"I just want to personally thank you," hayag ni ate Karisa na lumapit sa akin para kausapin ako habang nagsisimula na ang party. "Para saan po?" She plastered a wide smile. "Nabanggit sa akin ni Adhriel na isa ka sa mga babaeng nagdonate ng buhok para rito sa mga batang may cancer patients. Every time na nakakatanggap sila ng kahit maliliit lang na bagay, tuwang tuwa na sila. Muling bumalik sa isipan ko 'yong araw na iniwan ako ng boss ko sa isang pagupitan. May kwento rin sa akin ang mga bakla r'on na marami na daw dinalang babae si Sir Adhie para pagupitan. So that's his reason? He wants to donate my hair to someone here? Ngumiti rin ako kay ate Karisa. "Sa susunod po. Kapag mahaba na ulit ang buhok ko, babalik ako rito. Matapos kong sabihin iyon ay napatingin ako sa mga batang can

