Princess Juliana Point of View "Hey wake up." Rinig ko na sabi ni Justin, dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at tinitigan siya. "Bakit anong meron?" Tanong ko sa kanya. Nginitian lang niya ako at tinulungan bumangon sa aking kama. "Ngayon din alis natin, pero I want to make it special, tara gala muna tayo." Sabi saakin ni Justin, kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Sure ka igagala mo ako dito? Sweet mo naman, saan tayo pupunta dito?" Tanong ko sa kanya. Tumayo siya sa higaan ko at ngumiti. "Mag ayos ka muna, ako bahala sayo ngayon." Sabay kindat niya. Lumabas siya sa loob ng kuwarto. Bumangon ako sa kama ko at nag unat unat. Nag-ayos ako ng sarili ko bago lumabas ng kuwarto, paglabas ko, nakita ko siyang nakaupo sa may sala habang naka pikit. Dahan dahan akong l

