AWAKEN "Sab!" Mabilis na inalalayan ni Phoenix si Sabria. Napansin din niya ang napakalalim na sugat nito sa may tiyan. "Nagawa niya," nakangiting sabi ni Master Jed pero bakas din sa mukha nito ang pag-aalala. "Kailangan natin siyang dalhin sa Glacies Kingdom upang magamot na siya ni Nikki." Mabilis namang binuhat ni Phoenix si Sabria. Narinig niya ang pito ni Master Jed. Nagulat nalang siya ng may kung anong nakakatakot na nilalang ang nasa harapan na niya. "You can see it?" Napatango nalang siya. Natauhan lang siya ng umigik sa sakit si Sabria kaya naman mabilis siyang sumakay sa may likod ng nilalang na iyon. Sumama din si Master Jed sa kanya. "Marami ng dugo ang nawawala sa kanya!" Nagpapanic na siya. Nakikita na rin niya ang unti-unting pagkawala ng kulay ni Sabria. "Kailang

