Lauren Point of View "Lauren gising, andito na tayo." Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. "Buti naman gising kana, tara na. Nasa loob na silang lahat." Nag-inat-inat muna ko bago ko kinuha sa gilid yung gym bag ko. "Besh bilisan mo!" "Ito na, atat lang Iris?" Biro ko at lumapit na sa kanya. Bumaba na kami sa bus at pumunta na sa dugout, nakasabay pa namin yung kalaban naming team. "Mukhang magagaling yung bago nilang recruit noh." Sabi ni Iris. "Mas magaling ako sa kanila." Sabi ko. "Tsk! Ang hangin." Sabi nya. Pag-dating namin sa dugout, nagwa-warm up na sila. Nilapag ko sa gilid yung gym bag ko at ganun din ang ginawa ni Iris. Nag-warm up narin kami ni Iris. "Stretch mo pa, Lauren." Utos ni Coach Lei kaya lalo kong hinatak yung paa ni Iris. "Ughhh!!" Daing ni Iris. Dahan-da

