Kai Point of View Buong byahe ko ay hindi ako nakatulog, iniisip ko parin si Lauren. Ano kayang ginagawa nya? Ayos lang kaya sya? Tumingin ako sa orasan ko at ten thirty na pala. Tulog na kaya sya? "Ma'am sakay na po kayo." Sumakay ako sa backseat at sumakay narin yung bodyguard ko sa driver seat at pinaandar na yung kotse. Mabilis kaming nakarating sa mansion, gabi narin kasi kaya wala ng traffic. Naunang pumasok yung bodyguard ko habang dala-dala yung maleta at isa kong bag. Pumasok ako at halos patay lahat ng ilaw, pero yung sa Sala at Kitchen ay bukas ang ilaw. Dumeretso ako sa taas at dahan-dahan kong pinihit ang door knob. Nakita ko agad si Lauren na nagbabasa ng libro, patuloy parin sya sa pagbabasa habang ako ay nakatingin lang sakanya. Hindi nya ata nararamdaman na may tao

