CHAPTER EIGHT
Paungol na idinilat ni Kenneth ang mga mata niya. Ngunit agad siyang
napabalikwas nang makitang wala na si joey sa tabi niya.
Hinanap niya ang dalaga sa loob buong unit niya ngunit wala siyang nakita.
Walang kahit anong bakas nito. Napaupo na lamang siya sa couch ng living room
niya at sinapo ang kanyang noo.
Iniwan na naman siya nito nang walang paalam. At nararamdaman niyang iyon
na ang huli nitong pagpapakita sa kanya. Iyon ang nais ipahiwatig ng halik nito sa
kanya kagabi.
"Joey," panay iling niya sa kanyang sarili. "Saan kita mahahanap?" untag niya sa
sarili.
Gusto niyang hanapin ito pero saan naman? Kahit na tawagan niya pa ang
telepono nito siguradong hindi niya rin ito matatawagan. Lalo na ngayong paalis ito
ng bansa. Pwede siyang lumipad ng Amerika para hanapin ito. Pero saan siya
magsisimulang maghanap sa isang taong sinasadyang itago ang pagkatao sa
kanya.
Napapailing siyang tumayo. Bumalik siya sa silid niya. Naligo siya at nagbihis.
Kahit gustuhin niya mang hagilapin ang dalaga wala ding mangyayari. Kusa itong
magpapakita sa kanya kung gusto nito.
Pagdating niya sa Mall dumerecho siya sa opisina niya. Nagulat siya nang may
madatnan siya doon.
"Therese,"
"Hi," tumayo ito at hinagkan siya.
"H-hello," nauutal niyang wika. Hindi niya inaasahang makita ito sa opisina niya.
Nakalimutan niyang tumawag nga pala ito sa kanya kahapon. Nawala ito sa isip
niya habang kasama si Joey.
Ngumiti ito. "Alam ko namang ayaw mo sa akin. Pero huwag mo naman
ipamukha sa akin."
"Therese, ayusin natin 'to. Itigil na natin 'to."
"Galing akong France," anito na tila hindi nrinig ang sinabi niya. "Nakakatampo
ka kasi pero okay na ako ngayon." kinuha nito ang bag nito. Ipinulupot nito ang
kamay nito sa braso niya. "Breakfast tayo? Dumerecho na kasi ako dito galing sa
airport."
"Tai lei zi," tatanggihan niya sana ito pero natigilan siya nang biglang bumukas
ang pinto ng opisina niya at iluwa ang Daddy niya.
"Tito," kumalas ito sa pagkakahawak sa kanya at humalik sa pisnge ng Daddy
niya. "Good morning po, Tito." masaya ang mukha ng Daddy niya nang makita ang
fiancee niya.
"Hello hija, I'm glad to see you." tumingin ito sa kanya. "May lakad kayo?"
tumango siya sa tanong nito.
"Magbe-breakfast lang po kami tito. Would you like to come with us?" umiling
daddy niya.
"Thanks hija but I'm done." muli siya nitong tiningnan. "Take good care of your
fiancee, Kenneth. She gonna be my daughter in law soon. She's part of our family."
Buntong-hininga lang ang naisagot niya dito.
"Okay. Maiwan ko na kayo lovebirds." ngumiti ito sa kanya.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya nang masara ang pinto.
Muling pumulupot ang kamay ng dalaga sa braso niya.
"Let's go?"
"Yeah." pinagbukas niya ito ng pinto. Lahat ng mga empleyadong nadadaanan
nila ay panay bati sa kanila. Bakas ang ngiti sa labi ng mga ito. Hindi lang alam ng
mga ito na ibang babae ang nais niyang kasama at kasabay sa paglakad. At nais
niyang ipakilalang babaeng pakakasalan niya.
"Doon tayo sa restaurant ni Mommy."
Bahala na ito kung saan nito gustong kumain. Tanging si Joey lang ang laman
ng isipan niya ngayon.
Magkahiwalay na ang parents nito. Pure chinese ang papa ni Therese na siyang
matalik na kaibigan ng Daddy niya.
Dumerecho sila sa restaurant ng Mommy nito. Inalalayan niya ito sa pagbaba
ng kotse. Agad na napansin ng Ina nito ang pagdating nila. Sinalubong sila nito.
"Therese," mahigpit na niyakap nito ang anak at hinagkan sa noo nito. Nang
maghiwalay ang mag-ina lumapit siya sa ginang at bumati dito.
"Good morning po, Tita." humalik siya sa pisnge nito. Half-filipino at half-chinese
ito.
"Ken nisi," ngumiti ito sa kanya. "Hindi na ako makapaghintay na makasal kayo
ni Therese," ngumiti lang siya dito. "Maiwan ko na muna kayo ipahahanda ko lang
gustong breakfast ni Therese. Ikaw hijo anong gusto mo?"
"Kahit ano lang po, tita."
"Okay, maupo muna kayo." umupo sila gaya ng sabi nito. "Therese,"
"Yes mom?"
"Nandito nga pala si Joy. Umuwi siya three days ago." hindi niya kilala ang
pinag-usapan ng mga ito. Pero nasisiguro niyang malapit sa fiancee niya ang
nasabing babae dahil sa kislap ng mga mata nito.
"Really mom?"
"Yes. Pero babalik na din siya ngayon." kumunot ang noo nito.
"Bakit po? Hindi niya man lang nasabi sa akin na umuwi siya dito." may tampo
sa boses nito.
"Alam mo naman yun hindi mapakali sa isang lugar. Lalo na kapag may
gumugulo sa isip niya. Pwede mo pa naman siyang puntahan. Ten ang alis niya
ihahatid siya ng Tito Freddie mo."
"Sige po mom," umalis ang mommy nito at iniwan silang dalawa. "Ken,"
"Bakit ano 'yun?''
"Pwede mo ba akong samahan sa mandaluyong?"
"Therese marami pa akong gagawin sa opisina. " hinawakan nito ang kamay
niya.
"Ken please, matagal ko na kasing hindi nakikita ang step-sister ko. Gusto ko
rin siyang personal na imbitahin sa kasal natin. I just wanna sure na uuwi sa kasal
natin. Para na din makilala mo na siya."
"Okay if that's what you want."
"Thanks."
Kanina pa hindi kumikibo ang Papa ni Joey. Matapos niyang mailigpit ang
gamit niya hindi na ito nagsalita.
"Pa?" tumingin ito sa kanya. "Tahimik niyo po yata?"
Tumaas-baba ang dibdib nito. "Hindi lang kasi ako makapaniwala na masyado
nang matatag ang anak ko. Masaya ako na nakakatayo ka na sa sarili mong mga
paa." napangiti siya.
"Pa," yumakap siya dito. "Hindi naman po ako magiging successful kung hindi
dahil sa tulong ni Tita ." naging mahinahon ang boses niya. " Kung hindi niya po ako
pinag-aral sa Amerika hindi ako ganito." umalis siya sa pagkakayakap niya dito.
Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. "Anak, ayaw mo ba talagang
makausap ang mama mo?" umiling siya.
"Saka na lang po, pa. In time." tumango ito.
"Okay. Naiintindihan ko." niyakap siya nitong muli. "Maag pa naman. Baka gusto
mong mag-date muna tayo." napahagikgik siya sa sinabi nito. Hinampas niya nang
marahan ang dibdib nito.
"Okay. Matatanggihan ko ba ang one and only love ko." tumawa ito sa sagot
niya.
"Saan mo gustong mamasyal?" ginalaw niya ang balikat niya.
"Kahit saan po, pa. Gusto ko ng dirty ice cream."
"Kakain ka n'un? Dirty nga 'yun." kinurot niya ito.
"Papa naman, eh." tinawanan lang siya nito.
"Okay fine. Dalhin na natin 'tong luggage mo para derecho na tayo ng NAIA."
kinuha nito ang luggage niya. Nakaakbay ito sa kanya habang palabas sila ng bahay.
Ipinasok nito sa trunk ng kotse nito ang luggage niya. Pasakay na sila ng kotse nang
biglang may bumukas ng gate. Nagulat siya nang makita ang kakarating lang.
"Josefa Joy!" sigaw nito habang patakbo na lumapit sa kanya.
"Tai lei zi," niyakap nila ang isa't-isa. Matagal din silang nagyakapan.
Kumalas sila sa yakap ng isa't-isa. "Nakauwi ka na pala, therese."
"Tito," niyakap nito ang papa niya. Muli itong tumingin sa kanya. "Ngayon ka na
ba talaga aalis?" untag nito sa kanya. Tumango siya sa sinabi nito. "Nakakainis ka
ha? N'ung nag-usap pala tayo sa phone nakauwi ka na pala dito. Hindi mo man lang
nasabi."
"Sorry, mukha ka kasing malungkot that time kaya hindi na kita sinabihan."
"Nakakatampo ka," nginitian niya ito.
"Nagdrama na naman itong si Therese Kao." ngumiti lang ito .
"Madaya ka kasi. Hindi ka na nga umuuwi mula nung maka-graduate ka."
"Sorry, medyo marami lang ginagawa." paghihinge niya ng despensa sa
dalaga.
"Maraming ginagawa baka naman american guy ang pinagkakaabalahan mo
doon." hindi niya napaigilang matawa sa sinabi nito.
"Sira ka talaga. Eh, ikaw nga iyong ikakasal na diyan." isang matamis na ngiti
ang lumitaw sa labi nito. "Anong ngiti 'yan?"
"May kasama kasi ako," napataas ang isa niyang kilay. Napalingon siya sa gate.
May kotseng nakaparada sa labas ng gate nila.
"S-sino?" nauutal niyang tanong dito.
"Kasama ko ang fiancee ko." natuwa siya sa sinabi nito.
"Kasama mo pala si Ken?" untag ng papa niya.
"Yes tito. Tatawagin ko lang po, siguradong nahihiya po 'yun kay Joy kaya hindi
sumunod." tinawanan niya ang kinakapatid.
"Anong nahihiya? Papasukin mo na nga para maimbistigahan ko." ngumiti ito.
Lumabas ito ng gate.
Napalingon siya sa Papa niya. "Hanggang ngayon po hindi pa rin nagbabago si
Therese."
"Oo. Para siyang isang manipis na salamin na kailangan ingatan dahil
napaka-fragile niya. Mahirap kapag nabasag ang tulad niya. Hindi siya gaya mo na
matatag at may tiwala sa sarili." sinimangutan niya ang Papa niya. "O bakit nasira
'yang mukha mo?"
"Paano kasi pasimple na naman kayo sa diskarte niyo, eh." tumawa ito. Ngunit
sumeryeso din ito agad.
"But you know what anak, bilib ako diyan sa mapapangasawa ni Therese Ann,
mabait, matalino at mabuting tao." naging interesado siya sa katangiang nilalarawan
nito.
"Wow. So in that case she's in good hands."
"Yeah. At alam mo bang dinadasal kong makatagpo ka rin ng lalaking gaya niya.
" nginitian niya na lang ang sinabi nito. Kaya siguro dumating sa buhay niya si
Kenneth dahil sa dasal ng Papa niya. Pero hindi sila para sa isa't-isa. Hindi
nababagay ang tulad niya sa lalaking sinasabi ng Papa niya.
"Joy," nakangiti siyang lumingon kay therese. May lalaking nakasunod sa
likuran nito. "Joy I want you to meet Kenneth my fiancee." saka lang niya nakita
ang mukha nito.
"What the hell!" bulalas niya sa isipan niya. Pareho silang natulala ng binata.
Walang makapagsalita sa kanila. Parang biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo at
tanging sila lang ang taong nakatayo sa kinatatayuan nila.
"I-ikaw?" napalingon si therese sa binata dahil sa salitang lumabas sa bibig nito.
"You knew each other?" nagtataka nitong untag. Nagising siya sa tanong na
iyon. Saka lang niya na-realize ang sitwasyon nila ng binata.
"No." agad niyang tugon. "I mean I don't know his name pero pamilyar sa akin
ang mukha niya. Nakabanggaan ko siya sa mall isang beses." pagsisinungaling niya.
Nababasa niya sa mga mata ni Kenneth ang pagkokontra nito sa pagsisinungaling
niya. Pero pareho silang nakakulong sa isang sekreto na tanging sila lang ang may
alam.
Hindi naman nila maaring sabihing nagka-one night stand silang dalawa at may
nangyari uli sa kanila na sinadya at ginusto na nilang dalawa. Parang gusto niyang
umiyak sa harapan ni therese at papa niya. Hindi niya alam na iba na pala ang
klaseng laro na gusto ng tadhana. Sinadya pa talagang ang lalaking nakasama niya
at naging mahalaga sa kanya ang mapapangasawa ng step sister niya. Ano klaseng
laro ba 'to? Ngayon lang ito nangyari sa kanya.
"Ah okay. Ken si joy. Actually Josefa joy ang name niya. Everyone call her joey
kaya lang para sa akin pang-lalaki 'yun kaya I call her joy." tumango ito.
"Mas gusto ko 'yung joey. Can I call you Joey?" usisa nito sa kanya. Hindi
mapakali ang mga mata niya. Hindi niya magawang titigan ito.
"Yeah. Sure," tugon niya.
Inilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm kenneth lee. I'm happy to finally meet
you." tinanggap niya ang kamay nito.
"Nice meeting you Mr. Lee." marahan nitong pinisil ang kamay niya. Agad niyang
binawi ang kamay niya dito.
"Matagal na kitang kinikwento kay Kenneth." wika ni Therese. "Masaya akong
magkakilala na kayo ngayon." sinikap niyang ngitian ito.
"Ah gan'un ba?"
"Joy gusto ka rin sana naming personally na imbitahan kang um-attend ng kasal
namin." nakuyom niya ang kanyang kamay sa narinig. Hindi pa ba sapat ang t*****e
na nararanasan niya sa harapan ng mga ito? Padadaluhin pa talaga siya sa kasal?
"S-sure. Titingnan ko." bumusangot ang dalaga sa sagot niya. Lumapit ito sa
kanya. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay.
"Joy ikaw 'yung gusto kong maging made of honor ko. Kaya you should be there.
Pwede ba 'yun?"
Nginitian niya ito. "Sige na nga, matitis ba naman kita?"
"Thank you." niyakap siya nito. Nabigyan siya ng pagkakataong tingnan ang
binata. Nababasa niya ang lungkot sa mga mata nito. At gan'un din ang
nararamdaman niya pero kailangan nilang kalimutan lahat ng nangyari at namagitan
sa kanila dahil iyon ang tama. Madali lang naman iyong gawin lalo na't ilang araw
lang naman silang nagkakilala.
Mabilis siyang umalis sa pagkakayakap nito. "Ann kailangan na naming umalis
ni Papa. May pupuntahan pa kasi kami." pag-iiwas niya sa mga ito.
"Maaga pa naman, ah. Ten pa alis mo di'ba?" untag nito.
"Oo pero may pupuntahan pa kami ni Papa." napalingon sila nang tumikhim ang
papa niya.
"Magde-date pa kami hija," sabay akbay nito sa kanya. Napangiti ito.
"Sige ho tito. Uuwi na rin po kami. Joy, take care."
"I will."
"Mag-iingat ka." tumango lamang siya sa sinabi ni Kenneth.
"Aalis na kami."