ERINA’S POV
Tumawag si Mommy habang pauwi na kami ng bahay ni Lola Feliza. Ewan ko kung bakit parang napakasaya ko sa mga oras na iyon. Excited kong pinindot ang green button. “Hello, Mommy!” masayang bati ko.
“Hi, anak. Kumusta ka diyan? Ano’ng oras kayo nakarating sa bahay ng Nanay ni Rosita?” mahabang sabi ni Mommy.
“Opo, Mommy. Kaninang umaga pa po,”sagot niya.
“How is it, my dear?”
“Maganda po ang bahay ni Lola Feliza, Mommy. Lalo na ang mga halaman at bulaklak na tanim niya.Sobrang presko rin po ng hangin,” masayang sagot niya.
“I’m so happy at nagustuhan mo diyan anak, send our regards to Lola Feliza. Maybe we can go home next week.”
“Really, My?!” Lalo siyang nakaramdam ng excitement. “I really can’t wait!”
“I’m so sorry, my dear. Ang dami na naming utang na oras sa iyo kaya babawi talaga kami sa aming pag-uwi.”
“It’s okay Mommy as long you and Dadddy is safe. Alam ko naman po na ginagawa ninyo ang lahat par rin po sa aking kinabukasan.”
“We’re so lucky to have a beautiful and smart girl like you, my dear.” Ramdam niya na mangiyak-ngiyak na ang kausap sa kabilang linya.
“And I’m so lucky to have you as my parents, Mom. Hindi ko man kayo madalas na nakakasama, alam ko at ramdam ko kung gaaano ninyo po ako kamahal.”
“Ikaw talagang bata ka, lagi mo na lang ako pinapaiyak.Mahal na mahal ka ng Daddy mo.” Naririnig niya ang pagsinghot-singhot nito.
“My princess,” tawag sa kanya ng Daddy niya. “Daddy love you so much.”
“Daddy, I love you more po!”
“Pinaiyak mo na naman ang Mommy mo,Princess.Kumusta ka na?” tanong ng Daddy niya. Naaalarma ito lagi kapag umiiyak ang Mommy niya. Katunayan ng labis na pagmamahal.
“I’m always fine,Daddy. Si Mommy talaga iyakin.”
“Sobrang miss ka lang nito.”Bigla itong nawala sa linya.
“Dad?”
“Princess, we gotta go. May urgent meeting kami ni Mommy. We’ll call you later.” Nararamdaman niya ang pagkataranta nito.
“Okay, Dad.”
“Bye!” Bago pa siya magsalita ay wala na ito sa linya. Talagang busy ang aking mga parents sa trabaho. Wala naman siyang reklamo tungkol doon. Para sa akin, hindi ito nagkulang ng kahit na anong bagay sa kanya. Nang mapagmasdan ay nag-iisa na lamang pala siya. Mabuti na lang at nakisama ang liwanag ng buwan. May kasama na siya sa paglalakad sa daan.
JAKE’S POV
HINDI KO MAKITA SI ERINA. Galing kami ng overlooking at pauwi na nang sagutin nito ang isang tawag.Narinig niyang tinawag nito ang salitang Mommy kaya naman parang lumuwag ang kanyang pakiramdam.
“Bakit?” tanong ni Myra nang mahuli akong nakatingin kay Erina.
“Ah wala,” sagot ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
“Uy,pasimpleng sumusulyap kay…” Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito.
“Huwag ka ng maingay, please. May kausap sa mobile phone si Erina eh. Baka makaistorbo tayo,” sabi ko. Tumango naman ito kaya tinanggal ko na ang kamay na nasa bibig ni Myra.
“Nag-alala ka no? Akala mo kung sino ang kausap niya,”may halong pang-aasar na sabi ni Myra.
“Ikaw talaga, kung anu-ano ang iniisip,”sagot ko matapos sulayapan muli si Erina. Mukhang masayang masaya ito na kausap ang magulang.
“Asus, huwag mo ng i-deny. Kitang-kita sa mga mata mo at sa expression ng mukha mo,”panunukso na sabi ulit ni Myra. “Crush mo na ba siya?”Hininaan nito ang boses nang sabihin iyon.
“Ang dami mong tanong. Mamaya niyan, kung ano ang isipin ni Erina.”
“Safe naman sa akin ang secret mo eh.”
“Wala naman akong secret.”
“Kuu! Ayaw mo lang talaga sabihin kasi nahihiya ka lang,” malakas na sabi ni Myra. Mabilis kong nilingon si Erina na abala pa rin sa pakikipag-usap sa kanyang mga magulang. Baka kung ano ang isipin ng dalaga. Mabuti na lang ay nakatuon ang buong atensyon nito sa kausap sa mobile phone.
“Madalas bang hindi niya nakakasama ang parents niya?” tanong niya kay Myra.
“Uy, feeling concern!”
“Ikaw talaga, lahat na lang ng sinasabi ko binabara mo,”sagot kong napakamot sa ulo.
“Inaasar lang kita, hindi ka naman marunong mapikon,” nakangiting sabi ni Myra. “Laging nasa out of town si Maam Marian at Sir Andrew kaya kami lang ni Nana yang kasama ni Erina sa napakalaki nilang bahay.”
“Kaya pala.”
“Naiintindihan naman ni Erina ang mga magulang niya. Hindi rin iyan lumalabas ng bahay kung hindi lang papasok sa eskwela. Sobrang napakabait niyang anak no?”
“Halata naman eh.”
“Kaya sobrang maswerte ang magiging boyfriend niya.”
“Oo nga eh.”
“Eh di inamin mo rin,” nakakalokong sabi ni Myra.
“Oo na. Inaamin ko na.” Naihilamos ko ang mga kamay sa aking mukha.”Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang tulad niya?”
“Sabi ko na nga ba eh.”
“Nakakahiyang sabihin agad iyon lalo pa at bagong magkakilala pa lang kami.
“Huwag kang mag-alala, hindi ko naman sasabihin sa kanya eh.”
“Mabuti naman. Kinakabahan ako sa iyo eh. Sa muli niyang paglingon ay wala na sa likuran nila si Erina. Masusi niyang pinagmasdan ang paligid ngunit hindi niya ito mahagilap. “Myra, nasaan si Erina?” Wala na sa tabi niya ang kausap.
“Jake! Mauna na akong umuwi ah. May inuutos pa pala sa akin si Lola!” sigaw na sabi ni Myra. Nauna na pala itong naglakad sa kanya.
Tumakbo ako pabalik. Madilim na kaya kailangan niyang mahanap agad si Erina. Baka kung mapaano pa iyon. Marami pa naman mga loko-loko sa lugar na iyon lalo na kapag gabi. Isa lamang baguhan ang dalaga kung kaya’t hindi nito alamang posibilidad na maari itong gawan ng masama. Dahil sa isiping iyon ay lalo kong binilisan ang pagtakbo. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa pinaghalong takot at pag-aalala.
“Erina! Erina! Erina!” tawag ko. Kailangan ko siyang mahanap agad. Napuno ng matinding takot ang puso ko sa hindi maipalawanag na dahilan. Ang tanging naiintindihan ko lang ay hindi ito titigil sa malakas na pagkabog hangga’t hindi ko siya nakikita.
ERINA’S POV
“PAANO KAYA AKO MAKAKAUWI SA BAHAY NI LOLA FELIZA?” tanong ko sa sarili habang patuloy sa paglalakad. Akma kong tatawagan si Aling Rosita o si Myra nang maalalang wala pala itong mobile phone.Walang katao-tao sa paligid kaya hindi ako makapagtanong man lang. Napagpasyahan ko na lang na magpatuloy sa paglakad. Ipinapasalamat kong may liwanag na nagmumula sa mga poste. Kung wala ang mga iyon ay hindi ko makikita ang nilalakaran ko.
Napapalibutan ako ng malalaking puno. Matataas din ang mga d**o sa kaliwa at kanang bahagi ng kalsada.May tatlong direksyon ang pwede kong tahakin ngunit hindi ko talaga matandaan kung saan sila dumaan. Abala kasi siya pagmamasid sa kapaligiran.
“Erina! Erina! Erina!”Narinig kong tawag sa pangalan ko. Parang boses iyon ni Jake. Maaring hinahanap siya nito.
“Jake! Jake!Nandito ako!” sagot ko.
“Please stay where you are. I’ll coming to you,”malakas na sabi nito.
“Okay!” muli kong sagot.
Ilang sandali lang akong nakatayo sa kinaroroonan ko nang bigla itong lumitaw. Humahangos. Mukhang naubusan ng hininga sa pagtakbo na makalapit agad sa kanya.
“Are you okay?” tanong ko.
“O…okay lang ako.”Napaupo ito. “Saglit lang ha?” Napangiti ako. Kahit saang anggulo at kahit sa kinakapos nitong itsura ay gwapo pa rin itong maituturing. Wala akong naging malapit na kaibigang lalaki. Karamihan sa pinapasukan kong eskwelahan ay pawang mga acquaintances lamang. Nasanay na ako na nakatutok lang sa pag-aaral pagkatapos ay uuwi sa bahay. Kaya si Myra lang ang tanging nasasabihan o nakikwentuhan ko.
“I’m sorry kung napagod ka sa pagtakbo. Hindi ko kasi napansin na …”
“Nag-alala ako sa iyo. Akala ko na-kidnap ka na ng mga hoodlum dito,”nakangiting sabi nito. “Marami pa naman mga masasamang tao ngayon at hindi natin alam kung saan sila susulpot,”dagdag pa na sabi ng binata. Bigla siyang natawa.
“Bakit? May mali ba sa sinabi ko?”Puno ng pagtataka ang mukha nito.
Dahan-dahan kong tinanggal ang mga dahon at sapot sa ulo nito. Tila nakipaglaban ito sa daan. “Saan ka ba dumaan?”
“Sa shortcut. Para makapunta ako agad kung nasaan ka,” diretso nitong sagot.
Pinigilan ko ang muling mapangiti. Para kasing lumilipad ang puso ko sa sinabi ni Jake. “May sugat ka sa braso,” sabi ko.
“Wala lang ito. Kusa naman gagaling ito.”Nakita niyang napapikit ito matapos makita ang kaunting dugo sa sugat.
“Ganyan ba ang gusto maging doctor? Parang takot ka sa dugo eh.”
“Sinabi ko rin dati iyan sa sarili ko eh. Takot ako sa sarili kong dugo. Pero ang ending, gusto ko pa rin maging doctor,”nakangiting sabi nito.
“Nakakamangha ka naman.”Napansin ko ang pagkislap ng mga mata ng niya matapos kong sabihin iyon. “Gusto mong ma-overcome ang sarili mong kinatatakutan.”
“My Mom and Dad taught me that the greatest achievement in life is when you overcome all your fears.” Tinitigan siya nito. “Kaya nga kahit hindi ko na alam ang dinadaanan ko, I really don’t care. Ang mahalaga, mahanap na kita agad.”
“Thank you.” Napatungo ako. “Aabutin pa siguro ako ng umaga sa pag-uwi kung hindi ka dumating.
“Walang anuman. Kaibigan na kita at kailangan kitang tulungan.” Tumango-tango ako.
“Tayo na. Baka mag-alala pa sila sa atin,” sabi ko. Ayoko mapansin nito ang lungkot sa boses ko.
“Mabuti pa nga.” Tumayo na ito at itinuro sa akin ang tamang daan.
Ang lungkot na nararamdaman ko ay nawala rin agad. Panay kwento niya sa akin ng nakakatawang bagay. Ang bawat tingin niya sa akin ay tila hinahabol ng aking mga mata. Ang mga ngiti nito na sa pakiramdam ko ay isang panaginip. Paano ba naman kasi? May hipnotismo yata ang mahiwaga nitong ngiti. Nama-magnet ako.
“Alam mo ba na takot ako dati na maihian ng aso? Sabi kasi ng Mommy ko magiging aso raw ako, kaya ingat na ingat ako na maihian,” tawang-tawa na sabi ni Jake.
“Naniwala ka sa sinabi ng Mommy mo?”
“Three years old lang ako noon eh.”
“Ang kwento naman sa akin ng Mom ko, mahilig daw ako sa pagkain ng donut noong bata pa ako. Kapag hindi ako nakakakain sa isang araw, hindi raw ako tumitigil sa pag-iyak.”
“Grabe naman iyon!” pagkasabi ay bigla itong nadulas. Sabay pa silang humagalpak sa pagtawa.
“Nakakatawa ba talaga ang donut story ko at bigla kang nadulas diyan?” Hind pa rin sila tumitigila sa pagtawa.
“Hindi ko kinaya iyon ah!” Hindi ko mapigilan na mahawa sa tawa ni Jake. Isang musika ito sa aking pandinig. Sadyang totoo na masaya siya at nararamdaman ng puso ko na masaya rin ako.