Namatay sila mama at papa nang wala akong nagawa, nung tumakbo ako nun di ko alam kung saan pupunta, gulong gulo ako pero pag gising ko nasa hospital na ko at nailibing na ang parents ko, hindi ako nagkaroon ng time mag luksa wala na din si kuya Josh nasa America na dahil may trabaho sya dun, tanging si Lian nalang ang nakasama ko. Halos araw araw din akong umiiyak dahil sobrang sakit pa din talaga, dumating sa point na sinisi ko si Lian sa mga nangyayari sa buhay ko at tatlong araw syang hindi pumunta sa bahay. Hindi ako nakain, hindi ako nakilos wala na akong gana mabuhay pero nung akala ko na wala na sakin lahat bumalik si Lian at nakita ang sitwasyon ko na hinang hina at halos parang mamamatay na kaya dinala nya ko sa hospital, after nung araw na yun nag bago na ko naging tahimik, ilag sa tao at palaging mag isa at tanging si Lian lang ang nakakakita ng tunay kong ugali pero misan lang.
Ngayon after almost 4years pinipilit kong bumalik sa dati pero bumalik din sya, bakit ngayon pa? bakit kung kelan na tingin kong kaya ko na saka nya pa naisipang bumalik.
xoxoxoxoxoxoxo
Nagising ako ng 6am at nag simula na mag ayos para pumasok kahit wala akong gana pumasok, hindi ko alam kung umuwi ba dito si Lian dahil nag lock ako ng kwarto para di sya mang gulo pero tingin ko andito sya dahil may naaamoy akong mabango at alam ng tiyan ko na pag kain yun kasi nag ingay sya *gruuuu~* >."Good Morning my Lady" masayang bati nya
"bakit andito ka? diba pinaalis na kita? asan si Lian??" umupo ako sa may dinning table
"lumabas lang ako pero di ako umalis kasi iniintay kong maka-uwi dito si Lian pero hindi sya dumating kaya natulog nalang ako sa sofa tapos nagising ako ng maaga kaya umuwi muna ko para maligo at nag bihis tapos bumalik ako para makapag luto ng almusal at sabay tayo papasok, kain na tayo" habang sinasabi nya yun nag sisimula na sya mag-ayos ng kakain namin
"bakit mo to ginagawa?" cold kong tanong sa kanya
"alam mo kumain ka na baka ma-late pa tayo" at nilagyan nya ng kanin ung plato ko
"uulitin ko, bakit mo to ginagawa??" ibinaba nya yung kutsara at tinidor at tinignan ako
"Alam mo Maddy, wag mo sana i-close yung door mo para sa mga taong gustong pumasok sa buhay mo, hindi porket may mga panget kang karanasan sa nakaraan magiging sarado ka na para sa kasalukuyan, hindi ko alam ang nangyari noon pero sana hayaan mo ko, kami na pumasok at pasayahin ang buhay mo ngayon" di ko alam pero umiiyak na ko dahil sa mga sinabi nya, hindi madali ang lahat
"Hindi madali ang gusto mo Clyde, hindi madaling magpapasok ng mga tao sa buhay mo lalo na kung minsan ka nang namulat na wala na pala sila sayo, sinusubukan ko, sinusubukan kong bumalik sa dati pero bumalik yung taong dahilan kung bakit ako ganto kaya sana hayaan nyo muna ako" after nun tahimik na kaming kumain at nag ayos para pumasok.
Tahimik lang kami sa byahe, hindi din ako nakahawak sa kanya ayoko, nag iisip isip pa ko tsaka hindi ito tama, may girlfriend sya baka magalit un :(. Nakarating kami sa parking lot at bumaba na ko, inabot ko sa kanya yung helmet at mag sisimula na sana mag lakad pero tinawag nya ko tumigil lang ako pero di ko sya nilingon
"Try to forgive and let go the past baka mas sumaya ka" at tuluyan na kong nag lakad. Di ko alam di ko alam kung kaya ko na magpatawad.
Tapos na ang lahat ng exam namin at didiretso na sana ko sa mini garden ng tinawag ako ni Lian
"Besh sorry di ako nakauwi sa inyo kagabi" at inabot nya sakin yung lunch box na dala nya
"Lian seriously?? ano to peace offering??" binukasan ko may lamang strawberry shortcake at ibinalik ko sa kanya
"hindi ako nakain nyan Lian alam mo yan kung wala ka ng sasabihin aalis na ko" nakita kong nalungkot sya pero tinalikuran ko lang sya, hindi ako galit sa kanya alam nya yun pero ayoko nung cake dahil alam kong galing yun kay Alex dahil yun ang favorite naming kainin noong kami pa
"Maddy, gusto nyang mag usap kayo bigyan mo sya ng chance" nag lakad ako patungo sa pinto at dun ulit nag salita
"binigyan ko sya ng chance Lian dalawang second chance, ako na ang gumawa ng way para ayusin ang lahat kahit masakit yung mga sinasabi nya at tama na yun Lian, tama na masyado ng masakit" tuluyan na kong umalis at pumunta sa mini garden pero pag dating ko andun na si Clyde
"pwede ba gusto ko mag isa?? Ok lang ba na ibigay mo na sakin tong araw na to?? Palagi na kitang hinahayaan na mag stay dito" umupo ako malayo sa kanya at sumandal ako sa may puno at pumikit pero mga 30 mins palang siguro akong nag iisip isip may narinig akong ingay kaya napadilat ako at napalapit sa laptop na nakapatong sa lamesa at tinignan si Clyde na naiiyak
"Kuya" di ko na talaga mapigilang umiyak miss na miss ko na si kuya Josh, simula nung namatay sila mama at papa at umalis sya papuntang America di kami nagka usap dahil kay Lian lang sya tumatawag at wala din akong lakas ng loob na makausap sya dahil sobrang guilty ako noon
"Kuya miss na miss na kita kuya sorry kuya sorry kuya" paulit ulit kong sinasabi sa kanya gusto ko na syang yakapin
"My princess miss na din kita don't say sorry, everything will be alright" umiyak din si kuya at nagkwentuhan kami hanggang sa kaylangan na nyang mag log out sa video call
Sa sobrang saya ko dahil nakausap ko si kuya Josh nayakap ko si Clyde "salamat, sobrang salamat Clyde napasaya mo ko ng sobra sobra akala ko galit sakin si kuya Josh akala ko wala na syang pakealam sakin dahil sa nangyari noon, salamat" inilayo nya ko sa pagkaka-yakap ko sa kanya
"alam ko na ang nangyari noon, nakwento sakin ni kuya Josh, actually hindi talaga ako natulog kasi magka usap kami kagabi at nakwento nya sakin ang nangyari noon at nung una nagalit sya kasi tayong dalawa lang sa bahay nyo at wala si Lian pero naging ok na din kami" niyakap ko ulit sya at nag thank you.
Nag stay pa kami sa mini garden at nagkwentuhan at sa sobrang kalokohan nya tawa ako ng tawa at sa sobrang pagod naisandal ko ang ulo sa balikat ni Clyde
"salamat talaga, napasaya mo ko ngayon ng sobra sobra" hinagod nya ang buhok ko
"Masaya ako na napasaya kita" at bigla nyang hinalikan ang ulo ko kaya nagulat ako
"Kaya pala ayaw mo akong makausap dahil may iba ka na?, sya na ba ang pinalit mo sakin" nagulat ako sa biglang dumating, si Alex, pano nya to nalaman
"anong ginagawa mo dito, Alex" kainis ok na sana kaso sinira nya ang moment namin dito ni Clyde
"Gusto kitang makausap, may masama ba dun?" tsk ang yabang nya!!
"Ayaw kitang makausap, tara na Clyde" naglakad ako at hawak ang kamay ni Clyde pero hinatak nya ang braso ko
"I said gusto kitang makausap!!" sigaw nya pero nakatingin sya ng masama kay Clyde
"Pare bitawan mo na si Maddy" sabi ni Clyde at susuntukin sana sya ni Alex pero sinipa ko si sa-parteng-masakit si Alex kaya napaluhod sya
"Ayaw kong makausap ka Alex tandaan mo yan kaya sana tigilan mo ako, at wag na wag mong sasaktan si Clyde dahil hindi lang yan ang makukuha mo sakin" iniwan na namin si Alex, bahala sya sa buhay nya.
Mabilis ang mga nangyari, after nung encounter namin hindi na ko kinulit ni Alex at bumalik na sya sa Korea dahil 1 month vacation nya lang yun pero malapit na ang graduation nila at babalik din sya ulit dito sa pinas sabi sakin ni Lian kung kelan? wala akong pakealam. At ngayon ay school fest na namin at ayaw kong pumunta dahil tinatamad ako
"Maddy please sumama ka na dali na" pangungulit ni Anika sakin dahil ngayong school fest nya lang daw ako makaksama at eto na din ang last dahil graduating na kami, wala na din akong nagawa dahil tinulungan na sya ni Lian sa pangungulit at naririndi na ako >."Oh! Ayan na si Clyde!! at may kasama sya??" sabi ni Anika sabay tingin sakin
"ano??" ngumiti lang si Anika at umiling
"Hi guys! sorry late kami, this is Skylla, my girlfriend" nagulat silang lahat except sakin
"may girlfriend ka pala" sabi ni Anika at lahat sila nagpakilala,ang girls nakipag beso at ang boys nakipag shake hands at nakatingin sila sakin dahil ako lang ang hindi nakilos
"What?!!, fine!!" nag bow ako sa harap ni Skylla "hi I'm Madison, nice to meet you" yun lang at binigyan nila ako ng awkward look, anong ini-expect nila makipag beso din ako??!
"Ei Ei Ei yo! Hahaha nakuuu Skylla masanay ka na kay Maddy ganyan talaga yan sa mga bagong nakikilala, right Clyde??" sabi ni Lian para maalis yung awkward moment
"Oo babe ganyan talaga si Maddy masanay ka na" at nag simula na kami mag gala sa buong campus hanggang sa napagod kami kaya nag punta muna kami sa coffee shop na gawa ng course namin, ayaw naming sumali dahil mas gusto nila mag gala at ako walang pakealam, sa tabi ko umupo si Clyde at sa kabilang gilid nya si Skylla at katabi ko din si Lian, nasa round table kasi kami
"bakit sobrang tahimik mo na naman!!" sabi ni Clyde sabay akbay sakin kaya siniko ko ang tiyan nya kaya napa-tanggal sya sa pagkaka-akbay
"mahiya ka nga! andyan ang girlfriend mo!! at wala ako sa mood Clyde tigilan mo ko!!" natawa silang lahat dahil sa ginawa ko
"wag ka mag alala Maddy sanay ako sa kalandian ng lalaking to, hindi ako magagalit" tumango lang ako sa kanya at ngumiti
"Babe naman hindi ako malandi ah" pa-sweet na sabi ni Clyde
dumating na ang order namin kaya nag simula na kaming kumain, strawberry bubble tea and matcha cake ang inorder ko at sobrang sarap!!
"OMO!! Heaven" *u*
"sobrang sarap" *3*
"This is so great" ^_____^
"I love it" *∆*
Sa sobrang sarap ng order ko at masyado akong nainlove napa-pikit ako pero pag-dilat ko nakatingin sila sakin at sabay sabay na tumawa
"Ang cute mo Maddy!!" sabi ni Skylla na halatang tuwang tuwa sakin
"whatever" napairap ako kaya mas tumawa sila
"Shut up!!" Lumapit sakin si Skylla at niyakap ako galing sa likod ko
"You're so cute Maddy!! I want to be your friend! no doubt kaya naging kaibigan ka ni Clyde, marunong sya pumili ng kaibigan at magaling ang judgement nya kaya sobrang masaya ako kasi na-meet kita bago ako umalis ng bansa" nilingon ko sya sa gulat ko
"aalis ka?" tumango nya at ngumiti
"May sakit ako sa puso at mag papa-opera ako, don't worry malaki ang chance na gumaling ako kaya sana pag balik ko maging kaibigan ko kayo" niyakap ko sya, pano sya nakakangiti kahit na ganun yung sitwasyon nya??
"Magiging friend mo kami pag balik mo, kaya bumalik ka" sabi ko at nginitian din sya
"ehem!! Selos ako!! Charot!! Hahahah group hug!!" sabi ni Lian at nag group hug kami kahit na pinag-titinginan kami, we don't care!!.
Nahatid na namin si Skylla sa airport, oo sumama kami kasi kahit one day lang naging close kaagad sya sa barkada dahil mabait sya at positive ang point of view sa buhay kahit na may chance na hindi mag tagumpay ang operation nya. Dahil sa kanya nag decide ako na finally i-let go na ang past sisimulan kong maging positive sa buhay at kasama ko si Clyde ngayon na dapat si Lian kaso may bonding date sila ni tita kaya si Clyde ang nag volunteer na sumama sakin tutal wala namang pasok, andito kami sa memorial park at dadalawin sila mama at papa
"Hi ma! Hi papa" bati ako at inilagay ang bulaklak sa gilid nila at nag sindi ng kandila
"Ma! Pa! si Clyde po kaibigan ko" umupo si Clyde sa may bermuda grass
"Hi po tito, tita" ngumiti sya at tumingin sakin
"Mama, Papa sorry po after 4years ngayon lang ako dumalaw, ngayon lang ako nag kalakas ng loob para bisitahin ko kayo, sorry po kasi wala akong nagawa noong mga panahong nag hihirap kayo, sorry po kasi inuna ko pang ayusin yung problema namin ni Alex kesa sa ipagdasal na gumaling kayo, sorry po kasi wala ako sa mga huling sandali nyo, sorry po, sorry" iyak ako ng iyak kaya niyakap ako ni Clyde
"wala kang kasalanan Maddy, hindi mo ginusto ang lahat" pero patuloy ako sa pag iyak ko
"Napaka walang kwenta kong anak kaya patawad po, patawad din po dahil sinusubukan ko magkaka matay" nagulat si Clyde at inilayo ako sa kanya
"NAGAWA MO YUN??!!" sigaw nya sakin kaya tumango ako
"UMABOT KA SA PUNTONG YUN?! WAG MO NA UULITIN YUN KUNDI MALALAGOT KA SAKIN MADISON" iyak lang ako ng iyak at tumango sa kanya
After namin pumunta sa sementeryo pumunta kami sa seaside habang nakain ng ice cream kaya gumaan ah pakiramdam ko
"Ok ka na ba?" tanong ni Clyde
"Medyo, masarap sa feeling ang nakapag let go" nakangiti ako kasi start na ng sunset
"Diba! Kung hindi pa ko dumating sa buhay mo, kelan mo kaya plano mag let go??" natawa ako sa sinabi nya
"Oy FYI hindi ikaw ang reason!, si Skylla!! kasi kahit ang hirap ng situation nya nagagawa nyang tignan na positive ang buhay at ngumiti" pag tingin ko sa kanya malungkot sya
"Clyde wag ka malungkot babalik sya" ngumiti sya pero halata ang lungkot sa mata nya
"Break na kami" nagulat ako sa sinabi nya "ayaw nya daw na matali ako sa kanya lalo na at walang assurance na babalik sya pero nag agree ako dahil yun ang gusto nya" ngumiti sya at tinignan na ang mas papalubog na araw
"Magiging ok din ang lahat, ahm Clyde" tumingin ulit sya sakin at iniintay ng sasabihin ko
"inaantok ako" ni-tap nya ang balikat nya at isinandal ko dun ang ulo ko habang tinitignan na lamunin ng dilim ang paligid at nakatulog na ako.
Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko, naka unan na pala ako sa hita nya. Bumaba na kami sa wall ng seaside at sumakay na kami sa motor nya hindi kami nag usap sa byahe dahil alam nyang walang sense na kausapin ako xD pero nung malapit na kami yumakap ako sa kanya, alam kong nagulat sya pero di sya nag salita
"salamat Clyde, maraming salamat" hinawakan nya lang ang kamay ko at tinapik tapik,
nang makarating na kami niyaya ko sya para mag dinner pero uuwi na daw sya dahil maaga naka-uwi yung mommy nya at nag luto ng dinner kaya ako naman ang niyaya nya kung gusto ko ba daw na sa kanila nalang mag dinner kaso dumating na din Lian kaya sinabi ko na next time nalang.
"Ok ka na ba??" tanong sakin ni Lian habang nakain kami
"Medyo, gumaan yung feeling ko"
"Mabuti naman, eh si Alex?" tinignan ko sya at ngumiti
"Unti unti lang Lian, dahan dahan, soon magagawa ko din yun" at nag patuloy na kami kumain.