Natakot akong iwan mo ko at 'di na bumalik pa. Ayokong maputol kung ano man ang meron tayo. Dahil kahit ganyan ka, masaya kong kausap ka. Pinapalampas ko lang at pinagsasantabi lahat ng kalibugan mo sa katawan. Hindi ko na lang pinapansin pag may sinasabi kang hindi maganda at ramdam kong nalilibugan ka nanaman. Kilala na kita kuya. Umasa ka na baka sakaling magbago ka. Baka sakaling tumino at magbago ka. Umasa ko na magbabago pa ang pananalita at pag-uugali mo. Pero nagkamali ako.
Hindi mo ko tinakot pero kusa akong natakot nang sabihin mo sakin na itigil na natin kung anong meron tayo at 'wag ng mag-usap pang muli. Walang tayo, pero ano nga ba talagang meron tayo? Lalaki ka na nalilibugan sa dibdib ko at babae akong marupok na nahuhulog na sa'yo.
"Sige."
Apat na letrang nagpabago sa kung ano man ang meron sa ating dalawa. Natakot akong layuan mo ko kaya nagawa kong kalimutan ang p********e ko at pumayag sa tawag ng laman mo.
Kuya
Kuya
Kuya
Matapos ng gabing iyon ay nagbago ang lahat sa ating dalawa. Isang gabing puno ng kasalanan. Malakas ang hangin at buhos ng ulan sa labas ngunit ramdam ko ang namumuong init sa loob ng iyong kwarto. Kitang kita sa iyong mga mata ang pagkahayok mo ng makita mong hubad at lantad sa harap mo ang dalawang bundok na matagal mo ng pinapangarap masilayan. Para kang panadero na nagmamasa ng harina. Matapos masahin ay kinain mo ito na tila isang batang gutom na gutom sa gatas ng ina.
Naglakbay ang mga kamay mo sa buong katawan ko habang sinasakop ng labi mo ang labi ko. Nakakabaliw. Nakakawala ng sarili at maging oras ay hindi ko na namalayan. Ngunit ng umabot ang mga kamay mo sa gitna ng aking hita ay nagising mula sa masarap ay mainit na panaginip. Tinulak kita ng marahan at nagbihis.
"Sorry, kuya"
Mali ito. Maling mali na ginawa natin iyon. Hindi tayo magkasintahan at lalong hindi tayo mag-asawa. Pero matapos nun ay mas nagkalapit tayo. Mga usapan natin sa telepono ay nag-iba na ang nilalaman. Simpleng pagkakaibigan ay hindi na matatawag na simple. At maging gabi gabi ay naalala ko ang eksena ng mainit na gabing ating pinagsaluhan kahit na pinipilit ko itong kalimutan.
--
Kuya,
Kumusta? Naaalala mo pa kaya ako? Ako lang naman yung babaeng sobrang nabaliw sa'yo at sa sobrang kabaliwan ay pumayag maghubad sa harapan mo kahit hindi tayo magkasintahan. Paminsan minsan ay sumasagi sa isip ko ang mga gabing magkasama tayo na kalimutan ang kasalukayan at magpalunod sa sarili nating mundo.
Gabi gabi akong nakatingala sa langit at nangangarap na sana nakatingin ka din sa kalangitan. Iisa ang buwan na ating nakikita kahit magkalayo na tayo. Malayo sa isa't isa at hindi tiyak kung muling magkakatagpo pa ang ating mga landas.
Nawa kuya sa muli nating pagkikita, kung pagtagpuin man tayo muli ng tadhana. Maalala mo ako at masilayan kong muli ang ngiti sa labi mo. Kahit na magkaron man tayo ng magkaibang mundo kasama ang magkaibang tao, wag mo sanang makakalimutan na merong ako sa luma nating kwento.
Nagmamahal,
Anna