Sige kita-kita na lang bukas in my Shrek costume." Muli siyang humalakhak at pinatay niya na ang tawag.
Jeez! Nagbibiro lang ako pero siniryoso niya. Pero ano nga kayang costume ang maganda? Siguro tatanungin ko si Saydie. Baka may taste siya sa gano'n since lagi siyang naka-black. Naghubad ako ng t-shirt at naghanap ng pamalit pero bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto.
"Van! Bakit ang tagal—."
Napalingon ako agad kay Saydie. Para bang natulala siya sa akin at 'di niya natuloy ang sasabihin.
"Sorry, nagbibihis lang ako," paliwanag ko. Sinuot ko ang t-shirt ko at bigla siyang tumalikod palabas ng walang sinasabi. Ano kayang nangyari du'n?
PAGLABAS NAMIN NG condo, naglakad lang kami papunta sa sea side. May mga establishment and leisure din naman kasi doon kaya hindi na kami lumayo at gumamit ng sasakyan.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
"Iniisip ko pa, e. Siya nga pala may party tayong pupuntahan bukas. Okay ba sa 'yo 'yon?"
"Party?" pag-ulit niya.
"Party... it's an event where friends or people come together to celebrate something. Kung baga tipon-tipon para magkasiyahan," sagot ko.
"Okay. That sounds good. Gusto ko malaman kung ano pakiramdam niyang party."
"Ang party bukas ay Halloween party kung saan may sayawan, pagkain, at pagandahan ng costume. Kaya kailangan nating bumili ng costume kasi hindi pwedeng umattend kapag wala nu'n. At dapat ang costume natin nakakatakot." paliwanag ko pa. "Ano ang gusto mong costume? Gusto mo ba maging vampire, ghost, or what?"
"Those aren't scary. Only Grim Reapers are the best and scary."
Well... she's right. Takot na takot nga ako sa kanya noon.
"Fair enough. So anong kailangan natin para maging Grim Reaper?" tanong ko.
"Black clothes. That's it."
"What?! Seriously?" kunot-noo kong reklamo. "Parang wala namang ka-effort effort 'yon. Huwag 'yon."
Hindi siya umimik at tila pinagmamasdan lang ang paligid habang kami'y naglalakad. Napatingin ako sa mga taong nakakasalubong namin at napansin kong nililingon siya ng mga lalaki. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang puti kasi niya at lalo pang nag stand out ang kutis niya dahil sa suot niyang itim na dress. Tapos maikli pa ito kaya kitang-kita ang legs niyang makinis. Tsaka 'di na siya mukhang weird dahil hindi na gothic look ang mukha niya. Pag tinitigan mo nga siya para siyang artista o isang doll.
Umiling ako agad na binaling ang tingin sa daan. Baka mapansin niyang tinitignan ko siya at baka magalit na naman siya.
"How about mag fairy costume ka? Pwede naman kahit hindi nakakatakot basta naka-costume ng maganda," sambit ko.
"Fairy?" pag-ulit niya.
"Fairy..." Ipapaliwanag ko sana sa kanya pero parang 'di ko alam kung paano. "Magagandang nilalang. Basta gano'n. Bagay sa 'yo 'yon."
"Why do you want me to become a fairy?"
I was caught off guard. Bakit ko nga ba naisip na mag fairy siya?
"I uh... 'cause I love fairies. Noong bata ako gusto ko ang mga fairies," katwiran ko.
"So that's how it works, huh? You chose something that you love for me to wear. Is that right?"
Tumango ako sa tanong niya.
"Very well then. If you want me to become a fairy then I want you to become an ice cream."
"What?! No!" protesta ko.
Napakunot-noo siya at naisip kong kailangan ko pang ipaliwanag sa kanya ang lahat kaya hindi na lang ako umangal. "Okay fine. I'll be an ice cream, you'll be a fairy. Jeez..."
Ano ba 'tong napasok ko? Dapat pala siguro 'di ko na lang sinabi sa kanya na may party bukas at hindi na lang din ako pupunta. Jeez, ano kayang itsura ko nito bukas?