Right after taking my finals exams, mas lalo akong nagfocus sa pagbubuntis ko. Maraming payo sa akin si tita Cassandra patungkol sa pagbubuntis ko dahil hindi niya gustong matulad ako sa nangyari sa kanya noon. I also had lots of cravings. Katulad ngayong alas dos ng madaling araw. Gusto ko ng hilaw na mangga kaya naaabala ko si Brent sa pagtulog niya. "A-Ayos lang ba talaga?" Napakagat ako sa pang ibaba kong labi dahil nahihiya ako sa kanya. Inaantok na tumango naman ito, "Of course. Just wait for me here." At pagkatapos n'on, lumabas na siya para pumunta ng kotse. Hindi ko alam kung bukas na ba ang palengke ngayon pero mukhang hindi naman siya magpapaawat. Whenever I requested something, he was always there, willing to help. Kaya siguro siya madalas na napagkakamalang daddy ng ana

