Hindi niya ako binitawan hanggang sa dalawin na rin ako ng antok. Mabuti na lang at kinabukasan, maaga akong nagising kaysa sa kanya. Mahigpit ang yakap niya sa akin habang natutulog kaya nahirapan pa akong makawala. Mabuti na lang at nagawa kong makaalis sa tabi niya nang hindi man lang siya nagigising. Pagtingin ko sa wallclock dito sa kwarto niya, napagtanto kong alas sais na pala ng umaga. Agad akong nag order ng porridge para sa hangover nila. Una kong dinalhan at chineck si Brent dahil sobrang lasing din niya kagabi. “Kamusta ang pakiramdam mo?” His eyes were half closed while answering, “My head hurts a bit.” “It’s your fault kasi ang dami mong ininom. Kainin mo ‘to bago pa mawalan ng lamig.” Ipinatong ko sa table niya ang porridge nang mapansin kong nakatitig ito sa suot ko. “

