Chapter Five

1205 Words
"Zip your mouth if you don't want to die" Masyadong mahaba para sa akin ang gabing ito ,hindi ko parin alam kong hanggang kailan ba ako tatagal.Muli ay ipinikit ko ang aking mga mata at umaasang sana ay makatulog na ako. At ng imulat ko ang aking mga at umaga na ,unang bumungad sa aking paningin ay ang gwapong mukha ni hamil. "Handa na ang paligo mo Master Rylie" Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi nito ,hays!Mukhang ngayong araw na magsisimula ang kalbaryo ng buhay ko.Napatango na lamang ako at tamas na sumunod rito . "Alam kong hindi mo gusto ang ginagawa ko pero sana ay huwag mo namang tanggalan ng trabaho sinusunod ko lamang ang aming patakaran" Napabuntong hininga na lamang muli ako at saka ako tumingin ng deritso sa kanyang mga mata . "Ano pa nga ba ang magagawa ko" Napakamot na lamang ako sa aking ulo dahil sa matinding kahihiyan ngunit isang ngiti na lamang ang naging tugon nito sa akin.Matapos ang napakahabang sandali sa loob ng banyo ay sa wakas ay natapos narin ang bangungot sa aking buhay .Sa ngayon ay kapwa kami  tahimik sa aming paglalakad patungo sa magiging aking silid aralan . "Magandang Umaga sayo Ginang Gamos narito sa aking tabi ang aking master na si Rylie nais mo bang siya ay maging bahagi ng iyong taon?" Ngumiti naman ang ginang sa aming dalaw at agad naman akong pumasok sa loob ngunit naiwan lamang sa labas si hamil upang magbantay . "Sa wakas namn ay nakahanap na si hamil ng kanyang pag aalayan ng buhay ngunit hindi ko inaakala na sayo mapupunta ang batanag iyon" Ngumiti na lamang ako sa kanya at kahit hindi masyadong maganda ang aking pakiramdam sa matandang ito ay nanahimik na lamang ako. Humanap na lamang ako ng maari kong maupuan at agad naman akong nakahanap ng mauupuan ko ngunit sa tabi lamang ni shan ang merong bakante bago pa ako pagtuunan ng kanilang pansin ay agad na akong naupo at tumingin sa harapan ngunit isang matinding kaba ang naramdman ko at nag umpisa na ring mamawis ang buong katawan ng marinig ko ang sinabi ni shan bago alo tuluyang makaupo. "Nakita ko ang ginawa mo kagabi" Marahan akong tumingin sa kanya at isang blankong tingin ang ibinigay ko rito ngunit sa likuran ng blankong tingin ay naroon ang pagpapanic ko . "Anong nakita mo?" Seryoso kong wika sa kanya. "Kung ako sayo mag iingat na ako Hindi mo alam kung sino talaga ang kalaban pasalamat ka na lamang at ako lang ang nakakita ng pagiging brutal mo" Bulong nito sa aking tenga na mas lalong nagpakaba sa akin . "Matutuo kang tumahimik kung ayaw mo pang mamatay" "Baka ikaw ang hatulan ng kamatayan sakaling sabihin ko kung anong ginawa mo" Napakuyom na lamang ako sa aking kamaya at maigting na tumingin dito . "Wala akong pakialam" "Sa ngayon Oo pero pag dating ng oras meron na ,pero wag kang mag alala magiging tahimik lamang ako at bulag sa aking nakita yun nga lang ay kong kaya kong itago?Kaya't wag kang pakasigurado dahil baka bukas ay o----" Mabilis kong hinawakan ang colar ng suot nito at isang matinding tingin ang ibinigay ko rito . "Ginoong rylie anong kaguluhan ang namamagitan sa inyong dalawa ni prinsipe shan?" Napatingin naman ako sa bwiset na matandang nasa harapan namin at isang matamis ang ngiti ang ibinigay ko rito . "Wala Gusto ko lang po siyang halikan" At agad kong hinawakan ang likuran ng ulo ng lalaking hanggang ngayon ay hawak ko parin at isang matinding paghalik sa kanyang mga labi ang ginawa ko upang hindi na ito makapagsumbong pa.Ilang segundo rin ang lumipas bago ko binitiwan ang labi ni shan at ng tumingin ako sa lahat ng mga kasamahan ko ay kitang kita ko ang panlalaki ng kanilang mga mata at maging ang matandang nasa harapan ko ay gulat na gulat rin ito sa ginawa ko.Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at walang pasabing naglakad ako sa kanilang harapan patungo sa labasan ngunit bago pa ako makalabas . "Sa susunod na halikan mo ako pwedw bang mag paalam ka muna ng mapaghandaan ko naman ang masarap mong halik" Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi nito ngunit pinakalma ko na lamang ang sarili ko at muling tumingin dito. "I will take that as my reference" At isang matamis na ngiti ang binitiwan ko rito bago ako muling tumalikod ngunit ng wala ng nakakakita sa akin ay unti unting napalitan ang kaninang magandang ngiti ng isang makamandag na ngiti na ikamamatay ng kahit sino man. "Teka master bakit ka lumabas?" Tumingin ako kay hamil at isang ngiti ang ibinigay ko rito. "Tapos na ako sa kanila.So saan ang next?" Tumingin sa akin si hamil ng may pagtataka ngunit sumunod na lamang rin ito sa akin .Nagtungo kami sa training room na pinuntahan namin kahapon . "Ngayon master tuturuan kita kung papaano ang makipaglaban" "Hindi na kailangan marunong na ako" "Then show me what you got" Ang kaninang nakangiting mga mata ay napalitan ng kaseryosohan. "Then be ready" Tumingin ako sa kanya at isang misteryosong ngiti ang ibinigay ko rito at isang espada na lamang lumabas sa pagitan ng aming mga kamay .Sabay kaming tumalon sa ere at sabay ring nagkasagupaan ang aming mga atake sa ere at mula sa aming mga espada ay lumabas rito ang ilang boltahe ng kuryente dahil sa lakas ng bawat atake ng baway isa. Kasabay ng pag bagsak namin dalawa sa lupa ang paglabas ng malakas na enerhiya sa pagitan naming dalawa. "Hindi ko akalain na may ibubuga ka rin pala master". "Laban na!" Mabilis akong pumadyak sa lupa at isang matinding paglindol ang nangyari dahil sa aking ginawang atake ngunit umangat lamang si hamil sa era at isang ice spike agad ang ginawa nitong atake na pinalipad nito patungo sa aking pwesto. "Dark shield" Bigkas ko at isang dark shield agad ang lumitaw sa aking harapan bago pa dumating sa akin ang atake na ginawa ni hamil ngunit hindi lang pa la doon natapos ang ginawa nitong atake dahil matapos nitong tumapak sa lupa ay libo libong ice spike ang bigla na lamang lumitaw sa aking harapan . "s**t!" "Dark burning fire!" Agad natunaw ang ginawa nitong atake. "Dark ball!" Mabilis akong gumawa ng sampung dark ball sa aking kamay at mabilisan ko itong inatake sa kanyang pwesto . ngunit lahat ng ginawa kong atake ay naiwasan lamang nito . "Patay kana!" Agad kong hiniwa ang aking palad at muling pumatak ang dugo sa aking kamay ,ipinikit ko ang aking mga mata at agad akong bumigkas ng kakaibang mahika at isang sigaw agad ang aking narinig mula kay hamil at ng tumingin ako kay hamil ay nakahiga na ito sa damuhan at umuusok ang buong katawan. Agad akong naglakad papunta sa pwesto nito at kitang kita ko ang matinding pagkasira ng katawan nito sa ginawa kong atake sa kanya . "Tsk" Pinatakan ko na lamang aking dugo ang katawan nito at sa isang iglap lamang ay gumaling narin ang mga sugat nito bago ako tumalikod rito at iniwan ko na lamang itong nakahiga sa damuhan. "Hindi mo ba siya gigisingin man lang?" Tumingin ako sa lalaking nakasandal sa pader sa may pintuan ngunit hindi ko na lamang ito pinansin . "Kung gusto ikaw na lamang ng gumising sa kanya mahal na prinsipe" Saad ko kay shan bago ko ito tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD