After dinner nagkahiwala hiwalay na kami habang si Hailey ay sumama sa fiance' nito at ako naman ay sumama kay boss G at nag presinta itong ihatid na ako sa bahay. Sa loob ng kotse tahimik kaming dalawa hanggang sa binasag nito ang katahimikan niya. "Hindi ko alam na pilya ka pala?" tanong niya. "Huh! Pinagsasabi mo dyan?" patay malisya kong tanong. "Limot muna ba? O gusto mong ipa alala ko sayo." aniya. Nagulat na lang ako ng pagapangin nito ang kamay sa hita ko kaya nakiliti ako at napahagikhik. "Tama na! Hahahaha! Oo, naaalala ko na, nakakainis kasi 'yong Kuliglig na 'yon ay este Coleen. Kong makalandi sayo lantaran." "Oh! So, I knew it. Nagseselos ka?" panunukso nito sa akin. Syempre kailangan kong depensahan ang sarili ko kaya naman nagpatay malisya ako at sabay sabi dito na;

