Lauren Point of View Nandito kami ngayon ni Marck sa tabing dagat, dumating sila ni Drake bandang ten thirty na. Speaking of drake, kasama nya ngayon si Iris. Nasa cottage silang dalawa, for sure nag-aaway na naman yung dalawa. "Kagabi pa pala kayo andito, bat hindi mo man lang sinabi sakin?" Napakamot naman ako sa batok ko. "Nakalimutan ko kasi." "Nakalimutan o sinadyang hindi sabihin?" "Nakalimutan ko nga, nawala kasi sa isip ko kagabi." "Sure?" "Yup." "Halika nga rito." Hinila ako nito papalapit sa kanya at niyakap. Naka-back hug sya. Tahimik lang kami habang tinitignan ang alon ng dagat. Walang taong iba kundi kami lang at yung mga nagta-trabaho rito sa resort. Pinasara kasi ni Iris kagabi, sabi ko nga wag na pero special daw kaya dapat walang taong iba kundi kami-kami lang.

