"Ma, bakit ang dami niyan?" turo ko dahil sa kaliwa't kanang paper bags na dala dala niya. "Ah ito," itinaas niya ang mga hawak niya. "Binili para sa akin ng nobyo mo. Huwag mong sabihing pati ito ay kokontra ka? Ikaw lang ba ang pwedeng magpakasaya, Eira?" galit na sambit niya. "Hindi naman sa gan'on, ma— "Huwag ka ng magrason pa! Hayaan mo na lang akong maging masaya. Pasalamat ka nga at hindi na ako sa'yo humihingi." Matapos niyang sabihin 'yon, tinalukuran na niya ako. "Yaya! Dalhan mo ako ng pagkain sa kwarto ko!" utos niya sa iba pang mga kasambahay. Wala tuloy akong ibang magawa kung hindi ang paulit ulit na humingi ng pasensya kina ate Cora dahil sa ugali ni mama. "Hayaan mo na, Eira. Ipagpasalamat na lang natin na hindi kayo magkaugali dahil kung gan'on, baka hindi tayo

