Chapter III

2193 Words
Sean Krisher Juntura Kinabahan talaga ako kanina. Bigla ba naman tinawag ang number ko. Buti nalang at dumating si Reynier at sinabi niya kay Sir na paupuin na ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nung habang papalapit sakin si Sir. Parang excited yata yung nararamdaman ko nun, ewan ko ba hindi ko talaga maexplain. Niyakag ako ni Sir sa kanila at napainom ako doon. Nakilala ko sila Mike at Robert. Barkada iyon ni Sir. Mabait naman sila at hindi ako na-out-of-place nung nakaupo ako doon. Nung pauwe na ako ay biglang tumawag sakin si Paul. Tropa ko. Niyaya niya akong sumama sa kanilang camping. Hindi naman ako makakahindi doon dahil malaki ang utang na loob ko doon. Sinabi niya sakin kung kailan at sinabi ko rin na join ako. Nandito ako ngayon sa rooftop. Nakatingin ulit ako sa ibaba. Pagkapasok kasi namin ni Sir sa gate ng school ay nagdiretso na agad ako dito. Ewan ko ba pero parang kapag andito ako ay gumagaan ang pakiramdam ko. Nakita piniringan ni Reynier ang dalawang mata ni Sir at mabilis naman din agad nitong tinanggal iyon. May inabot si Reynier kay Sir at umalis narin kaagad ito. Naupo si Sir sa bench at todo kalikot sa kanyang cellphone. Napapaisip nga ako kung ano ang meron ay Reynier at kay Sir eh. Parang may kakaiba sa kanilang dalawa. Sobrang close sila sa isa't-isa. Naiisip ko nga na baka may relasyon sila eh. Ano ba itong pumapasok sa isip ko. Simula pa nung tinawag ako ni Sir sa recitation ay hindi na siya mawala sa isip ko. Last subject na tapos uwian na. Ang gulo namin sa loob ng room kasi wala pa ang teacher namin. Nagbabatuhan kami ng papel at si Mark naman ay ano? E di nagseselfie parin. Nabuhay lang yata ito para magselfie ng magselfie eh. Biglang nagtahimikan ang buong room namin nung pumasok sa loob ng room namin si Sir. Nagdiretso na ito sa unahan at nagsimulang magdiscuss. Pinaliwanag niya ang lahat ng tungkol sa limbic system at yung mga trabaho nito sa ating katawan. Nakatanga lahat kami sa kanya. Hindi nga halos ako makausap ni Mark kahit panay ang kalabit niya sakin. Maggropie daw kaming tatlo nila Michael. Jusko naman! Kahit sa discussion nagpipicture pa itong walang modong ito. Ang daming nagtatanong na babae kay Sir tungkol sa function ng bawat parts. Narinig ko pa nga na may nagtanong tungkol sa galit. Kung dahil ba daw sa isa sa mga parte ng brain kung bakit tayo nagagalit. Ipinaliwanag ni Sir iyon. Ang galing. Nalaman ko na ang utak pala natin ang pinaka-mastermind ng ating katawa. Ito ang boss at ito palagi ang nasusunod. "Sir naniniwala ba kayo sa love at first sight?" hindi ko alam kung saan ba ako humugot ng lakas ng loob para itanong iyon kay Sir. Hindi ko rin kasi alam kung bakit sa dinami-dami ng tanong ay iyon ang naitanong ko sa kanya. Nagtinginan lahat sakin ang mga kaklase ko lalo na si Mark. "Ayieeeeee!" narinig kong kantyaw sakin ng mga kaklase ko pati ng kasama naming section. "Sa sariling opinyon ko kasi ay hindi love ang una nating nararamdaman o mararamdaman sa unang pagkikita, ito ay ang pakiramdam na interesado ka sa kanya o nagustuhan mo lang siya" mahabang paliwanag ni Sir. Naupo na ako at lihim kong ikinatuwa ang narinig ko sa kanya. Naintindihan ko lahat ng diniscuss ni Sir kaya kahit magparecitation pa siya bukas ay siguradong makakasagot ako. Sakto sa oras siya nagpalabas ng room. Halos ayaw pa nga matapos ang oras ng mga kaklase ko dahil naging interesado sila sa topic ni Sir. Lumabas na kami ng classroom at nagdiretso na kami sa meeting place namin (tambayan area) hahaha! Nakaupo kami habang inaantay ang iba pa naming kaibigan. "Ikaw tol, naniniwala ka ba sa love at first sight?" tanong ko kay Mark na syempre! Selfie mode parin! Tumingin siya sakin ng matagal at parang iniscan ang buong katawan ko. Tingin ko ba ay tinatanong niya kung may lagnat ba ako o kahit na anong klaseng sakit. "Anu yun?" sagot niyang patanong. "Wala!" sigaw ko sa kanya. Matapos iyon ay pinagpatuloy niya ang ginagawa niyang pagseselfie. Hindi ko naman kasi matatanong si Michael tungkol sa love kasi isa't kalahating luko-luko rin iyon. "Pasensya na. Dami kasing ginawa sa last subject eh" narinig kong sabi ni Cheska mula saking likuran. Kasama nito ang iba naming mga kaibigan. Naupo rin muna sila at nakipagkwentuhan samin. "Nakakawili yung topic namin kanina sa personality" natigilan ako nung narinig ko iyon kay Cheska. Ikinuwento niya ang mga nangyari sa kanilang classroom kanina. Kapareho lang ng nangyari samin. Pareho lang din ng topic. Habang nagkukwentuhan sila ay nakatingin lang ako sa rooftop. Pakiramdam ko kasi ay gusto ko pumunta doon eh. Pakiramdam ko kasi ay parang may tumatawag sakin at sinasabing pumunta ako doon. Ang corny noh! Ang weird pero totoo yun. Nakatitig lang ako doon. "Uy! Wala ka bang balak umuwe?" sabi sakin ni Cheska sabay tapit sa balikat ko. Mabilis akong tumayo at nag-umpisa ng maglakad palabas ng gate. "Uy! Yung bag ko" dugtong niya sa kanya sinabi. Ewan ko ba nawala na sa isip ko na ako nga pala ang nagbibitbit ng gamit niya kapag nauwe kami. Habang palabas kami ng gate ay panay ang tingin ko sa bench at sa parking lot. Parang may tumatawag kasi sakin sa lugar na iyon. "Sir!" bigla akong napalingon nung marinig ko iyon mula kay Michael. Nakita kong kasama ni Sir yung lalaking nakasandal kahapon sa pintuan ng room. Si Reynier. Lagi naman silang magkasama. Hindi ba sila nagkakasawaan ng mukha? Tumango samin si Sir senyales ng pagbati niya samin. Hindi pa ba sila uuwe? Maggagabi na nandoon parin sila sa gilid ng gate. Hindi ba sila marunong tumingin sa orasan. "Uy Sean! Ano ba nangyayari sayo!" napabalikwas ako nung marinig ko iyon kay Michael. Naiwan na pala ako. Nagsisimula na pala ulit silang maglakad pauwe at ako naman ay nakatigil parin. Ano ba itong nangyayari sakin. Nakaupo ako ngayon dito sa labas ng bahay namin. Nakasalpak sa dalawang tainga ko ang earphone at sinasabayan ko ang kantang naririnig ko. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit hindi mawala sa isipan ko ang bawat nangyayari sakin sa school. Kaiba naman talaga. Ngayon lang yata ako naging ganito. Pakiramdam ko kasi ay laging atat akong pumasok lalo na sa hapon. Nawili na ako pumasok araw-araw at hindi na ako nagkacut ng klase. Malimit narin akong maupo ngayon dito sa tapat ng bahay namin. "Ready ka na ba bukas?" sabi sakin ni Paul. Nagkita kasi kami. Gusto yata na masigurado na sasama ako. Hahaha! Akala yata nito ay iindianin ko siya. Nagkwentuhan kami. Ang dami nga namin napagkwentuhan eh. Sinabi niyang kasama niya ang iba niyang kaibigan. Sila Jacob, Jake, Lelay, Matt at meron pa daw ibang sasama. Ang sabi daw kasi ni Matt ay may isasama siyang kaibigan. Mukhang masaya ito kasi magkakaroon ako ng ibang kaibigan. Hindi ko na inimbitahan sila Michael at ang iba kong kaibigan. Nakakahiya naman kasi kung isasama ko pa sila kasi ako sinama lang din. "Oh pano? Kita nalang tayo bukas. Bawal ang malate ah!" paalam sakin ni Paul at sumakay na siya sa kanyang sasakyan. Mayaman talaga ang mokong na iyon. Ako? Ah... simpleng tao lang ako. Hindi ako mayaman pero nakakaraos rin naman. Simple pero astig! Hahaha! Yan tayo eh! Fighting spirit lang. Push natin yan! Nakahanda na ang gamit ko. Ayoko kasing may makakalimutan kapag ganitong klaseng lakaran. Mahirap kasi makahanap ng mga kailangang gamit kapag nasa taas na ng bundok. Ayoko ngang bumaba mag-isa para lang bumili o humanap ng isang gamit. Heleeerr! Bundok yun noh! Lumabas na ako ng bahay namin. Nakita kong may nakaparadang pulang sasakyan sa harapan ng eskinita nila Sir Migs. Dinahan-dahan ko ang lakad ko para makita ko kung sino yung lalabas ng gate ni Sir. Naunang lumabas ang lalaking ngayon ko lang nakita na kasama ni Sir. Ayos ang porma nito ah! Halatang pangmayaman ang porma at ang sapatos WOW! Ang gaaaaanda! Astig! Kasunod nito sa kanyang likuran si Sir. Napatigil ako sa paglalakad ko nung nakita ko si Sir. Naka-conyo shorts at fitted shirts si Sir. Natulala talaga ako nun. Bigla akong lumiko sa may tindahan nung nakita kong sasakay na sila sa sasakyan. Bago sila tuluyang sumakay sa sasakyan ay nilagay nung lalaki ang bitbit niyang gamit ni Sir sa compartment ng kanyang sasakyan bago tuluyang sumakay sa drivers seat. Kailan kaya ako makakabili ng ganoong sasakyan para maisakay ko rin si Sir doon. Ano ba itong pinag-iisip ko. Nahihibang na yata ako. "We're here!" sabi ni Paul sa kanyang mga kasama. Wow! Astig ang mga kaibigan ni Paul. Mukha mga MEYEMEN TELEGE! Inggit much ako. Napatingin ako sa isang kaibigan ni Paul. Teka parang kilala ko to ah. Parang nakita ko na to. Nilapitan ko siya at saktong tatanungin ko nung may narinig akong pamilyar na boses mula sakin likuran. "Matt!" mabilis ako lumingon nung marinig ko iyon. Hindi nga ako nagkamali si Sir Migs iyon. Alam kong nagulat din siya nung makita niya ako. Nginitina niya ako. Aktong lalapitan ko siya nung nilapitan siya nung lalaking kasama niya kanina at kinuha ang bitbit nito. "Nakabili ka ba Sir? Sabi ko kasi sayo dumaan nalang tayo kanina sa puregold eh" narinig kong sabi ni Matt kay Sir. "Kumpleto na tayo" sabi ni Matt. Matapos sabihin iyon ni Matt ay nagsimula na kaming umakyat. Kasabay ko sa pagakyat si Paul, sila Sir naman ay si Matt at sila Lelay naman ay si Jacob tapos si Jake naman ay walang kasabay. Loner yata! Hahaha! Ipinakilala na kasi kami kanina ni Paul at Matt sa isa't-isa. Madali naman makapalagayang loob ang mga kaibigan ni Paul kaya hindi ako nahirapang mag-adjust. "Oy! Tara picture tayo!" sabi ni Sir Migs nung nagpapahinga kami sa first camp. Ito ang pangalawang pagkakataon na makita ko si Sir Migs na ganitong kasaya at ganito ang ugali. Ngayon ko lang din nakita yung ngiti niya. Kaiba pala talaga si Sir Migs. Parang naging interesado yata ako lalo sa kanya. Hindi kasi siya ganito kapag nasa loob ng classroom. Baka ayaw niya samin kaya siya ganoong kasuplado sa loob. Hindi nga yata yan magsasalita sa loob ng classroom kung hindi tatanungin bukod sa pagdidiscuss ng lesson. "Teka, paano ako? Gusto ko kasama ako!" narinig kong sabi ni Sir. "Sige, ako na muna ang kukuha picture" pagpiprinsinta ko naman. Nginitian ako ni Sir nung sinabi ko iyon. Matapos ang scenariong iyon ay nagpatuloy na kami sa pag-akyat. Dapat kasi ay hindi kami abutin ng gabi sa pag-akyat. Mahirap kasi umakyat sa gabi. Bukod sa madilim ay baka maligaw kami sa daan dahil hindi namin makikita ang mga sign board. Nang makarating kami sa itaas ay nag-ayos na kami ng mga gamit namin. Naghanap kami ng mga sanga na pwedeng gamitin sa bonfire at ang iba naman ay inayos ang mga pagkain. Ang saya ng camping na ito. Nakaka-excite. Isa na siguro sa dahilan ko ay dahil kasama ko si Sir Migs. Simula kasi nung araw na tinawag niya ang number ko ay hindi na mawala sa isipan ko iyon. Hindi ko nga alam kung maiinis ako o matutuwa nung dumating si Reynier nung araw na iyon. Lalapitan na sana ako ni Sir nun. Excited nga ako nun eh. Nakita namin si Lelay at Jake na nakaupo malapit sa bonfire na inayos ni Matt kanina. Naglapitan kami doon at bumilog. Nagsisilbing liwanag samin ang apoy na nasa gitna. Hindi ko nga nararamdaman yung lamig ng hangin gawa nito. Masarap sa pakiramdam. Nakakarelax. Nagkantahan kami. Ang gaganda ng boses ng mga kaibigan ni Matt. Lalo na yung Jake. Napapansin ko nga si Jake na panay ang tingin kay Lelay. Sigurado ako na may gusto ito kay Lelay. Halata kasi sa kilos nito. Pero sa tingin ko naman ay may gusto si Lelay kay Jacob. Obvious ang mga galawa dito ah! Astig. Hahaha! "Muling lalapit ang liwanag sa paligid" panimula ni Sir sa kanta. Napatitig ako sa kanta. Hindi ko kasi inaasahan na ganoon ang boses niya. May boses din pala itong tinatago. "Hindi ko man hawak ang panahon, maging ang ikot ng buhay..." sabay namin sa kanta ni Sir Migs. Nakikanta narin kasi ako. Ang sarap kasi sa pakiramdam. Feeling ko ay ang ganda rin ng boses ko. Nakatingin saming dalawa ni Sir ang mga kasama namin habang patuloy sa pagsipra si Jake sa kanyang hawak na gitara. Matapos ang aming kantahan ay napagdisisyunan na magbalikan sa kanya-kanyang tent para makapagpahinga. Sigurado kasing napagod ang lahat sa ginawang pag-akyat. Hindi na muna ako bumalik sa tent ko. Pumunta muna ako sa isang tahimik na lugar. Minsan lang kasi mangyari ang ganitong pagkakataon kaya gusto kong sulitin. Sa totoo lang hindi ko alam itong nararamdaman ko eh. Ang hirap aminin sa sarili yung nararamdaman ko. Ang weird ng feelings ko. Para kasing may maling nangyayari sa puso ko. Iyan talaga ang dahilan kung bakit gusto kong mag-isa dito ngayon. Gusto kong mag-isip kung bakit nga ba ako nagkakaganito. Nahihirapan na kasi ako eh. Hindi ako makatulog ng maayos sa gabi dahil dito sa pakiramdam na ito. Habang nakaupo ako ay may naririnig akong nag-uusap. Sa sobrang katahimikan kasi ay halos marinig ko narin ang usapan sa kabilang tent. Hindi naman sa pagiging usisero ay tinuon ko ang atensyon ko doon. "Hoy Sean! Ano yang ginagawa mo!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD