DECISIONS Nakita niya ang nagpupuyos na galit na si Julian nang makita niya kung paano naglaho si Jillian. Ngayon ay tumutulong na ang kanyang ina at si Jil sa paglaban sa ibang mga dark wizards. "You're losing, Julian." Doon na bumaling si Julian sa kanila ni Phoenix. Nasa likod niya lamang ito. Nang makita nila si Julian kanina ay sinabihan niya si Phoenix na huwag makikialam sa magiging laban nila. Ang tanging hiling lamang niya dito ay pigilan ang sino mang dark wizard na magiging sagabal sa laban niya. "Sino nagsabing tapos na? Hanggat nabubuhay ako hindi matatapos ang laban na ito!" Hindi na nagulat pa si Sabria ng bigla na lamang siyang sugurin ni Julian. Mabilis at malakas ang mga atake nito. Hindi maikakaila na malakas ito sa kahit pisikal man ang laban. Sinasabayan nito ng i

