Monique Kinabukasan ay sabay-sabay kaming bumaba sa hapag. Ang saya ni Aldrin nang magising kanina na nasa kaniyang tabi ang Daddy niya. Nakompleto ang pagkatao ng anak ko ngayong may matatawag na siyang Mommy at Daddy. Ang magkakatabi kami sa iisang kama ay isa sa bagay na pinangarap ko noon. He has his father and me while he is growing. Pero okay lang naman hindi pa huli ang lahat. Ngayong nandito na si Andrei sa amin ay hinding-hindi na siya makakawala. Itatali ko na siya sa akin sa ayaw at sa gusto niya. Wala ng aalis. Hindi na maghihiwalay at magsisimula kami ulit. Bubuo kami ng sarili naming pamilya at magdagdag ng anak. Napapangiti ako sa tuwing nasusulyapan ang mag-ama ko na panay ang laro nila. Palaging pinaglalaruan ni Aldrin ang tainga at ilong ng daddy niya. Si Andrei n

