Chapter 18 Ready na sana ako upang matulog, papasok nadin ako ng kwarto ko ng biglang may pumasok. Narinig ko kasing bumukas yung gate. Si Teejay ito for sure. Nalaglag ang panga ko pagkakita ko sakanya. "Anong nangyari sayo Teejay?" gulat at nag aalalang tanong ko sakanya, paano ba naman kasi puno sya ng pasa. Duguan din ang kanyang mukha. Parang galing na naman sya sa away. "Wag mokong intindihin ayos lang ako," baliwalang usal nya. Ayos? Sinong linoko nya dun sa sinabi nya? meron bang maayos lang na pa ika-ika maglakad, tapos puno ng bugbog, pasa at sugat ang katawan! Hindi sya ayos, panigurado. "Meron bang ayos na ganyan ha? Sabihin mo ang totoo, nakipag away ka na naman no?" This time kasi parang dehado sya, bugbog na bugbog sarado sya kasi ngayon, mukhang madami ang nanakit sa

