Chapter 2
Teejay's POV
"Dame ko talaga tawa sa nabiktima ko ngayon." sabi ko habang wagas kung makatawa.
Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang tumatawa parin, nag f-flashback kasi sa isipan ko yung pagmumukha ng nabiktima ko kanina. Parang sinumpa yong mukha nya.
Akala ko pa naman maganda, kasi ang sexy nya pero saktong pagharap nya! Damn!
Hinabol nya ako, ngunit wala. Hindi nya ko naabutan, kawawa sya ngayon, mukha pa namang cheap na probinsyana.
"Magkano kaya ang laman ng wallet ng panget na yun." Binuksan ko na 'yong wallet nya.
Limang daan lang ang laman. Walang kwenta ang nabiktima ko ngayon, tsk, sabagay mukhang mahirap eh.. Wala akong mabibili dito kungdi sigarilyo lang. Pwede ng pagchagaan..
May pumukaw pa ng atensyon ko na laman ng wallet nya, isa itong I.D at kapirasong papel, tinignan ko yung I.D at binasa ko ito.
"Krizaleih Aurelio Dimaguiba." what a name! So Krizaleih Dimaguiba pala ang full name nya?
Pangalan palang katawa-tawa na, Okay na sana ang katawan eh, kaso yung face? Ang panget. Shrimp sya!
Sinunod ko namang tignan ay yung kapirasong papel na nakaipit.
Sobrang nanlaki ang mga mata ko nung makita ko kung ano yung nakasulat.
What the? Address ng bahay namin to ah?
Bakit nakasulat ito dito? Bakit alam nya ang address namin? Sobrang nakakapagtaka lang talaga. Pano nangyari yun?
Tinapon ko nalang yong kanyang pitaka, tapos dumiretso nalang ako ulit sa paglalakad habang nakapamulsa..
Ako nga pala si Teejay Lopez, 19 years old, isa ako sa mga kinatatakutang lalake dito sa min. Walang nakakalaban sakin, subukan mung lumaban bugbog ang aabutin mo.
Hindi ako gangster, I'm not one of those, I can say isa lang akong delinkwentong binata, mahilig sa anything astig, mahilig sa rambulan at suntukan, anything basta gulo, at wala din akong kinatatakutan, sila pa nga ang natatakot sakin dahil nga sa siga ako..
Simula palang ganto na talaga ako, pati pamilya ko hinayaan nalang ako, wala din naman silang magawa, kahit anung suway pang sabihin nila hindi ko naman sila pinakikinggan, mas lalong lumala ang pagkaganito ko simula nung mamatay si kuya, para kasing ako ang sinisisi ng pamilya ko kaya sya namatay eh.
Nakikipag bugbugan kasi ako that time, ako lang mag isa, laban sa tatlo, nung time na yun, talo ako dahil hindi ako handa, wala akong dalang kutsilyo pero sila meron, kaya ayun nakita ako ni kuya sa mga bumubugbog sakin, sasaksakin na sana ako nung isa pero, bigla syang humarang kaya sya ang nasaksak, sa kinasamaang palad namatay sya.
At simula din nun parang ako na ang sinisisi ng pamilya ko, wala na silang pakyalam sakin, dahil nga daw sa wala akong kwenta, isang patapon, kaya iniwan nila ako dito sa Pilipinas, habang sila nasa America, at simula din nun parang wala ng saysay ang buhay ko.
Pero mayaman kami, kaya lang ako nagnanakaw dahil wala lang, gusto ko lang mantrip, ang mga nakukuha kong pera ay pinagbibili ko ng yosi at kung minsan alak..at kung ano ano pa. Minsan pinagbabar at pinagbabae ko din.
Nineteen na ko, pero kakagraduate ko palang ng high school, himala nga eh, dahil pumasa ako, siguro kaya ganun dahil gusto na nila akong paalisin sa school. dahil nga sa sakit ako ng ulo ng mga teachers, pinasa nila ako kahit pasang awa lang.
Simula nung mamatay si kuya, lagi nalang akong nag iisa, sobrang close kasi kami nun, tama naman sila ako ang may kasalanan kaya sya namatay..
Kriza's POV
"TITAA!" sigaw ko, nandito na kasi sya sa wakas!, sobrang kinakabahan na panaman ako dito, kanina ko pa kasi sya hinihintay eh.
"Ano Kriza ayos kalang ba? Hindi kaba sinaktan nung nandukot sayo??" sabi ni tita habang hawak hawak ang dalawang balikat ko.
"Opo, ayos lang ako buti po talaga dumating kayo."
"Sa susunod mag ingat ka naman, tatanga tanga ka ka siguro kaya, ikaw ang napagdiskitahang nakawan nung magnanakaw no?." sa totoo tama sya, eh syempre di mo naman maaalis sakin yun. Dahil nga sa first time ko palang dito.. Pero nadala nako dun sa nangyare, mag iingat na talaga ako sa susunod.
"Opo eh." sabi ko habang nagkakamot ng ulo.
"Sabi ko na nga ba eh, buti di ka nya sinaktan, sa susunod mag ingat ka ha? Madaming mapanamantala dito." pagsermon ni tita sakin at chaka nya ko tinulungan magbitbit sa mga dala dala kong gamit.
"Oh sia! Halika na baka hinahanap kana dun sa pagsisilbihan mung bahay." Sumunod nalang ako sakanya, habang parang tanga pading pinagmamasdan ang paligid, tatandaan ko na talaga ang mga daan baka kasi maligaw naman ako sa susunod.
"Salamat po tita! Da best ka talaga!" sabi ko sakanya.
"Pasalamat ka nandito ako para sayo, sa susunod na kailanganin mo ulit ako, tawagan mo lang ako."
"Salamat po talaga."
"Wala yun, bilin karin naman sakin ng nanay mo, basta pag nakapasok kana, sundin mo lang lagi ang mga utos ng mga amo mo."
"Syempre naman po." sabi ko tapos sumakay na kami ng jeep, para pumunta na dun sa bahay ng pamilyang pagsisilbihan ko.
Paglipas ng ilang minuto nakarating din kami kaagad dito sa bahay ng pagsisilbihan ko, so dito pala yun?
Ang ganda naman pala ng bahay nila, nakakalaglag panga, wish ko lang na sana mababait ang mga pagsisilbihan ko..
Hindi sana sila katulad nung mga nababalitaan kong binubugbog ng amo at tsaka hindi pinapakain, hindi ko yun kaya pag nagkataon.
Nag door bell na si tita at kaagad agad namang may nagbukas ng gate, katulong siguro nila ito.
"Ah eto nga po pala si Kriza, yung nireto ko po sa inyo ako po yung nakausap nyo dati nung nasa agency tayo, kasi diba naghahanap kayo ng katulong nun. Eto na po sya." sabi ni tita Pero teka bakit mukhang hindi naman ito ang may ari.
Baka siguro mayordoma lang.
"Ah sya naba yun? Hay sa wakas! Praise the lord nakahanap din ako ng katulong." sabi nung ale, sa tono ng pagsasalita nya, para talagang dati pa sila naghahanap ng katulong eh.
"Ah, hehe ako nga po."
"Ok sige pasok! Sa loob tayo mag usap." sabi nung ale, tumingin ako kay tita at sya naman ngumiti lang at tumango.
"Sige Kriza bye na hinahanap na ako ng amo ko eh, basta yung bilin ko sayo, palagi kang mag ingat."
"Sige po tita, salamat po ulit! Ingat din po kayo." tapos kumaway nako sakanya, pag kaalis ni tita, pumasok nakami nung ale sa loob. Nakakatense naman.. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko..
"Ano nga ulit pangalan mo hija?"
"Krizaleih Dimaguiba po, Kriza nalang po for short."
"Sigurado kaba na gusto mong mamasukan? Eh parang ang bata mo pa kasi parang mag trabaho."
"Kailangan po kasi, para makapag aral ako sa darating na pasukan."
"Ahh.. Napakabait mo pala, sigurado akong matutuwa si ma'am tsaka si sir sayo."
Kanina pako pasimpleng lumilinga linga pero bakit ganun? Ang tahimik ng bahay, parang wala man nga yatang tao eh, parang etong ale lang tong nakatira dito, Natatakot na tuloy ako, hindi kaya mga aswang odi kaya mga bampira ang mga pagsisilbihan ko, ang creepy kasi eh.
"Nasan po ba yung mga pagsisilbihan ko?" tanong ko.
"Nasa America sila." Paano yun? Wala naman pala sila dito.
"Pano po yun?"
"Nasa America sila, pero yung anak nila ay nandito, kaya sila nag hired muli ng katulong ay para nga may makasama ako, hindi ko kasi kaya kung ako lang mag isa. Napakalaki ng bahay na to, at sobrang laking pasasalamat ko nga, dahil may nagkusang loob na mamasukan, wala kasing nagtatagal na katulong dito, ako lang dahil nga kasi di ako makaalis dahil malaki ang utang na loob ko sa pamilyang to."
Napalunok ako dun sa sinabi ng ale, wala daw nagtatagal? Bakit kaya?
"Bakit po walang nagtatagal?" curious na tanong ko.
"Eh kasi ano."
"Eh kasi ano po?"
"Kasi baka pag sinabi ko mag back out ka nalang bigla."
Nakakacurious naman, di nya kasi masabi sabi eh.
"Hindi po ako magba back out Promise." wala naman talaga akong balak mag back out, dahil wala naman kasi akong matutuluyan. At tsaka kailangan ko ng pera. Kung magback out ako, hindi ako makakaipon.
"Promise mo yan ah hija?"
"Promise po talaga, Peksman!" sabi ko at tinaas ko pa yung aking kanang kamay.
"Eh kasi halimaw yung pagsisilbihan mo."
"HUH HALIMAW PO?" sigaw ko dahil kasi gulat na gulat ako dun sa sinabi nya, dahil nga daw kasi halimaw yung anak ng pamilyang pagsisilbihan ko, so tama yung hinala ko kanina, kaya walang nagtatagal dahil may lahi silang aswang.
Parang gusto kong kainin yung sinabi ko kanina, parang gusto ko ng magback out, dahil halimaw pala ang pagsisilbihan ko.
"Hija huminahon ka, hindi ko ibig sabihin na monster ang pagsisilbihan mo, gwapo pa nga yun eh, kaso walang tumatagal dahil kasi salbahe yung batang yun, ako nga lang ang di pinagtitripan nun eh dahil ako ang nag aalaga sakanya."
Kumalma ako bigla pagkasabi ni ale nun, Ngayon gets kuna, kinompare nya yung lalake sa isang halimaw dahil nga daw sa salbahe ito, Now I know gets kuna, pero interesting ha? Gwapo daw?
"Ahh. Akala ko po kasi halimaw sya, sorry po. Yun lang pala, keribumbum ko po iyon."
"Sure ka jan ah, pero warning ko na sayo yun, kasi salbahe talaga yung batang yun eh, sana nga talaga magtagal ka, napapagod nadin kasi akong maghanap eh. Ako nga pala si Cecilia. Ang mayordoma nila dito." sabi ko na nga ba eh, mayordoma sya dito. Mabuti nalang mabait sya.
"Nice meeting you po Manang." sabi ko tapos nakipag shake hands ako sakanya, ngumiti lang sya at ganun din ako.
"So official na to ha, bukas na ang simula mo, pero wag kang mag alala iha, magandang magpasweldo sina ma'am at sir, at di sila masyadong istrikto, basta ginagawa mo lang ng maayos ang trabaho mo. Diba mag aaral ka sabi mo?"
Biglang kuminang ang mga mata ko dun sa sinabi ni Manang Cecilia, maganda daw magpasweldo ang magiging amo ko, Tamang tama! Wala na talagang atrasan to.
"Opo."
"Akong bahala, papaki usapan ko sila na kung pwede. Kahit na nagtatrabaho ka ay pwede kang mag aral, sure ako na walang problema sakanila yun, pero make sure na bumawi ka ah!"
"Talaga! Opo wala pong problema dun."
"Sige, sige bukas ko nalang ieexplain sayo kung ano ano ang mga tatrabauhin mo dito sa bahay. Magpahinga ka na, mukha kana kasing pagod." si Manang naman, kahit yata hindi ako pagod, mukha parin naman pagod ang mukha ko eh. mukha kasing napasma ang mukha ko, nagpapasalamat ako dahil feeling ko maayos naman tong pagsisilbihan ko, pero ang ikinakatakot ko lang ay yung anak ng pamilyang pagsisilbihan ko, tulad nga ng sinabi ni Manang, salbahe daw yun, pero di yun matitinag sa akin.