Nagulat si Bella ng magising at imulat ang mga mata, hindi siya pwedeng magkamali nasa ospital siya. Pero, bakit siya nandito. Mga tanong na gumugulo sa isipan niya. Nasagot ito ng pumasok sa pintuan si Nicholo. Nakita niyang namumugto ang mga mata nito parang galing lang sa pagkaka iyak. "B...Bakit, may problema ka ba? Bakit tila umiyak ka?" tanong ni Bella ngunit hindi pa din naimik si Nicholo hanggang sa pumasok ang lalakimg kinaiinisan at ayaw niyang makita ang asawa niyang si George. "Oh, bakit nandito ka pa. Bakit hindi ka na lang bumalik sa kabit mo. Na istorbo ko pa yata kayo." pang uuyam ni Bella sa asawa. Nakayuko lang ito at 'di rin naimik at lahat ng sinasabi niya ay pinapakinggan lamang nito. "Bella, hwag ka munang magalit. Makakasama sa kalagayan mo yan. Ang mabuti pa ay

