Kabanata 1- Ang pagtatagpo.

1633 Words
Warning: Expect wrong typo and grammatical error ahead..This chapter is un edited kaya marami pa pong mali rito.. so pasensiya na agad. *********** "IKAW NANAMAN!" Naiinis na sabi niya rito. "Yah, it's me again." Ang tamis ng ngiti ng damuho sa kanya. "Bakit ba pakalat-kalat ka? Wala na ba akong pweding mapuntahan na bar na hindi kita makikita." "Nagkataon lang ito uling." "Nagkataon? Putcha Aidem ang dalas naman ng nagkataon mo. Bilang na bilang sa daliri ko palaka, nakakahiya sa iyo." Sabay inum niya sa tequila. "Saan ka galing niyan bago ka nakarating dito?". "May transaksyon akong tinapos para tigilan na ako masyado na kasing makulit." Sabay tawa ng pagak. "Boy is always a boy." "So you mean galing ka sa anuhan?" Nakasimangot nitong turan sa kanya. "What do you mean anuhan? Linawin mo para kang baliw. I know, you know what I mean Angel so hindi na kailangan linawin pa sa iyo. "Sa hindi ko alam ang tinutukoy mo eh, irap pa niya rito." "Dont me Angell. Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo gawin iyan sa mga lalaking nanliligaw sa iyo. Hindi ba pwede na kung ayaw mo sa kanila bastedin mo na lang, hindi yun kailangan umabot sa ganyan pa." Tinawanan lang siya ni Angell. "Alam mo, kayong mga lalaki ay pare-pareho lang naman ang habol sa aming mga babae at iyon ay ang s*x as in S-E-X, sex." "Grabe ka!, hindi lahat ng lalaki ganyan tulad ng paniniwala mo. May mga lalaki pa rin na kaya nililigawan ang babae dahil sa gusto talaga nila ito, i mean na mahal nila kaya nga nagpupursige sila na mapasagot eh. Para saan ang effort na ginagawa nila kung iyon lang ang habol nila, kung pwede naman nila iyon magawa ng hindi nagpapakahirap manligaw pa." "So, parang sinasabi mo na nairaraos mo ang pangangailang mo bilang lalaki sa babaeng willing ibigay saiyo ang ganoon?" "Yah, ofcourse, sa klase ng negosyo na mayroon ako ang daming nagkalat dyan na babae na sa isang tingin ko lang pwedi ko maikama kung gugustuhin ko na hindi ko na kinakailangan na magpakahirap pa silang ligawan." Pagak itong tumawa sabay inom ng sariling alak. "Kaya ba wala ka pa rin girlfriend hangang gayon dahil ganyan pala ang katwiran mo?" Nagkibit balikat lang ito sa sinabi niya. "Hiindi naman sa ganoon, ayoko lang ng seryosong relasyon sa kanila. hindi pati sila ang tipo kong babae na gusto ko makasama habang buhay iyon lang siguro." "Oh i see," na tumango-tango pa habang nakatingin sa mga nagsasayaw sa dance floor. "Wanna dance?" Tanong nito sa dalaga. Para naman matagtag 'yan katawan mo. "Okay, magandang ideya yan tara." Nauna na ito sa pagtayo at paglakad na sinundan na lang ni Aidem. Pagdating sa dance floor ay agad itong sumayaw ng maharot sa saliw ng maligalig na tugtog na nagmumula sa disk jockey. Tinapatan lang ito ni Aidem sa harap at sinabayan ito ng sayaw. Titig na titig ito sa ginagawang pag-indak ng dalaga sa bawat galaw nito at sa bawat hampas ng balakang ay tiyak niyang maraming mga kalakihan ang mabibighani dito. Taglay ni Angel ang gandang pilipina, she is a morena beauty. Mahaba ang itim at makintad nitong buhok na hangang kalahati ng likod. Hindi nagkakalayo ang taas nila para sa taas niyang five-eigth, habang ito naman ay nasa five-five. Maganda ito, may mukhang maamo, matangos na ilong at mga matang kulay itim. Perpektong katawan na sigurado siya na ang vital statistic nito ay 36-25-35. Katawang hahangarin makita ng kapwa niya lalaki na nakahubad lalo na ang matikman ito. Isama pa ang mga ngiti nito na isa sa mga asset nito na talaga namang sa ngiti pa lang ng dalaga ay mahuhulog ka na. Matagal na silang magkakaibigaan apat. Si Dylan, Mond, ito at siya. Nasa kolehiyo sila pare-pareho ng maging magkakabarkada sila. Kahit sabihin pa na ito lang ang tanging babae sa kanila ay hindi naging hadlang iyon para sa matatag nilang pagkakaibigang apat. Personal secretary ito ni Dylan sa kompanya nito sa Zalasar empire nun maging ito na ang C.E.O. ng kompanya nito. Sampung taon na ito na sekretarya ni Dylan at talagang gamay na rin nito ang pasikot-sikot ng kompanya ng empire, kulang na nga lang ay maging isa na ito sa stock holder ng kompanya ni Dylan. Ipinatong ni Angel ang dalawang kamay sa balikat ni Aidem kasabay ng pagindayog nito sa harapan nito kaya hinapit naman ni Aidem ang mga beywang nito para magdikit sila ng husto. Hindi naman sweet ang tugtog pero animo sila nagsasayaw sa isang malamyos na tugtugin. Normal sa kanila ang ganitong tagpo pero sa totoo lang, mas madalas ang pagiging parang aso at pusa nila kung nagkikita dahil gustong-gusto niya itong inaasar dahil mas madalas na pikon ito kaysa sa hindi. Mga pagkakataon na hinahanap- hanap niya. Kaya nga dahil sa alam niya na mahilig pumunta ang dalaga sa nigth club bago ito umuwi ng bahay, ay club ang ginagawa nitong palipasan ng oras. Nakakatawa man isipin pero napakahabang taon na niya itong ganoon lang ang ginagawa niya para mas makasama ito ng kahit saglit na oras. May nararamdaman siya dito pero hindi niya magawang magtapat dahil namamagitan ang pagiging magkaibigan nila sa mahabang panahon. Natatakot din siya na kung susubok siyang magtapat ay iyon na rin ang maging simula ng pagkakaroon ng lamat ng kanilang pagkakaibigan na inalagaan niya ng napaka habang panahon para dito. Bukas din ang dalaga na ayaw nito ng relasyon kaya nga kapag may nagtatangka manligaw dito ay agad nitong ibinibigay ang katawan, dahil ito ang paraan na ginagawa nito sa pagtaboy na sobrang tinututulan niya. Napakaraming beses na niya iyon sinabi kay angel pero tinatawanan lang siya nito at kapag ipinilit niya ay nagwawalk out ito bigla, tanda na ayaw nito na pinapakialaman ito. Kaya naman ang kanyang nararamdaman dito ay tinago na lamang niya at inaalagaan sa kanyang puso, hindi pa siguro ito ang panahon para magtapat siya dito kaya sa ngayon ay makukuntento na muna siya sa ganito munang sitwasyon nila ni Angel, kahit sobrang hirap sa kanya. Kaya pa naman niyang itago at iyon ang mahalaga sa ngayon. "Baka kailangan mo ng umuwi?" Aniya kay Angel sa mga tainga nito ng pabulong. "May pasok ka pa bukas, uwi na tayo lumalalim na rin ang gabi oh." Sumang ayon naman ito kaya binagtas na nila pareho ang daan papauntang exit ng club na iyon. Inihatid niya ito kung saan nakapark ang sasakyan nito. "Kaya mo bang magmaneho?" Tanong nito kay Angel. "Oo naman, dont worry hindi naman madami ang nainom ko ano ka ba? Halos kadarating ko lang din ng nilapitan mo ako doon. So, ikaw uuwi ka na rin ba o mag-stay ka pa dyan sa loob para makakuha ng maikakama mo ngayon gabi?" Natawa siya sa tanong nito, heto talaga si Angel ganito katabil ang dila nito prangka ika nga. "Oo." sagot naman niya dito. "Magcomdom ka buds ha mahirap na baka makatapat ka ng babaeng ipaaako sa iyo na buntis siya at sabihin na ikaw ang ama. Ikaw rin, bye-bye bachelor." Sabay halakhak nito. "It will never happen kasi maingat ako. Kaya ikaw mag-ingat ka rin sa ginagawa mo?" "I will buds, okay na iyon nadapa ako ng isang beses and it will never happen again, never." Binuksan na nito ang pinto ng kotse niya para sumakay na. "Bye palaka." Nakasanayan na siya nitong tawagin ng ganoon, hindi dahil sa mukha talaga siyang palaka, kungdi naging expression na lng ito ng dalaga na tawagin siya ng ganoon lalo na kung iniinis niya ito. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho Uling bye." Uling naman ang tinawag niya dito dahil nga morena ito pero hindi naman sobrang itim. Nakatuwaan na lang niya na tawagin ito ng ganoon kapag gusto niya itong asarin or pikunin. Hinintay niya munang mawala sa paningin niya ang sasakyan nito bago niya napag-pasyahan na tunguhin na rin ang kanyang sariling sasakyan. Wala naman na siyang plano pa na bumalik sa loob para mag-stay pa dahil si Angel lang naman talaga ang pakay niya kung bakit siya nagpunta sa club na ito. Isa siya sa may ari din ng club na ito at kasosyo niya ang isang kamag-anak niya dito. Ito rin ang tumawag sa kanya para ipaalam sa kanya na nandito nga si Angel. Mga club ang ang negosyo niya. Ilang branch na ng heavens gate club ang mayroon siya na nagkalat saan man lupalop ng Maynila. Mayroon din sa bandang Makati at Pasay. Mayroon din sa bandang Rizal at ilang bahagi ng probinsya. Ang mga ginamit niyang pang invest sa ilan sa mga club niya ay ang pera na nagmula lang sa pustahan nilang magkakaibigan para sa kakaibang niyang deal sa mga ito. Na noong una ay biruan lang pero sineryoso ng mga ito. Kaya naman nawili na siya na gawin na iyon rule sa bawat pag-iinum ng mga ito sa kanyang club. Mas madalas na talo ang mga ito. Nagtayo din siya ng heavens gate club na pangmasa sa bandang San Juan Batangas at nasasakop iyon ng pag-aari nilang Isla doon na pinangalanan nilang isla villacorta. Maraming nakatira sa Isla na iyon. At Natutuwa siya sa klase ng pamumuhay na mayroon ang mga taga Isla Villacorta. Sapagkat ang Islang iyon ay pag-aari ng kanyang pamilya na ipinamana na nga sa kanya na talaga naman dinadayo ng mga turista, mapa lokal man o banyaga. Lalo na ang sitio gwapito na sikat na lugar doon. Pinaharurot na niya ang kanyang sasakyan para umuwi na din sa kanyang bahay at inaantok na rin kasi siya. ***** rhaime22 *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD