"Mica," tawag ko sa aking kaibigan dahil natumba siya bunga ng kalasingan. Lalapitan ko na sana siya pero hindi ko 'yon magawa dahil masyadong mahigpit ang hawak ni Sir Adhie sa braso ko. Mabuti na lang at mabilis na nakalapit si Kiro para daluhan siya. "Don't worry, I'll take her home," aniya kaya napanatag ako. Binuhat niya si Mica dahil nakatulog na ito papunta sa kanyang kotse. Ako naman ay naiwan kasama ang boss ko na hindi ko alam kung bakit nandito. "Who gave you the permission to drink?" salubong ang kilay niyang tanong. Bunga ng tama ng alak sa akin, hindi ko alam kung bakit sarkastiko akong natawa sa kanya. "Bakit ka nandito, Sir? Akala ko ba ay bukas kapa uuwi?" "Why do you ask?" "Wala lang. Baka magalit 'yong babae mo." "What are you talking about?" Muli akong natawa

