Chapter 13

1469 Words
Monique Kanina pa niya ako pinaglalaruan. Titigan ako mula ulo hanggang paa at sasabihin sa akin na dumagdag ako ng timbang. Binatukan ko siya sa kan'yang balikat at pinaulanan ng irap. But he just barked a laughter. Napailing ako, ngunit sa huli ay napangiti ako sa mga kalukuhan niya. Kaya rin pa lang magbiro ng damuhong 'to? Impressive naman! Siya ang tipong hindi marunong ngumiti. Pero ngayong araw ay kakaiba siya ng kinikilos. In these past days, gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. Tulad ng tinanggap ko na lang na nandito na ako. Pakiramdam ko ay tinatanggap ko na ang mga flaws niya. Alam ko sa sarili ko na hindi naman talaga siya masamang tao. May rason siya kung bakit niya ako kinuha. Lahat tayo ay may dahilan kung bakit tayo gumagawa ng masama? Pero isa lang ang alam ko. Kahit gaano pa kasama ang isang tao ay wala tayong karapatan na husgahan siya o ipanalangin sa kanyang kapahamakan. We are just a human. A servant of god. Lahat ay may karapatan. Puwede pa magbago dahil habang may buhay ay may pag-asa. Sana ganoon si Andrei. Sana maisip niyang magbago bago maging huli ang lahat. "I'm serious baby naging round na nga ang pisngi mo oh." Nakangisi niyang baling sa akin at sinipat ulit ang aking mukha. Napahawak ako sa pisngi. Muli ko siyang inirapan. Nasa dulo na kami ng hagdan para pumunta sa dinning area. Sa lawak ng palasyo niya ay hindi mo alam kung saan pupunta lalo na kapag baguhan ka rito. Binatukan ko siya at piningot ang ilong. "Sabing hindi eh! Tigilan mo nga ako!" napipikon na ako sa kanya dahil paggising pa lang namin kanina ay inaasar na niya ako. Tumawa siya at dinampian ng halik ang mga kamay ko. Sa simpling halik lang sa mga kamay ko ay napawi niya agad ang inis kong nararamdaman. He's like a sweet potato. Huh! Sweet potatoes? Biglang nag-init ang mukha ko sa tinawag ko sa kanya. "Okay. Okay. Hindi na kita aasarin, " ani niya. Tinigilan niya ako ngunit may mumunting ngisi pa rin sa mga labi niya. Muli ko siyang inirapan at pinanliitan ng mga mata. He chuckled but I ignored him. Papasok na kami sa kusina nang biglang sumulpot si Arthur na tila hingal na hingal. Daig pa niya ang hinabol ng mabangis na tigre. Kunot ang noong napatingin sa kanya si Andrei at ganoon rin ako. "What is wrong, Arthur?" tanong niya kay Arthur. Napalunok si Arthur. Tumingin sa akin bago sinagot ang amo. "Boss, malaking problema." natatarantang sagot ni Arthur sa kaniya. Nakaramdam ako ng kaba? May kalaban ba sa labas? Hindi pa nakakapagsalita ulit si Andrei nang sumulpot naman si Ronald. But this time he's not alone. He is with someone. . .someone that I knew. Nabitawan ko ang kamay ni Andrei na nakahawak sa akin at walang pasabing lumapit ako sa nakita. Namamanhid ang katawan ko at tila ako hihimatayin. "Papa..." Nangilid ang luha ko sa mga mata. I run toward my dad with my eyes full of tears. I can't stop crying when I see my dad. Umiiyak akong niyakap siya ng mahigpit. I'm safe, ito lang ang alam ko. I feel home with my dad's hug. Nilubog ko ang mukha sa dibdib niya at pinakawalan ang hikbi. "Papa.." Para akong batang umiiyak dahil naagawan ng laruan. Nakalimutan ko ang lahat. Natauhan lang ako nang haplusin ng papa ko ang buhok ko at pinatakan ng halik. "Okay ka lang ba anak ko, ha?" Sa tuno pa lang ng kaniyang pananalita ay labis na ang pag-aalala. Tumango-tango ako habang yakap-yakap pa siya ng mahigpit. Hindi ko magawang bumitaw. Nakalimutan ko si Andrei na nasa aming likuran. Saglit niya akong binitiwan at siyang kinagulat ko ay mabilis niyang nilapitan si Andrei. "Tarantado ka!" sigaw ng papa ko at biglang dumapo ang kamao niya sa mukha ni Andrei. Mahina akong tumili sabay takip ng bibig. Bumagsak si Andrei sa sahig, sapo ang duguang labi at ilong. Napatakip ako ulit ng bibig at lumingon sa ibang kasamahan namin para humingi ng tulong na pigilan ang papa ko. At ngayon ko lang napansin na maraming Pulis ang nakasunod. Nakita ko rin si Paul. Mabilis niya akong nilapitan at sinugod ng yakap. "Are you okay. Monique?" Pakiramdam ko ay hindi ko maintindihan ang tanong ni Paul sa akin dahil ang mga mata ko ay napako kay Andrei. Napatili ako ulit nang kuwilyuhan siya ni papa at pilit na pinapatayo. Kumawala ako sa yakap ni Paul para lapitan sila at pigilan si Papa. "Papa!" tawag ko. Pero humigpit ang kamay ni Paul sa pagkakahawak sa aking braso. Tiningnan ko sina Ronald at Arthur na inaawat ang Papa ko pero wala silang magawa. And Andrei's let my father punch him to death. Sinapak siya ulit ng Papa ko, ngayon ay tumama sa kilay niya at bigla iyon pumutok. Muli akong tumili at nagpumiglas sa pagkakahawak sa akin ni Paul. Halos hindi ko na makilala ang mukha ni Andrei dahil puro bahid ng dugo. I cried. "Papa, tama na po. . . pakiusap..." Muli siyang inudyukan ng suntok ni Papa. "Para yan sa pagkidnap mo sa anak ko binata! Sinisiguro kong mabubulok ka sa kulungan kahit gamitin mo pa ang yaman mo, Gago! Mali ang kinalaban mo sa mundonh ito!" Nanggigigil na duro ng Papa ko kay Andrei. Inawat siya ng mga Pulis. "Sir, tama na ho?" Isang Pinoy Pulis ang nagsalita. Nagsalita din ang isa pang Spanish Police man na sa tingin ko ay pinipigilan ang papa ko. "Gago! Malas mo lang at isang Ibarra Alessandro ang binangga mo binata!" Dagdag pa ni Papa. Muli nilang inawat si Papa. Dinaluhan nila si Andrei sa sahig na nawawalan ng lakas. "Sir calm down," pigil pa noong isa. Dinaluhan rin nina Arthur at Ronald si Andrei. Pilit na tinatayo dahil sa sobrang pagkahapo ng katawan mula sa sinapit niya sa mga kamao ni Papa. Nang madako ang mga mata ko kay Andrei ay parang nabiyak ang puso ko. Sobra sobra ang awang nararamdaman ko ngayon para sa kanya. Putok ang mga labi na may mga bahid pang dugo. Putok rin ang kaliwang kilay nito na tila dumudugo pa. Nahagilap din ng mga mata ko si Auntie Luisa na tahimik na umiiyak sa may hamba ng pintuan, habang hawak hawak siya ni Greg sa kanyang magkabilang braso na para bang pinapakalma sa sinapit ng alaga nila. Nang binalik ko kay Andrei ang tingin ay pagod na ang mukhang nakatitig ito sa akin. Hindi ko malaman ang gagawin. My mind stopped! I saw his eyes begging, feeling sorrya and I never meant to put him through pain. I was wrong because I am to desperate to go back home. And he was wrong for not letting me go. I hated the fact that he was hurt because of me. It’s feel like it’s killing me. Wala na akong masabi pa. I cried in silent while staring at him. Naglakas loob na lumapit si Greg sa Papa ko. "Sir, baka puwedeng pag-usapan naman natin ito?" I know he was scared at my father, pero gusto niya rin protektahan ang alaga niya. My dad stumped his foot soundly. Napahilamos pa ng mukha at dinuro si Greg "Anong pag-usapan? Sasampahan ko pa rin ng kaso ang gagong iyan sa pagkidnap sa anak ko! Hindi mo ba alam na Abogado ang anak ko? Abogado ang kinidnap niya!?" sigaw pa ng papa ko ka siyang kinatahimik ni Greg. "It's okay Greg." finally I heard him speak. Tumulo ulit ang luha ko habang nakatitig ako sa kanya. "Pero, sen---" Hindi natapos ni Greg ang sasabihin nang itaas ni Andrei ang mga kamay para pigilan ang secretary. "I need to pay for my sin." Tumingin siya sa akin. Naramdaman kong malakas na bumuntonghininga si Paul sa aking likuran. "Go to hell f*****g asshole!" Malakas na sabi ni Paul kay Andrei. Napasinghap ako at gulat akong napalingon sa kanya na hanggang ngayon ay hawak pa niya ang mga braso ko. "Paul!" Nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa kanya. Umigting ang mga panga ni Paul at binaba ang tingin sa akin. "He deserve that, Monique! He's a f*****g ambitious asshole who ruins everything!" "Stop it!" I plead to him to stop throwing harsh words. Nang binalik ko ulit ang tingin kay Andrei ay nanlilinsik ang mga matang nakatingin kay Paul. Umiigting rin ang panga niya na sa tingin ko ay nagpipigil din ito. Nilagyan nila ng posas ang dalawang kamay niya at hinawakan ng dalawang Pulis ang magkabila niyang braso. I feel sorry for him. Dinaanan niya ako nang tingin nang hilain na siya palabas. And all I could do is to stared at him while he walk away from me. Ps: Hello po. Baka gusto ninyong basahin ang story nina Paul at Dolce, ang nakakabatang kapatid ni Andrei. Hehehe!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD