Lauren Point of View Nandito kami ngayon ni Marck sa mall, kanina pa kami palibot-libot. Pagod na nga ako eh, pero okay lang kasi kasama ko naman si baby Marck. "Babe pagod kana ba?" Tanong nito. "Actually babe kanina pa." Sagot ko. "Haluh, sorry babe. Halika upo muna tayo." Umupo kami sa isang bench. "Gutom kana ba babe?" Tanong nito. "Opo." Sagot ko. "Bibili lang ako ah, dito ka lang." Sabi nito at umalis na. Habang wala si Marck, nagpalinga-linga ako. Naagaw ng dalawang babae ang atensyon ko. Naka-hilig yung ulo nung isang babae sa balikat nung isa pang babae, at magka-holding hands pala sila. Kung hindi ako nagkakamali, si Kai yun at si Ginger. Napatingin sakin si Kai kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. "Babe ito na oh." Napapitlag ako ng sumulpot sa harap ko si Marck at m

