Saydie HINDI KO AKALAIN na ganito pala sa pakiramdam ang ice skating. Masaya at may halong kakaibang pakiramdam lalo na kapag tinitignan ko si Van at mas lalo kapag pinagtatawanan ko siya sa tuwing siya'y bumabagsak. Pero ang tungkol sa nararamdaman ko... Tama nga kaya si Van na ang tawag dito ay love? But why? Ganito ba ang pakirmadam na ito? Hindi mo mamamalayan na mararamdaman mo na pala? Hindi mo rin alam kung saan nagsimula? "Hey Saydie! Tingin ka naman," tawag ni Van sa 'kin. Pagbaling ko sa kanya, hawak niya ang tinatawag nilang mobile phone. Nakatapat ito sa kanya at doon ay makikita ang aming reflection. Nakangiti siya habang tinitignan ang bagay na 'yon at mukha siyang tanga. Napa-kunot noo ako at lumapit ako kung saan nakita ko rin ang reflection ko sa cellphone. P

