"Do you like it?" tanong sa akin ni Brent matapos niyang ibigay sa akin 'yong lasagna na kinuha niya. Sa harap namin ay si Mang Tasyo na siyang may ari ng resturant na grand opening ngayon. Naghihintay siya sa sagot ko. "Masarap. Nakakamiss ho ang mga luto niyo," nakangiting sagot ko kahit na ramdam ko pa ring mahapdi ang mga mata ko dahil sa sobrang pag iyak kanina. Mabuti na lang talaga at may dala akong concealer at make up para kahit papaano ay matabunan ang mapula kong mukha. "Nakakatuwa at nagustuhan niyo ang luto namin ng asawa ko. Matagal tagal na rin tayong hindi nagpangita. Salamat sa Diyos at mga successful na kayo. Parang noon lang ay masyado pa kayong malilikot." Pareho kaming natawa ni Brent sa sinabi niya. Parang noon lang din, halos ipakain na niya sa amin ang mga na

