CHAPTER THREE

1531 Words
"PAYTON, how's school?"  Nag-angat ng mukha si Payton mula sa hapag-kainan dahil sa tanong ng ina. It was a Monday morning, nando'n sila ng kanyang ama at ina sa dining room at nag-uumagahan. "Just the same as usual," sagot niya dito.  "Nakausap namin ng Papa mo si George kahapon sa may golf club," wika nito na ang tinutukoy ay ang chancellor ng university na pinapasukan. Member kasi ang mga ito ng parehong golf club. Kaya nga laging updated ang nanay niya sa mga pangyayari sa eskwelahan dahil madalas nitong nakakausap ang chancellor. Halos pigilan niya na mapabuntung-hininga dahil may ideya na siya kung ano ang susunod nitong sasabihin. "He said na pinakiusapan ka niya para tulungan yung anak nung isa sa mga board members na maipasa yung subject nito, tama ba?"  Muntikan na siyang mapangiwi dahil sa tinuran nito, sinsabi na nga ba niya at tungkol do'n ang sasabihin nito. Bago pa niya masagot ang tanong ng ina ay bigla na lang nagsalita ang tatay niya. "Pero okay lang ba na bigyan ka ng gano'ng responsibility when you're clearly busy with your studies as it is?"  "Phillip, ano bang sinasabi mo? Of course our daughter can handle it, just like how she always does. I'm sure wala lang sa kanya ang bagay na 'to." Bumaling ang ina sa kanya at ngumiti. "Right, Payton?"  "Yes, Ma," tanging nawika na lang niya, a small smile straining on her face.   Ngayong nalaman na ng nanay niya ang tungkol sa pakiusap ng chancellor na isama niya si Riven sa medical mission nila, wala na talaga siyang ibang pagpipilian ngayon kundi gawin ang lahat ng makakaya niya para maisama ang lalaking 'yon sa medical mission. Dahil kapag may narinig na kahit kaunting masamang bagay ang ina patungkol sa kanya, like how she did not even give an effort to convince that guy na sumama sa medical mission, tiyak na magwawala na naman ito. It will be another mental and emotional torture for her.   That's why even though she doesn't want to have anything to do with Riven, wala na siyang magagawa kundi pilitin ang sarili na pakiharapan ito at kumbinsihin na magpasa na ng waiver. Ang problema lang, wala siyang ideya kung paano niya gagawin 'yon. Pagkatapos kasi nung insidente sa may greenhouse, hindi na talaga niya alam kung paano aakto sa oras na makaharap na niya ito.   Labis na pagkainis na naman ang nadama niya nang maalala niya ang tagpong 'yon. Hindi siya nagagalit o naiinis dahil sa ginawa nito, she was angry because of her body's reaction to what he did. Simpleng idinampi lang nito ang palad sa pisngi niya pero para nang sasabog ang puso niya dahil do'n. Gusto niyang isipin na dahil lang 'yon sa 'yon ang kauna-unahang beses, maliban kay Jax, na may lalaking humawak sa kanya. Hindi lang siya sa sanay to have contact with other guys. Kahit minsan kasi ay hindi pa siya nagkakaro'n ng kasintahan. Pero kahit na ilang beses pa niyang sabihin 'yon sa sarili, alam niyang hindi lang 'yon ang dahilan. And she was just too afraid to know the real reason why.  "Just take it easy, okay Payton?" ang tinig na 'yon ng ama ang pumutol sa iniisip niya.  Bumaling siya dito at nakita ang pag-aalala sa mga mata nito. Alam nito how easily she was affected by her mother's words. Na kapag sinabi nito na gawin niya ang isang bagay ay kailangang gawin niya 'yon. And when she said she can do it, then she must do it. She can't even make any mistakes, because if she do, her mother will make sure that she will regret doing it. She can take the physical pain, it's the verbal abuse she can't take.  At kahit na alam ng tatay niya ang tungkol sa ugaling ito ng ina, wala man lang itong ginagawa para mabago 'yon. Because her father loves her mother so much that he can't even see how unstable she was. Isang mapait na ngiti na lang ang sumilay sa labi niya. Wala naman kasi siyang karapatan na magreklamo. Dahil kahit pagbalik-baliktarin pa niya ang mundo, she was still the one who turned her mother that way. That's why the only thing she can do now was to live with it.  Pilit niyang nginitian ang ama at nagwika, "Of course, Pa." KANINA pa nakatitig si Payton sa kapirasong papel na hawak-hawak. It was another copy of the waiver. Balak niyang ibigay 'yon kay Riven dahil kagaya ng sinabi nito nung huli, tinapon na nito ang kopya nito. Ang problema lang, hindi niya alam kung paano 'yon ibibigay dito. Kanina pa niyang umaga hinahanap ang binata but apparently, hindi ito pumasok sa lahat ng pang-umagang klase nito. Pati sa greenhouse ay pinuntahan na rin niya ito, pero wala rin ito doon. Umaasa na lang siya na sana ay maisipan nitong pasukan ang mga pang-hapon nitong klase.  Tapos na ang klase niya ngayong araw, tuwing Lunes kasi ay hanggang ala-una ng hapon lang ang klase niya. Pero sa halip na nasa bahay na siya ngayon at nagpapahinga, nandito siya ngayon sa Department of Business Administration at inaabangan ang Riven na 'yon. Ayon kasi sa napag-alaman niya tungkol dito ay business administration ang kurso na kinukuha nito. Hindi naman nakakapagtaka 'yon since may-ari ng isang malaking textile company ang pamilya nito. Marahil ay 'yon ang kurso na nais ng mga magulang nito para dito.  Iyon naman madalas ang kaso ng mga estudiyante dito. Maybe that's one of the downside of being born rich, you don't have the luxury of choosing the things that you want. Dahil sa bandang huli ang mga magulang mo pa rin ang magdedesisyon kung ano ang nararapat para sa 'yo. Bigla tuloy siyang napaisip. 'Yon kaya ang dahilan kung bakit nagrerebelde si Riven? Dahil hindi nito gusto ang kursong kinukuha? O baka naman ginagawa lang nito ang mga bagay na ginagawa para makuha ang atensiyon ng mga magulang nito. O pwede rin namang wala talaga itong pakialam sa mga tao sa paligid nito at talagang masama lang ang ugali nito.  Marahas siyang napailing. Ano bang pakialam niya kung ano ang dahilan ng pagrerebelde nito? Ang importante lang ngayon ay mapilit niya itong papirmahan ang waiver nito sa magulang nito. Kapag nagawa na niya 'yon, saka na lang niya iisipin kung paano naman niya ito mapipilit na sumama sa medical mission nila.  Tumayo siya sa bench na kinauupuan, pagbaling niya sa kaliwa ay eksakto namang nakita niya ang isang lalaki na papasok sa building. Nang mapagsino niya ito ay hindi na siya nagdalawang-isip at agad niya itong nilapitan.   "De Guzman," tawag niya dito bago pa man ito makapasok sa building.  Dahan-dahan itong bumaling sa direksyon niya at nang magtama ang kanilang mga mata, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang bigla na lang sumirko ang puso niya at mula sa kung saan ay bigla na lang pumasok sa utak niya ang ginawa nito sa greenhouse noong nakaraan. Pero agad din niyang kinalma ang sarili. Hindi ito ang tamang oras para mag-isip siya ng kung anu-ano.  "Ikaw," wika nito sa tinatamad na tono. "Ano na namang kailangan mo?"  "Dinalhan kita ng panibagong waiver," aniya at inilahad niya dito ang waiver na hawak-hawak. "Sana mapapirmahan mo agad 'yan sa kahit na sinuman sa mga magulang mo. Kailangan kasi by wednesday naipasa ko na ang lahat ng waiver and yung sa 'yo na lang yung kulang."  He gaze at the piece of paper with a droll look. "Hindi ba sinabi ko na na hindi ako sasama sa medical mission niyo, kaya bakit ayaw mo pa akong lubayan? Matalino ka naman 'di ba? So why can't you understand a simple 'no'? Ano bang pakialam mo kung sumama man ako o hindi sa bwisit na medical mission na 'yan? Kung tutuusin wala namang mawawala sa 'yo kung hahayaan mo na lang ako. So you should just leave me the hell alone."   Pagkawika no'n ay tinalikuran na siya nito. Naikuyom niya ang kamao. Kaunting-kaunti na lang talaga at sasabog na siya sa pagkapikon dito. Pero kung papairalin niya ang inis ay lalong walang mangyayari. Kaya bago pa man ito makalayo ay mabilis na niyang nahawakan ang braso nito.  "Sandali lang--"  Pero hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil marahas na nitong binawi ang braso na hawak-hawak niya. Dahil sa ginawa nito ay mabilis siyang nawalan ng balanse and before she knew it, she already fell butt-straight on the floor. Agad siyang napangiwi sa sakit.   Napahinto sa paglalakad si Riven dahil sa nangyari. Pero sa halip na tulungan siya ay isang hindi intersadong tingin lang ang ibinigay nito sa kanya. "That's your own fault, you know."  Literal na naramdaman niya ang pagkaputol ng kahuli-hulihang pisi ng pasensiya niya. Parang lahat ng dugo sa katawan niya just all rushed up into her brain and all she could see was red. Dahan-dahan na siyang tumayo, hindi iniinda ang sakit sa likudang bahagi ng katawan niya. Pakiramdam niya ay sasabog na siya dahil sa sobrang galit. She tried so hard just to calm down and make her breath even. Calm down, Payton, count to three and calm down. One, two,--  Pero hindi na niya naituloy ang pagbibilang sa utak niya. And she just snapped.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD