GERON Hindi ko akalain na itatapon ng babaeng 'yon ang ipinadala kong bulaklak. Wala pang babae na tumatanggi sa akin at siya pa lang. Hindi niya yata ako kilala. Hindi niya alam ang mga kakayahan ko. At wala pang bumabastos na babae sa akin. Hindi ko hahayaan na ganyanin niya ako. Sa galit at inis na nararamdaman ko hindi ko namalayan na halos masira ko na ang pen na hawak ko. Ayoko sanang magalit sa babaeng 'yon kaso sinasagad niya lalo ang pasensya ko. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko na nakalagay sa table at nag dial ng number ng tauhan ko. "Hello, gusto kong dalhin niyo sa akin ang Bella Crisostomo na 'yon. Maliwanag ba?" tanong niya sa tauhan niya kong naintindihan ba nito ang utos niya. "Areglado boss. Sa dating resort pa rin ba?" tanong nito. "Bobo, malamang. Siguraduh

