Kai Point of View After minutes of driving nakarating nadin ako at nakita ko agad si Manang sa main door. "Hija bat ngayon ka lang?" "Sorry manang, ang dami ko kasing trabaho eh." Pagdadahilan ko. "Akala ko may nangyari sayong masama." Sabi nya. "Sorry po kung hindi ako nakatawag. Nawala po kasi sa isip ko." Sabi ko. "Oh sya cge, pumasok kana at nandyan na ang asawa mo. Nandun sya sa kwarto nyo." Sabi nito. "Cge po manang akyat na ko. Pahinga narin kayo." Sabi ko at pumasok na sa loob. Dumeretso ako sa kwarto. Pagpasok ko bumungad agad sakin si Lauren at natutulog ito habang nakanganga. Natawa tuloy ako dahil sa itsura nya, hindi ko alam pero parang may tumutulak sakin na picturan si Lauren. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at pinicturan si Lauren. Siguro mga naka-ten shots din ako.

