Chapter 33 Nagpagulong-gulong ako sa aking higaan dahil sa hindi parin ako makatulog, patuloy padin kasing nagfaflashback sakin yung mga pinagsasabi ni Teejay kanina. Nakakawindang talaga promise! Pilit akong nagkikibit-balikat, pero patuloy padin ang pagkabagabag ko, lalo na't kitang kita ko ang expresyon ng mukha nya kaninang binabanggit ang mga nakapanghihilakbot na salitang iyon. Nagbuntong hininga ako tsaka dumiretso sa paghiga, at pinatong ko ang aking dalawang kamay sa dibdib. Calm down Kriza. Teejay is just drunk! Tama yun dapat ang isipin ko, Lasing lang sya kaya nya yon nasabi. Sa awa na naman ng diyos, kumalma din ang isip ko pagkatapos at nagawa ko ding makatulog. Lasing lang sya, yun lang iyon. Kinaumagahan, huli na akong nagising dahil nga sa hindi ako kaagad nakatulog

