Lauren Point of View Matapos namin kumain nila ate Bianca, Drake at Iris. Hinatid na kami ni Drake sa bahay. "Salamat Drake." Sabi ko. "You're welcome." Sabi nito. "Mag-iingat kayo." Sabi ni ate Bianca. Tumango lang si Drake at pinaandar na ang kotse. Sabay kaming pumasok ni ate Bianca, nadatnan namin sila Mom and Dad na nagkwe-kwentuhan. "Hi mom, hi dad." Bati ko at humalik sa pisngi nila. Bumati rin si ate at hinalikan rin sila sa pisngi, umupo ako sa solo sofa. "Bat napabisita ka hija?" "Wala naman po. Gusto ko lang kayo makita." Sagot ko. "Ah okay. Bat hindi mo sinama si Kai?" Tanong ni Dad. "Busy po sya." Sagot ko. "Ahh . . Sabihin mo kapag free sya puntahan nya ko." Sabi ni Dad. Tumango lang ako at tumingin sa TV. Biglang tumayo si ate Bianca kaya napatingin ako sa kanya

