TRUST Sa isang lumang motel siya tumuloy kung saan malapit lang sa pamamahay nila ni Mati. Wala na rin kasi siyang sapat na oras na mamili pa ng magarang hotel na tutuloyan, overnight lang naman siya kaya pagtiyagaan nalang niyang matulog na ang aircon ay parang dalawang taong hindi nalinisan. The bathroom was another story. Parang hindi rin ito nalinisan ng ilang araw. But he supposed it was better than nothing. Hinubad na niya ang kanyang mga damit at binuksan ang shower. He soaped himself, then stood under the spray, letting the tepid water flow over him. Naalala naman niya ang kanyang pamumuhay noon. Yeah, karangyaan talaga ang nagisnan niya at ang pera ay hindi problema sa kanya. Pero simula ng mamatay siya at nabuhay ulit, ang lahat ng pagmamay-ari niya ay bigla nalang naglaho.

