"S-Sir, anong ginagawa mo rito?" Hindi niya binitawan ang kamay ko kahit na nandito kami sa harap nina Anica at tito Frederick. Inagaw niya rin sa akin ang wallet ko bago itinago sa suit niya. "Hindi mo naman sinabing nandito pala ang boyfriend mo, Eira. Pumasok muna kayo sa loob. Ipaghahanda ko kayo ng juice," nakangiting alok ng pinsan ko pero nanatili namang nakakunot ang noo ni Sir Adhriel. "I told you to make it quick. We still have somewhere else to go," galit na dagdag niya. Wala tuloy akong ibang nagawa kung hindi ang magpatianod sa hawak niya. "Eira, saan ka pupunta? Hindi ka pa nagbibigay ng pang hospital bills ni mama!" Bago pa man ako tuluyang makalayo, narinig ko pa ang sigaw ni Anica pero hindi ko na sila mabalikan dahil hindi ako makawala sa boss ko. Nang pareho na kami

