Santana’s POV Hanggang sa humarap na siya sa akin. “Ana, bakit nawala ka? Bakit iniwan mo na lang ako bigla? Bakit napunta ka sa piling ni Reon ngayon? Bakit siya na ang kasama mo ngayon?” sunod-sunod niyang tanong. Hindi tuloy ako makapaniwala na kahit matagal-tagal kaming hindi nagkita at nagkaroon ng communication ay para bang alam niya lahat ng tungkol sa akin. “Ang kapal ng mukha mong maging pa-victim e, ako nga dapat ang magtanong ng mga ‘yan sa ‘yo. Ako ang iniwan mo. Ako ang naiwan sa ere, kaya huwag kang paawa effect diyan,” galit kong sagot sa kaniya. “Eh, saan ka nga kasi nagpunta? Bakit parang si Reon na ang boyfriend mo ngayon? Kaya ba naging sikat na vlogger ka na rin kasi tinulungan ka niya? Tapos, nabalitaan ko pa na naging kabit ka pa ni Renlen. Demonyo ang Reon na iyon

