Warning: Expect wrong typo and grammatical error ahead. Dahil savage pa sa error.
**************
"SORRY, ngayon lang ako. Naghintay ka ba ng matagal sa akin?"
Nakasimangot na mukha ni Angel ang isinalubong niya sa kaibigang si Aidem. May usapan kasi sila ngayon na sasamahan siya nito sa pagpunta sa Pampanga para personal nilang maka-usap ang pamilya ni Rhaime para sa plano nila. Wala pa kasing alam ang mga ito sa gagawin nila, aminado naman siya na kailangan nila ang basbas ng magulang ni Rhaime para sa ikatatagumpay din ng lahat.
"o
Oh, dumating ka pa! Siguro kung anu-ano na naman ang ginawa mo kagabi na sexcapade kaya ngayon ka lang dumating." naiinis niyang wika dito. Kanina pa kasi siya naghihintay dito sa bahay niy sa binata. "Ang usapan natin, bago sumikat ang araw kailangan nasa biyahe na tayo. Anong oras na oh, tirik na kaya ang araw."
"Ayos lang iyan maaga pa naman, tsaka malapit lang naman ang pampanga two to three hours nandoroon na tayo. So, kilos na bilis!"
"Aba't ang hinayupak na ito! Ikaw pa itong may ganang pagmadaliin ako samantalang ikaw na nga itong late dumating."
"Kaya nga kilos na Uling! Nang tayo ay makaalis na." Nakangiti niyang turan dito.
"Naku, kang Palaka ka! Kung hindi lang importante itong lakad natin na ito ngayon. Hindi na tayo tutuloy bwiset ka! Kung bakit kasi kailangan na pasamahan pa ako ni Dylan sa iyo, kaya ko naman itong gawin mag-isa."
"Baka raw kasi may magtangka sa iyo roon na manligaw tapos sundan ka rito sa Manila bigla. So, mahirap na raw manggyari iyon at gawin mo nanaman ang pamatay mong ritwal." Nakasimangot na wika niya kay Angel. "At least kung kasama mo nga raw ako, iisipin nila na mag-boyfriend tayo at wala na nga raw magtatangka pa."
"So, Ano naman! Big deal na ba iyon sa inyo. Kilala naman ninyo ako na ganoon hindi ba?"
"Ano! Mag-uusap na lang ba tayo rito o may plano ka pang tumuloy tayo?" Hindi niya talaga napipigilan ang lihim na mainis na dito kapag ang paraan na nito sa pagtaboy ng manliligaw ang usapan.
"Kukunin ko lang ang bag ko para maka-alis na tayo, roon mo na ako hintayin sa sasakyan mo."
Nakasimangot na sinundan niya ng tingin si Angel sabay napailing na lang. "Ipinapangako ko sa sarili ko na wala ng magtatangkang manligaw sa iyo Angelzy, hindi na ako papayag." Tinungo na niya ang kaniyang sasakyan na dala para roon na hintayin ang dalaga.
Pagkaupo niya sa driver seat ay binuksan niya ang sterio at ikino-nect sa bluetooth ng kaniyang ipad. Namili siya ng tugtog na makakapagpa-relax sa isip niya. At dahil trip niya ang mga maiingay na tugtugin na para sa iba ay hindi maganda sa pandinig dahil nga masakit sa tainga. Napili niya na patugtugin ang mga kanta ng Slopshock band. Nag-umpisang pumailanlan ang agent orange na kanta ng mga ito. Winawagayway pa niya ang ulo na animo may hawak na guetar base. Buong-Buo ang tunog niyon sa loob ng kaniyang sasakyan kaya talagang sobrang nag-eenjoy siya.
"Aidem, Aidem, hoy Aidem! Bullshit Aidem!" Hindi na napigilan ni Angel ang mapamura ng malakas dahil sa sobrang lakas ng tugtog nito at sobrang konsentrasyon sa pinapakinggan ay hindi man lang nito namalayan ang pagpasok niya sa sasakyan. Kaya ang ginawa niya ay pinatay ang sterio.
"What are you doing, bakit mo pinatay? Ang bastos mo naman, nakikinig yung tao."
Hinampas niya ito sa braso. "Bwiset ka! Kanina pa ako dito, ni hindi mo man lang ako pinapansin. Kung sa bagay paano mo nga naman ako maririnig, eh, sobrang lakas ng tugtog mo! Paandarin mo na itong sasakyan nang makaalis na tayo. Bwiset ka talaga."
"Okay, kalma. Bakit ka nagagalit agad diyan? Ang pangit mo pa naman kapag nagagalit." Napansin naman talaga niya ito ng pumasok sa sasakyan, sinadya niya lang talagang magpatay malisya para inisin ito. Sa ganoon man lang paraan ay makabawi siya ng pagka-inis para rito.
Pinaandar na nga niya ang sasakyan pero muli niyang binuksan ang sterio para ipagpatuloy ang naudlot na tugtugin na kaniyang pinapakinggan. Hindi naman siya pinigilan ni Angel kaya ang ginawa niya ay mas nilakasan pa iyon para lang kunin ang atensyon nito. Pero wala naman ng epekto. Ang ginawa lang nito ay ikinabit ang sariling earphone na dala sa mga tainga at tsaka pumikit.
Siguro ay wala lang ito sa mood na makipag pikunan sa kaniya kaya ganito ito ngayon. Nagpokos na lang siya sa pagmamaneho. Naibigay na ni Dylan sa kaniya ang address ng bahay nila Rhaime sa Pampanga sa bandang Angeles, city kaya walang problema kung makatulog man si Angel sa buong biyahe nila. Ibang klase din pala itong si angel dahil kahit maingay nakakatulog. Aniya sa kaniyang isipan. Dala ng kuryusidad ay kinuha niya sa tainga ng dalaga ang isang earphone, bahagya niyang inilapit ang ulo para maikabit sa sariling tainga at pinakingan kung ano ang pinatutugtug naman nito.
Kumunot ang kaniyang noo ng wala naman siyang marinig mula roon. Ibinalik niya sa tainga ng dalaga ang earphone na hindi man lang nagawang maalimpungatan dahil sa ginawa niya. Paraan lamang pala ni Angel iyon para hindi sila mag-usap.
Dahil dire-diretso naman na ang biyahe ay mabilis na lang na narating nila ang pampanga. Nang nasa Angeles, city na sila kung saan ang bayan ng mga magulang ni Rhaime ay nagpasya siyang gisingin na ito.
Gamit ang isang kamay ay tinapik niya ang hita ng dalaga. " Angel! wake up, malapit na tayo."
Umayos muna ito sa pagkaka-upo nang tuluyang magising. Ngayon niya lang naramdaman ang ngawit ng leeg niya, kaya bahagya niya iyon iginalaw-galaw. Marahil nakuha niya iyon sa pagkakapuwesto siguro niya habang natutulog. Tiningnan niya ang wristwatch na suot para alamin ang oras. "Tanghali na pala, inabot na tayo ng lunch time."
"Nagugutom ka na ba? Puwedi naman na kumain muna tayo bago dumiretso sa bahay ng parents ni Rhaime."
"Sige, Hanap ka na muna ng makakainan natin."
Habang nagmamaneho ay nakakita siya ng isang kainan sa gilid ng hi-way. Maayos niyang ipinarada ang sasakyan sa bakanteng lote nito na sa tingin niya ay parking area talaga.
Agad naman sumunod si Angel ng bumaba si Aidem para sundan ito. Iginala niya ang paningin sa loob ng kainan. Sa tingin niya isa itong video oke bar sa gabi. Malinis naman ang loob at maaliwalas din sa paningin ang paligid. May ilan-ilan din na kumakain. Huminto sila sa harap mismo ng counter para tingnan ang mga lutong ulam na naka-display sa bawat estante nito. Mukha naman masasarap iyon. Tinapunan niya ng tingin ang katabing si Aidem na abala na sa pagtuturo ng order nito. Ngayon lang niya nalaman na kumakain ang katulad nito sa ganitong klase ng kainan. Nang sabihin niya na humanap na ito ng puwedi nilang makainan ay hindi sa ganitong lugar niya inaasahan na kakain sila.
Hindi naman siya maarte at kumakain din naman siya sa mga karinderya sa maynila, kasi mas madalas talaga na sa ganoon lang niya binibili ang mga pagkain niya dahil wala na nga siyang panahon pang magluto. Mas makakatipid din siya kapag ganoon kaysa ang umorder sa mga restaurant. Wala naman kasing pinagkaiba ang luto ng putahe sa sosyal na restaurant kumpara sa karinderya. Masarap pareho sa kaniya.
"Ikaw, may napili ka na ba na ulam?" Tanong ni Aidem rito.
"Chapsoey na lang sa akin. padagdagan na lang ng itlog ng pugo. Hintayin na lang kita roon sa mesa."
"Iyon lang ba? Wala ka na bang ibang gusto na ulam, maliban dito sa gulay?
"Wala na, basta padagdagan mo ng itlog." Tumalikod na siya para iwanan ito. hindi rin naman nagtagal at natanaw na niya ang binata na may bitbit na tray. Maingat nito iyon inilapag sa lamesang gawa sa plastic na nasasapinan ng bulaklakin na tela.
Pinagmasdan niya ang dalaga habang kumakain at makikita talaga ang gana nito sa pagkain ng ulam na napili nito. Kinailangan pa niyang magbayad ng isang libo para lang sa ulam nito na gusto, dahil ayaw pumayag ng tindera na dagdagan ang itlog dahil apat na piraso lang daw talaga ang puwedi. Kaya ang ginawa niya ay nag-abot siya ng isang libong bayad para hindi na ito tumangi na ilagay ang lahat ng itlog na naroroon sa chopsoey. Keep the change aniya pa sa tindera na nagpalapad ng ngiti nito kaya bilang pakonswelo sa kaniya ay hindi na nito pinabayaran sa kaniya ang napili naman niya na menudong ulam.
Hindi rin siya maarte pagdating sa klase ng kakainan dahil game naman siya kahit saan. Mahalaga may makakainan. Hindi rin siya nag-alangan na dito pakainin ang dalaga dahil alam niya na mas madalas na ang binibili nitong pagkain sa labas ay sa karinderya nagmumula.
Nang matapos silang kumain ay agad na rin silang tumuloy sa tunay na pakay nila dahil baka hindi sila agad makabalik ng Maynila kapag inabot na sila ng hapon masyado.
"Sana, madali lang natin makumbinsi ang magulang ni Rhaime, para walang maging aberya sa lakad natin." ani Aidem sa dalaga.
"Think possitive lang okay. Sa lahat ng plano ko para kay Dylan sa second propousal niya kay Rhaime, hindi natin kailangan ang magpaka-negative thougth. Lahat dapat possitive. Isa pa, naikuwento na sa akin ni Dylan dati pa, na hindi niya nakitaan ng pagtutol ang magulang ni Rhaime sa kaniya noon, kahit pa noong muli silang magkabalikan nito at mamanhikan sa mga ito. Walang hinangad ang magulang ni Rhaime kundi si Dylan lang para rito. Kaya nakakatitiyak ako na madali lang sa kanila ang sumang-ayon sa lahat ng plano."
Tumango-tango na lang ang binata tanda ng pagsang-ayon. Nang marating nila ang tahanan nila Rhaime ay humanga si Angel sa ganda ng paligid niyon. Sobrang nakaka-relaxt sa mata ang paligid. Marahil kaya gusto ni Rhaime ang Farm wedding ay talaga naman na di matatawaran ang ganda ng paligid. Iyon nga lang hindi nila puweding ituloy ang gusto ni Rhaime na dito ganapin ang venue. Dahil kapag ginawa nila iyon ni Dylan ay tiyak na makakahalata ito sa plano.
Agad na may sumalubong sa kanilang pagdating, marahil ito ang isa sa kapatid ni Rhaime, nabangit na rin ni Dylan iyon sa kaniya na may kambal na kapatid si Rhaime.
"Magandang hapon," bati nila ni Aidem dito. Sa tingin niya ay inaasahan na nito ang kanilang pagdating talaga. "Ako pala si Angel at ito naman kasama ko ay si Aidem"
"Hello po sa inyo Ate, Kuya. Ako naman po si Skyline. Itinawag na ni Kuya Dylan ang pagdating ninyo kaya inaasahan na po namin kayo. Halina na po kayo sa loob at nandoroon po sila Mama at papa."
Sumunod naman sila dito at dumiretso sila sa pinaka sala ng maaliwalas na bahay ng magulang ni Rhaime. Nagbigay galang sila dito pareho ni Aidem. Magiliw naman silang tinangap ng mga ito. Nang makaupo sila pareho ay nagpasya na siyang buksan ang tunay na pakay nila.
Sinabi niya sa mga ito ang plano nila ni Dylan na nais ituloy ng binata ang naudlot na kasal dapat sa anak ng mga ito sa kabila ng pakikipaghiwalay ni Rhaime. Idinitalye rin niya ang nakalatag na plano para hindi matunugan ni Rhaime ang lahat. Si Dylan na ang bahala na mag-asikaso sa mga papeles na kakailanganin sa kasal. tulad ng inaasahan nila ay walang naging problema at maluwag na sinang-ayunan ng mag-asawang Suarez ang lahat ng nakatakdang plano.
Masaya pa nga ang mga ito kung sakaling matuloy ang kasal ng dalawa. Sapagkat ayon sa mga ito ay ramdam nila bilang magulang ang labis na pagmamahal ni Rhaime kay Dylan at hindi rin naman sila naniniwala na magagawa ni Dylan na pagtaksilan si Rhaime ng ganoon na lamang. Marahil ay naging sarado lang talaga ang isipan daw nito sa hindi pagbibigay ng tsansang pakinggan ang paliwanag ni Dylan para kay Rhaime. Bilang magulang ay alam daw ng mga ito ang sinseridad ng katotohanan sa pagtatapat ni Dylan kung bakit nakipagiwalay ang anak nila dito. Pero wala raw silang karapatan na panhimasukan ang desisyon ng anak nila. Kaya natutuwa sila kung matuloy man ang kasalan na ito for good.
Umabot din ng ilang oras ang pakikipag-usap na iyon kaya napagpasyahan nila na magpaalam na sa dalawang matanda na sila ay aalis na sapagka't tiyak na gagabihin na sila sa daan. Hindi naman pumayag ang mga ito na hindi na sila rito maghapunan. Kaya napilitan na lang silang hindi tumangi. Mahirap ng magbago ang mga isipan ng mga ito at biglang hindi na pumayag sa plano.
Dahil tipikal sa probinsiya ang maaga ang hapunan kaya pagpatak ng alas otso ng gabi ay nagpaalam na sila. Hindi naman na tumutol ang mag-asawa.
"Mag-iingat kayo sa biyahe. Paki kumusta na lang kami kay Dylan at pakisabing nakasuporta kami sa lahat ng plano niya." Ani ng mama ni Rhaime.
Habang nagmamaneho si Aidem ay tinawag niya ang pansin ng dalaga na nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
"Uling, mag-nigth life muna tayo. May Alam akong sikat na disco clubhouse rito."
"Magandang idea iyan palaka, tara!"
Maayos niyang ipinarada ang sasakyan sa parking ng High Society ng disco club na iyon na sakop pa rin ng Angeles, City. Humanap siya ng magandang puwesto para sa kanila ni Angel. Agad din siya nag-order ng maiinum nila. Dahil alam niya na mahilig si Angel sa mga nigth club kaya naman niyaya niya muna ito. Marami siyang alam na mga kinahihiligan ng dalaga. Sa tagal na ng lihim na pagtingin niya dito ay halos lahat ay nalaman na niya.
"Buds, Sa iyo rin ba ang disco bar na ito? Tanong ni Angel kay Aidem.
"Kaya naman natawa siya sa tanong nito. "Hindi noh!"
"Wehhh, Seryoso ako ha. Huwag mo nga akong tawanan diyan para kang tanga! Hindi talaga ikaw ang owner nito?"
"Hindi nga! Bakit? Sa tingin mo ba lahat na ng club bar ako ang may-ari." Natatawa pa rin ito. "Wala na bang karapan ang iba na magtayo ng sarili nilang bar, ako lang ba dapat?"
Sa inis ni Angel sa sagot nito ay kinurot niya ang tagiliran nito sa bandang baywang dahil magkatabi lang sila, na nagpa-aray naman sa binata dahil talagang nasaktan siya.
"Aray ko! Ang sakit naman!" Kinuha nito bigla ang kamay ni Angel na ginamit sa pagkurot sa kaniya para tingnan. "Ang haba naman ng mga kuko mo, kaya pala ang sakit. Pakiramdam ko natangal ang balat ko, may lahi ka sigurong pusa noh!"
Para ka kasing tanga! Sige nga, sabihin mo sa akin kung anong nakakatawa sa tanong ko sa iyo? Mayroon ba huh!? pinanlakihan niya pa ito ng mata.
Bawal ba tumawa? Sana nag-warning ka muna na bawal akong tumawa sa itatanong mo."
"Aba't pilosopo ka talaga Aidemiel, hindi ka nakakatuwa. Alam mo kaya minsan mas pipiliin ko na huwag kang kausap kapag magkasama tayo kasi wala kang kuwentang kausap talaga!" Sa sobrang yamot niya dito ay pinagdiskitahan na lang niya ang alak na iniinom at hindi na ito pinansin bagkus inabala ang sarili sa panonood sa mga taong nagsasayawan sa dance floor.
Tila naman nakahalata si Aidem na wala na siyang planong kausapin pa ni Angel. Kaya inamo na niya ito.
"Sorry na kung tumawa ako." Hindi naman siya pinansin ng dalaga at tila walang naririnig kahit halos pasigaw naman iyon ng sinabi niya."
"Dont talk to me! Talk to your self!
"Ouch!" Aniya dito. "Bati na tayo sige na oh."
"Excuse me, pupunta lang ako sa rest room."
Napailing na lang siya at napabuga ng malakas dahil sa inakto nito sa kaniya. Alam niya na umiiwas lang ito na kausapin niya. s**t! Bakit kasi nakakalimutan niya minsan na si Angel ang tipo ng tao na masyadong seryoso sa buhay. Ayaw nito na hinahaluan ng biruan ang mga bagay-bagay lalo na kung pagdating sa usapan. Si Angel at Dylan ay pareho ng ugali pagdating sa ganito kaya hindi nakapagtatakang mas naging malapit ang mga ito kaysa sa kanila ni Mond.
Ang tagal na panahon na niyang inaalagaan sa puso niya ang dalaga. Dumating pa sa punto na nagkaroon siya ng hesitation na sabihin dito ang nararamdaman dahil sa pag-aakalang si Dylan ang gusto nito. Hindi niya pa mapatutunayan sa sarili na wala talaga itong espesyal na nararamdaman para kay Dylan kung hindi pa nagbalik si Rhaime. Lalo niyang napatunayan ang lahat ng ito na mismo ang gumawa ng paraan para matuloy ang kasal ng kaibigan nila.
"Bakit ang tagal naman yata noon," aniya sa sarili. Kaya nagpasya siyang sundan na ito sa restroom. Pero hindi pa man siya nakakarating sa restroom ay natanaw na niya ito sa kumpulan ng mga nagsasayaw. Animo ito may sariling mundo sa ginagawa kaya walang pakialam sa paligid. Naningkit ang mga mata niya sa nakikita. Halos puro kalalakihan ang nasa paligid nito.
Halos takbuhin niya ang kinaroroonan nito para lang makalapit agad. "Let's go!" Maawtoridad na wika niya kay Angel . "Umuwi na tayo!" Hinawakan niya ito sa braso para hilahin na paalis. Mabilis naman na humarang sa daraanan nila dapat ang isa sa mga lalaking kasamang sumasayaw nito.
"Hey! Don't you see that, we're still having fun with her dancing. If you want, join us!"
Agad nagpanting ang tainga ni Aidem sa narinig mula sa bastos na lalaki na ito. "Get out of our way, before my eyes are completely darkened on you!"
"Aidem! What are you doing? We're just having fun. Baka nakakalimutan mo kung nasaan tayo kaya huwag ka ngang kill joy diyan. Sumayaw ka rin kung gusto mo, hindi iyong panira ka ng momment!"
"You heard what she said. If you don't want to join with us, just leave alone!"
Tuluyan ng humulagpos ang pinipigilan niyang pagkayamot sa lalaking ito. Mabilis na dumapo ang kanan niyang kamao para undayan ito ng suntok sa panga. "f**k you! Kasama ko ang babaeng ito, kaya karapatan kong magdesisyon kung aalis na kami!" Muli niyang hinawakan sa kamay si Angel at tsaka tila walang nanyaring iniwanan ang lalaki na hindi agad nakahuma sa ginawa niya dito.
Pagdating sa sasakyan ay padabog na isinara ni Angel ang pintuan. Tila naman nahimasmasan si Aidem bigla dahil sa lakas ng pagkakasara ng dalaga niyon. s**t! What am I doing." Tanong niya sa sarili.
Hindi pa man siya nakaka-upo ng maayos sa driver seat ay isang lumalagapak na palad ang dumapo sa kaniyang pisngi. "Angel! Why did you that huh?!"
You know, you're so wierd for the past few days Aidem, at hindi na ako natutuwa talaga!"
"Pero bakit kailangan mo akong sampalin basta na lang. Hindi mo ba iyan puweding sabihin sa akin ng hindi mo ako sinasampal."
"Ginawa ko iyon kasi para magising ka."
"Ikaw pa lang ang tanging babaeng sumampal sa akin alam mo ba!"
"Oh, really! Sa rami ng babaeng naikama mo, wala man lang ba ni isa sa kanila ang sumampal sa iyo. Oh, come on Aidemiell Villacorta, dont me." May pagka-sarcastic ang tono niyon.
Nainis naman si Aidem sa tono naman ng pananalita nito sa kaniya. "Wala ni isa man sa kanila ang nagtangka na sampalin ako kung ang kapalit naman noon ay ang pagpapaligaya ko sa kanila sa kama. Pero ikaw dapat kang parusahan sa ginawa mo sa akin." Mabillis niyang kinabig ang leeg ni Angel para mapalapit sa mukha niya at tsaka sinalubong ang mga labi nito para halikan.