Kanina pa pabalik balik ng tingin si Geron sa mga taong nalabas sa resort. Umaga na kasi at hindi pa niya nakikita ang mag-ina. Alas singko na nga siya gumising para mag jogging at halos malibot na nga niya ang lugar kaso hindi man lang niya nakita ang mag-ina. Medyo nag alala tuloy siya kaya naman naka isip siyang padalhan ng pagkain at bulaklak ang mga ito sa room nila. Pero initial niya lang na GH ang pinalagay niya. Nagulat si Bella ng may kumatok sa pintuan ng room nila. Medyo, tinanghali na kasi siya ng gising. Bumangong siya para tingnan kong sino ang nasa labas. Pag silip niya sa butas ng pintuan staff pala ng resort ito at may pina paabot sa kaniya. "Kuya, wala po akong pina deliver." tanggi ni Bella kasi 'yon naman talaga ang totoo. "Ayy! Ma'am Bella po ba ang name niyo?" ta

