Chapter 4

1985 Words
Abot tenga ang ngiti ni Kenneth habang nagmamaneho at kasama ang babaeng gumugulo sa isipan niya. Hindi niya alam kung bakit masaya siya. Ang alam niya lang natutuwa ang puso niya ngayon. Kung pwede nga lang e-uwi niya na ito at huwag nang pakawalan pa. Dahan-dahan niyang nilingon ang dalaga. Napangiti siya nang matagpuan itong natutulog. Hindi siya nabigyan nang pagkakataon noon na pagmasdan itong matulog nang magkasama sila. Kayganda niyang pagmasdan. Para lang siyang anghel na natutulog. "Baka matunaw ako niyan," agad niyang iniiwas ang paningin niya nang marinig niya itong nagsalita. Narinig niyang tumawa ito. Muli niya itong nilingon ngunit nakapikit pa rin ang mga mata nito. "Sabi ko na nga ba't gusto mo ako, eh." nakangiti siyang ibinalik ang paningin sa kalsada. Hindi niya na sinagot ang sinabi nito. Ano namang sasabihin niya? Sasagutin niya ng Oo? May mapapala ba naman siya kung sasabihin niyang may gusto nga siya. Malinaw naman ang sinabi nito sa kanya. Hindi ito naniniwala sa pakikipag-relasyon. Mas mabuti na rin sigurong ganito ang sitwasyon nila. Alam niya kung hanggang saan lang ang pakikisama niya dito. Isa pa, hindi pa naman nila gaanong kilala ang isa't-isa anong malay niya kung may kasintahan pala ito sa Amerika na naiwan at naghihintay dito. Kaya tama na sa kanya ang ganito. Gagawin niya na muna ang lahat ng bagay ng gusto niya at nakakapagsaya sa kanya at isa na angmakasama ang babaeng ito. Huminto sila sa isang reataurant. Nauna siyang bumaba at pinagbukas ng pinto ang dalaga. "Mukhang masarap ang foods nila dito, ah." anito. Nagtama ang paningin nila nang ipinulupot nito ang kamay sa braso niya. "Shall we, hot chinito?" napangiti siya sa narinig. Ngunit habang nakatingin siya sa mga mata nito hindi niya mapigilang ibaba ang mga mata niya sa labi nito. Napalunok siya. Agad niyang iniiwas ang paningin niya. Nagulat siya nang hawakan nito ang baba niya at iginiya patungo sa hitsura nito. Ngumiti ito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang hagkan siya nitong muli. Naramdaman niya ang init at tamis sa halik nito. "Kapag may gusto kang gawin huwag pigilan, ikaw din baka atakihin ka sa puso. " napakagat siya sa ibabang labi niya. "You mean I can kiss you anytime I want?" she licked her lips. "Oo, 'yun ay kapag nasa tabi mo ako." kumindat ito na siyang dahilan para mapatawa siya. "Okay." hinarap niya ito. Hinawakan ng isa niyang kamay ang pisnge nito at dinampian ito ng halik. Napangiti siya nang maghiwalay ang mga labi nila. "What's funny?" umiling siya. "Wala lang. I can't resist the taste of your lips. It made me crazy." "Naku, delikado 'yan. Baka mamaya niyayakap mo 'yung unan mo at hinahalikan ha?" sabay silang napatawa sa sinabi nito. "But seriously, I love the taste of your lips." ngumiti lang ito. "Halika na," tumango siya at sabay silang humakbang papasok ng restaurant. Nagpa-reserve siya ng table para sa kanila. Hindi niya magawang alisin dito ang paningin niya. Kahit habang kumakain sila panay ligaw tingin niya sa dalaga. Chinita din ito ngunit 'di katulad ng mga mata niya na halatang chinese. Mas singkit ang mga mata niya. Mataas ang ilong nito. At ang higit na nagpapabaliw sa kanya ang hugis puso nitong labi. Bumagay ang kulay ng buhok nito sa balat niya. She look more sexy. Ipinilig niya ang ulo niya. Bumaba siya nang tingin sa plato niya. Hindi niya gaanong nagagalaw ang pagkain niya. Makita niya lang ito nabubusog na siya. "You don't like the food?" nagtaas siya ng tingin sa kaharap niya. "No. It's great. Busog lang ako." tumango ito. "I love their foods." nginitian siya nito. "Alam mo kasi sa states we live a busy life. Masyadong mabilis ang paggalaw ng mundo doon. Everyone is competing against the time. Kaya sa sobrang busy ng buhay hindi na nakakain ng ganitong pagkain. Nakaka-miss ang pagkain ng mga pinoy. Wala na akong ibang kinakain kundi bread at cereals. 'Yun ang uso, eh." he find her funny to be with. He enjoyed every moment with her. Kahit nga hindi ito magsalita. Umupo lang ito at ngumiti masaya na siya. Madiin ang titig nito sa kanya. Nagulat na lang siya nang kinuha nito ang phone nito sa handbag na isinauli niya kanina dito. Hindi niya inaasahan ang gagawin nito. Kinuhanan siya nito ng litrato. "Souvenir," anito nang mapansin nito ang pagtitig niya dito. "Souvenir?" tumango ito. "Pwede mo naman akong dalhin pabalik ng States, eh." "Hindi pwede, eh. Hindi ka kasya sa luggage ko." she made him chuckled. "So alis na tayo?" pagyaya nito. "Sure," halos sabay silang tumayo. Nakasunod siya dito. Huminto ito sa labas ng restaurant. "Mukhang masungit ang panahon ngayon, ah." "Oo nga, eh. Halika na," hinawakan niya ito sa kamay at sabay na naglakad patungo sa nakaparada niyang kotse. Ipinagbukas niya ito ng pinto. Agad din siyang sumakay sa driver's seat. Napatingin siya dito habang kinakabit ang seatbelt niya. Lumapit siya dito. Nagkalapit ang kanilang mukha nang abutin niya ang seatbelt nito. Nalalanghap niya ang mabangong hininga nito. Hindi kumukurap ang mga mata nila habang nakatitig sa isa't-isa. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya dito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang maglapat ang kanilang labi. Ikinabit niya ang seatbelt nito habang tinutugunan niya ang halik nito. Hinawakan nito ang pisnge niya. Ang masuyo at maingat na halik ay unti-unting naging mapusok. They kissed torridly. It brings warmth and desire inside him. Hindi niya napigilang hapitin ang baywang nito kahit na naka-seat belt siya. His hands carresing her body. Kusa kumawala ang labi nito. "Nagiging good kisser ka na ha?" napangiti siya. Bumuntong-hininga siya. Umayos sa pagkakaupo. Ini-start niya ang kotse. "Saan mo gustong pumunta ngayon?" "Kahit saan." tugon nito saka sumandal sa passenger seat. "Joy ride tayo," maya-maya pa ay dugtong nito. "Okay your wish is my command." Umupo si Joey nang makadama siya ng pagod sa paglilibot nila ni Kenneth sa intramuros. Hindi lang sila basta naglibot. Kumain din sila ng mga street foods napagti-tripan nilang lantakin. Mabilis na nahawakan ng binata ang kamay niya nang biglang umulan. Napatayo siya nang hilahin siya nito. Ngunit pinigilan niya ito. Nilingon siya nito na may pagtataka sa mga mata nito. Ngumiti lang siya. Binawi niya ang kamay niya dito. Tumingala siya sa langit. Gusto niyang maligo sa ulan. Nakakatuwa kayang gawin iyon. "Hey what are you doing? " untag nito sa kanya. Tiningnan niya ito. Hinawakan niya ang kamay nito at sapilitang hinila. "T-teka lang," pag-tutol nito ngunit hindi siya nagpapigil dito. Magkahawak-kamay silang nagpaulan. Sa simula ay may bahid ito ng pagtutol ngunit sa kalaunan ay naging komportable din ito sa ilalim ng ulan. Napangiti siya. "Umulan ka pa!" sigaw niya. Nilingon niya ang binata. Nagulat siya nang yumuko ito at buhatin siya. "Kenneth put me down! Ano ba?" ngumiti lang ito. "Whoa!" sumigaw ito habang inikot-ikot siya sa ulan. Napahagikgik siya sa ginawa ng binata. Tumingala siya at ipinikit ang mga mata niya. She never been happy like this before. She love every moment with him. Natigilan siya sa sinabi niya. Sinabi niya nga bang love? Idinilat niya ang mga mata niya. Yumuko siya upang tingnan ang mukha ng binata. Napangiti siya nang makita ang saya sa mukha nito. Napakapit siya sa batok nito. There's something inside of her commanding to kiss his luscious lips. Inilapit niya ang mukha dito. Saglit na nag-usap ang kanilang mga mata. Hindi natatago nang ulan ang init nang pagnanais nilang mahalikan ang bawat isa. Saglit na niyang hinagkan ito. Nakakahiya naman kung tatagal silang maghalikan sa public place. Alam niyang wala siyang hiya sa katawan. Pero iba kasi ang isip ng ibang pinoy. Hindi pa gaanong natatanggap ng mga ito ang pagiging liberated . "Put me down, chinese guy." mando niya sa binata. Ngumiti ito sa kanya. Sinunod naman nito ang sinabi niya. Napatingin siya sa kamay niya nang hawakan ito ng binata. "Uwi na tayo," nagtaas siya ng tingin dito. "Uwi na tayo?" pag-uulit niya. "Okay ka lang? Hindi naman iisa ang bahay natin." "My place is open for you." seryuso nitong saad. "Ayaw mo ding malaman ko ang bahay mo kaya sa bahay ko na lang. Hindi ka naman pwedeng umuwi nang basa." "Okay," pagsang-ayon niya. "Magaling ka pa lang mambola ha?" ngumiti ito sa kanya. Inakbayan siya nito. "Let's go mystery girl." napangiti na lang siya. Inilibot niya sa beywang nito ang kamay niya. Magkadikit ang bawat parte ng katawan nila habang patungo sa pinaradahan ng kotse ng binata. Basa ang buong katawan ng dalaga nang pumasok sila sa unit ng binata. Panay pa nga ang titig ng mga tao nang pumasok sila. Inikot niya ang tingin sa buong paligid. Napangiti siya nang makita ang lugar nito. Simple lang pero maganda. Halata ang pagiging masculine sa desinyo ng unit nito. "Wait I'll get you a towel." pumasok ito sa isang pinto na sa tingin niya ay kwarto nito. Mabilis din itong bumalik, nakapalit na ito ng pang-itaas na damit. "Here," sabay abot nito ng tuwalya. "Thanks," "You can use the bathroom. May mga damit akong nilatag sa kama. Ikaw na bahalang mamili kung alin doon ang susuotin mo." napakamot ito sa noo nito. "Lalabas muna ako to buy you a dress and lingerie." napangiti siya. "Okay. Thanks," ngumiti lang ito. Pumasok siya sa kwarto nito gaya ng sabi ng binata. Ilang minutong naghintay si Joey sa loob ng silid ng binata. Hindi niya pinakialaman ang damit na sinabi ng binata. Ayaw niyang magsuot ng maluwang sa kanya. Tapos niya na ding labhan ang basa niyang damit. Nakita niyang may washing machine at dryer sa loob ng bahay nito nang mag-ikot siya kanina matapos niyang maligo. "Ang tagal naman," nababagot na siya. Tanging tuwalya lang ang bumabalot sa katawan niya. Umupo siya sa kama nito. Nagustuhan niya ang lambot niyon. "Mukhang mas maganda siyang higaan." aniya. Nakangiti siyang humila ng unan at humiga. "Infairness mabango ang unan niya ha?" Ipinikit niya ang mga mata niya. Okay lang naman sigurong matulog siya sa kama nito. "Mystery girl, I'm back." dumerecho sa pagpasok ang binata sa silid niya. Natigilan siya nang makita ang dalagang nakahiga sa ibabaw ng kama niya. At tanging tuwalya lang ang bumabalot sa mapanukso nitong katawan. Maingat niyang isinara ang pinto. Ilang beses siyang napalunok habang hinahagod ng tingin ang makinis nitong balat. Nakalahad sa kanya ang bawat kurba at hugis nito. Ayaw niyang matukso ngunit mayroong bumubulong sa kanya na lapitan ito at himasin ang makinis nitong mukha. Dahan-dahan niyang nilapag sa side table niya ang binili niyang damit nito. Umupo siya sa gilid ng kama. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok na tumatabon sa mukha nito. "God, hindi ko kayang pigilan. I want her." wika niya sa sarili. Masuyo niyang hinimas ang mukha nito. Inilapit niya ang mukha sa mukha nito. He softly kiss her. Hindi niya kayang pigilan ang pagnanais sa loob niya. Natigilan siya sa paghalik dito nang maramdaman niyang nagising ito. "Kenneth," she whispered. Inilayo niya ang sarili niya dito. Napangiti ito at umupo. "Kanina ka pa?" untag nito. Napangiti siya. Hindi man lang siya nito pinagalitan o sinampal sa ginawa niyang paghalik dito. Ibang-iba nga ito sa mga babaeng nakilala niya. Lalo na sa mga babaeng chinese pero bakit labis siyang nahuhumaling dito kahit alam niyang hindi lang siya ang lalaking naging parte ng buhay nito? Na hindi ito ang babaeng laman ng panaginip at pangarap niya. Is it really a l**t or he started to like her? Is he ready to face the consequences kung sakaling tuluyan nga siyang mahuhulog dito? Kinokonsidira niya ang mga bagay na hindi pa nangyayari. Pero naiisip rin kaya nito ang naiisip niya? Nararamdaman din kaya nito ang kakaibang t***k ng puso nito gaya niya? " Kenneth?" nagising siya nang sambitin nito ang pangalan niya. "Ah, sorry." "Okay ka lang?" untag nito. Tumango siya bilang ganti. "Magpalit ka na." ngumiti lang ito. "Okay." kinuha niya ang pinambili niya at ibinigay dito. "Thanks,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD