Chapter 35 Nang makarating na kami dito sa daungan, bumungad sa kin ang isang napakalaking barko, kulay puti sya tapos kitang kita ang malaking nakasulat na pangalan ng isang sikat na shipping company. Kitang-kita ko din ang mga masasayang mukha ng mga estudyante ng Burchton, habang papasok dun sa cruise ship. Habang itong si Tofer lumilinga linga, at ang higpit ng pagkakahawak nya sa king kamay, di ako makakalas. Para bang may hinahanap, at sigurado akong si Teejay yon. "Nasan na ba yun? Sumakay na yata!" sabi nya na halatang irita, tinatanggal ko naman ang mahigpit nyang pagkakahawak sa kamay ko, pero ayaw nya kong bitawan! Baka anung isipin ng mga ibang estudyante, pag nakita nila akong kasama jan! "Tofer please, uwi nalang ako, pakisabi nalang kay Teejay na hindi talaga ako makak

