Chapter 16 Hila-hila ako ngayon ni Xander habang excited syang naglalakad. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa saya. "Nandito na tayo Krizaleih!" masayang sabi nya, Nakarating kami dito sa coffee shop na pinagtatrabauhan nya, 'You Kiss Coffee Shop' ang pangalan, sa itsura palang ng coffee shop sobrang nakakamangha, napakasosyal kasing tignan. "Wow Xander, ang ganda naman ng pinagtatrabauhan mo," manghang sabi ko, iginiya nya ko kung saan sya gumagawa ng kape, dun sa parang kitchen ng coffee shop, nakakapagtaka nga, parang malayang malaya si Xander dito, hindi man sya sinita dahil, nagpasok sya ng hindi trabahador dito, nakakahiya tuloy. "Eto yung menu Kriza, pili kana ng kapeng gusto mo, mamaya ko nalang papatikim sayo yung specialty ko, pili ka muna jan." Linahad nya sa 'kin i

