ALLEN “Mr. Caivano!” Napahinto ako nang marinig kong may tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko nang makitang palapit sa akin ang isa sa kaibigan ni Stephanie. Nilahad agad niya ang kamay sa harap ko. “I’m Cianne.” Hinabol niya ako para lang magpakilala? Inabot ko ang kamay niya. “Nice to meet you, Cianne.” Binawi ko na rin agad ang kamay ko dahil parang may kakaiba sa hawak niya sa akin. “Go back inside.” Tumalikod na ako sa kanya at binuksan ang pinto ng sasakyan ko. “Wait.” Dumapo ang mata ko sa braso ko nang hawakan niya ito. Nagdikit ang mga kilay ko at pinukol ko siya ng nagtatanong na tingin. Agad din naman siyang bumitaw sa akin nang makita ang reaksyon ko. “Sorry for bugging you so much with calls about the interview. I just really had to—our prof only gave us two weeks to get it

