Pagkabalik ko galing washroom, nakita ko silang nag uusap. I sat as if nothing happened. Kumain na rin ako. Natigilan lang ako dahil sa tanong ni ninang Iris. "When did you meet you boyfriend, anak?" halos masamid ako sa kinakain ko. Napatingin ako sa boss. Marami na ata siyang nasabi sa kanilang dalawa na hindi ko na mababawi. Dapat pala ay hindi na lang ako umalis. "Uhm—" "Three months ago," si Sir Adhie na mismo ang sumagot kaya natawa si Brent. "You only met for that short amount of time yet you trust her that much, Clementine?" hindi makapaniwalang tanong niya. I cleared my throat before speaking. "Oo, mapagkakatiwalaan ang boss ko." "Mabuti naman kung gan'on. Ang mahalaga ay nasa mabuti kang kalagayan." Ngumiti ako sa sinabi ni ninang. Hinayaan kong kausapin niya si Sir p

