Nakatawag ng masamang balita si Geron at kailangan na nilang bumalik ng Manila. "Bella, iuuwi ko na kayo ni Geli. May kailangan lang akong ayusin ha." ani niya ng minsang nag hahapunan sila. "Okay.." tipid na sagot ni Bella. Naging civil parin naman sila after ng may maganap sa kanilang dalawa. Ayaw naman kasi ni Bella na umasa pa gayong alam niya na man sa una pa lang ay talo na siya agad. Anong laban niya sa fiance' nito. "Sige na mag ayos na kayo at isasabay ko na kayo pag balik ko ng Manila." dagdag pa nito. "Papa, hindi ka sasama sa amin ni Mama??" tanong ni Geli. Papa na ang tawag ng bata sa kan'ya kahit hindi pa naman nito alam na mag-ama silang dalawa. Ayaw pa kasing pasabi ni Geron sa bata at natatakot siya na baka magalit ito sa pag-iwan niya noong bata pa lamang ito. Mas

